Depressed na ata inahing pato ko. Kanina kopa napapansin mga 5 minutes na ata ganyan siya. Ano kaya iniisip niya. Diba ganyan din naman tayo pag natutulala? Parang wala tayong paki sa paligid natin hindi natin sila maramdaman. Tulala eh Good night guys. Diko na kaya kanina pa. Keep safe po #Photography
@LittleSister in May 2021
Bakit kaya yung payout ko kaninang umaga hindi pa dumadating sa coins.ph ko hanggang ngayon? Nakakapagtaka naman. Nasa history na dapat yun ng coins kung walang notif. Hmmm anyare kaya $3 ko. #NoiseCash
Ask lang po. Pag ganitong red color ba hindi pa pumapasok sa wallet? Kasi yung green color sa second screenshot ko pumasok na po yun nung isang gabi. Nagtataka lang ako wala naman ako alam sa ganito lalo sa blockchain. #CryptoTrading
Ganito pala siya hahaha. Ang cute (caterpillar) pag sinasagi ko katawan niya lumalabas yung parang sungay niya tapos lumulubog ulit. Iniisip ko tuloy nagagalit siya at gusto niya mangagat haha. Inaangat pa niya ulo niya. Anggaling. Photo: mine #Photography
May naalala nanaman ako. Natatawa tuloy ako hahaha. (Elementary life) Yung nag excuse ako para mag cr , kalagitnaan ng klase (grade 2 ako non tapos napasukan ko grade 3). Nung pabalik na ako ibang room napasukan ko sabay upo naman ako hahaha. Yun pala nag nag cr din yung nakaupo sa inuupuan ko. Gulat ako kasi may nagpaalis sakin yung may-ari ng upuan hahaha. Bat kasi hindi na ako tumingin sa paligid ko. Tapos yung teacher hindi man lang ako sinita. Edi sana nakalabas man…
Sobrang init parang napapaso balat ko. Nakakatatlong ligo na ako ah. Puro 30 minutes pa wala parin. Ibang iba na talaga panahon ngayon. Dina katulad dati. Sobra na to. Tara ligo ulit. #hot #MyLife
Ganda ng bulaklak parang yung nagcapture hahaha. Pwera dahon mamantya haha. May kanta pangbulaklak ilokano nga lang haha. Palayupuy a kalalamiisan Sabsabung a kababangluwan Oh ading ipul-uy mu man ditoy pusok barukung ko't mabang-aran. Tama ba lirycs? Hahaha. Gandang hapon po. Yung halaman diko alam tawag diyan hihi #Photography
Ganda talaga neto. Pink yung bulaklak niya. Meron din red na ganito diba? Parang dahon lang kasi tagal din malanta. Sanga lang yata tinatanim dito eh. Try ko nga sa tag-ulan. Namamatay pa tanim pag ganito mainit panahon. #Photography
Ok ba luto ko? Diko alam ano tawag sa luto ko hahaha. Basta masarap naman daw sabi ni kuya. Ewan lang baka binobola lang ako hahaha. Adidas saka soybeans. #dinner #MyLife
Hala natapon ko yung mais. May pupulutin nanaman ako. Sayang eh. Yung white corn tawag namin dito (native or netib) parang malagkit po siya. Masarap na gawin kanin yan pag pinagiling. Dito saamin ginagawa din namin yang (cornick) na asin at bawang lang rekado. Una po nilalaga namin siya hanggang lumambot or mag puff siya. Saka namin papatuyuan sa araw. Pag tuyo na siya ready na yung mantika at kawali saka bawang. Pag mainit na yung mantika at nagbrown na yung bawang saka…
!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! For everyone wondering, I will try to explain this as easily as possible. We are experiencing a market crash. Not us, not the bsc, not the crypto world, but the entire economy. It’s a fact, and we got to face this. What can you do now to avoid losing money, you may wonder yourself. The answer is one, and pretty easy to be honest; ABSOLUTELY NOTHING. This is by far the best tactic you could use now. There is plenty of reasons why selling now is…
Kung hindi lang malamok sa labas nandon na ko. Kesa dito sa loob naghihingalo data ko kay globe. 4G Naging 3G tapos airplane mode 4G ulit tapos maya konti 3G ulit. Nakaka umay din po. Kahit gusto mo saba magbrowse eh wala. Anghirap naman ng ganito patay sindi kumbaga #MyLife
Sobrang baba na. Sarap mag buy pag ganito. O pababain niyo pa bch hahaha. Silang apat parang nag-usap talaga eh sabay sabay. Oras na para bumili ng bch? 36k Good morning. #bchdown #timetobuy #CryptoTrading
Aga aga napapagalitan. Kinain ng pusa yung isda hahaha. Sarap pa naman nun pinatuyuan sa suka. Busog lusog yung pusa na yun. Nilinis yung plato ti mga sibuyas kinain. Grabe takaw hahaha. #MyLife
Sa verse 27:1 psalm --The LORD is my light and my salvation; whom shall I fear? The LORD is the strength of my life; of whom shall I be afraid? Tama. Siya ang lakas at siya ang buhay. Kung naniniwala ka sa kanya wala kang dapat ikatakot dahil nandiyan siya.
