May nakita po ako na dala dala ng mga bata. Naisip ko kunan para matanong kung ano ang tawag sa prutas na to sa mga bayan o probinsya niyo. Matatamis po lasa nito as in sweet talaga. Galing po yan sa isang puno na kung tawagin naming mga ilocano ay "mansanita". Angpupula nila pag nahinog 🥰 Photo credits to me ❤️. #pinoy #ilocana #Photography
8 comments
mansanitas tawag nyan dito sa amin.. nung bata pa ako kumakain ako nyan.. hahah .. ewan ko lang.. ano kaya taste niya ngayun na matanda na ako.. matagal na ako di nakakita ng ganyan.
Tumutubo lang po yan kahit saan. Galing sa dumi ng mga ibon kaya kung saan saan tumutubo madalas sa mga tabing ilog o sa bakuran. Kaya gustong gusto ng mg ma bata 🥰
manzanitas masarap to ishake isang pitsel na manzanitas
Kaya lang po maraming buto siya 🥰 pero masarap 😊
ang tawag diyan ay Aratiles ,masarap po yan
Super but yung buto di daw maganda epekto sa tiyan? Is it true?
Hindi naman yon totoo .Dito sa amin meron dito palgi kami kumakain pero ok naman. i search mo sa google .para malaman niyo po
Ang akala ko po kasi masama sa katawan yung mga mabuto. Nagkaka appendix?