Kamote po kayo diyan pangpautot haha. Angliliit naman to pang nilaga lang ano po. Bente isang kilo. Mahal po nuh? Sarap kaya to ihawin. Iniihaw ko to nung bata ako eh. #Photography
Kahit may ubo at sipon ito parin hanap ko. Bahala na basta malamig gusto ko inumin haha. Sobrang init kasi paano ba naman. Tapos uhawin pa naman ako. Nakaka 30 glasses ata ako maghapon. Hahaha. #yelo #Nature
Ano tawag niyo sa ganito yung pato na inuupuan itlog para mapisa? (Nililimliman)? Ganda ng pwesto niya di siya maiinitan dito. Fresh na fresh nahahanginan. Malapit na siguro to mapisa 2 weeks pa siguro. Ang bibe, bibi, itik, o pato (Ingles: duck) ay isang uri ng ibon. https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Bibi #Photography
Tignan niyo tong insect na to (kuha lang sa cam ng phone ko). Para siyang (tutubi o dragonfly). Angganda ng kulay niya. Mediyo transparent din pakpak niya. Nangingintab pati katawan. Ano kaya pangalan o tawag po dito? Maliit lang siya. Mas mas malaki pa yung langaw. Photo mine #Photography
Yung nag scroll ako sa Facebook tapos nakita ko to. Natatawa ako sa mga comments hahaha. Gugulo nila. Any tips pa kasi eh haha. Dito https://www.facebook.com/groups/488336962209146/permalink/513138036395705/?app=fbl Pasensya na inabo puso ko. Wala ng dugo naubos hahaha. #Philippines
Napakaganda talaga pag ganitong palubog na ang araw. Parang yung ex kong unti unting nanlamig dahil meron na siyang ibang pinasisikatan hahahaha. Sarap mag-isip ng nakaraan na nakakatawa at nakakapanghinayang hahaha. _________________ Lulubog, lilitaw Ang buwan at araw Patuloy pang lalakad ang panahon Ako'y magmamahal sa 'yo Hindi ito magbabago Pag-ibig ko'y laging laan lamang sa 'yo Minamahal, minamahal kita - FREDDIE AGUILAR SONG #Photography
Hindi na ako nakapag online kagabi kay noise dahil sa nagkasakit na nga ako. Diko akalain babagsak sa lagnat yung naramdaman ko akala ko dahil mainit ang panahon binalewala ko hanggang sa gininaw na nga ako. Hays. Anghirap ng ganito. Iniisip ko nalang bat kaya ako nagkalagnat. Gandang umaga po.
coins.ph widget cryptocurrency. All red. Madugo parin sila. Medyo tumaas naman siya ng konti. Time to buy bch?
If you are a believer of tomorrow never comes, then you should also believe that tomorrow isn't bringing happiness . p.s=start working on the happiness from now don't wait for it to come
9 hours ago. May 19 2021. Marami parin ang nadadagdag. Sana matapos na ang pandemic na to. Stay safe po tayo #BeatCOVID19 #WeHealAsOne #COVID19PH Department of health ph https://www.facebook.com/156566631021264/posts/4433485879995963/?app=fbl
Hindi ko alam kung anong uri ng insect to. Pero napakadali lang nito hulihin. Tawag namin dito (ulaw-ulaw) Ihaharap mo lang palad mo tapos paikot ikotin mo kahit 20 seconds lang. Nahihilo daw siya. Kaya hindi na siya makagalaw. Kung gagalaw man para siyang lasing nababaliktad at di alam ginagawa. Parang tutubi din po itsura noh? #Photography
Market day. Dito every Tuesday and Friday lang ang palengke. Punuhan ang tao sa loob. Hindi ako nakapasok kasi wala akong dalang face shield. Istrikto yung mga guard. May benta naman sila kaso wala akong hawak na pera. Mahigpit sila pag araw ng palengke. Para iwas covid. Tanghali na gutom na ako. Time kaninang 11 am. Yung mga nasa arrow. Sila yung nagbabantay din. Naninita sa mga walang face shield at gabay ng mga tatawid sa kalsada. #market #Photography
When will the bch rise again? It's all red. really bloody. Pati english bloody haha
Mabuti pa yung init ng panahon ramdam ko. Eh siya nanlamig na. Kaya magpapalamig na din ako hahaha. Jowa ko noon jowa na nila ngayon.
How many months bago malanta ang bulaklak ng euphorbia? Matagal pala to. Angdumi niya puro na alikabok. Pero maganda parin naman siya kasingganda niyo po hihi. Sana ol. Buti pa siya pula. Yung puso ko abo haha #Photography
Tibag tibag na tong lupa sa gilid ng ilog. Dati malawak pa to natataniman pa ng mga sitaw eh. Ngayon wala na. Kada baha bumabagsak ang lupa. Pag ito hindi pa inayos darating yung araw umabot na to sa bahayan. Haha wag naman Sana. Nakakatakot na yun. #Nature
Tutorial: Kung gusto niyo makita yung payout niyo na hindi niyo pa nareceive sa wallet niyo. Ganito gawin niyo. Para po ito sa hindi pa nakakaalam hehe. www😍blockchain.😍com/bch/address/YOUR BCH WALLET ADDRESS Like this www😍blockchain😍com/bch/address/pqtvalu4sdh8h9a32gkzv8c*********** Remove emoji and change to dot (.) Makikita niyo mga latest transactions niyo na hindi pa nareceive. Pwede niyo din naman pindutin yung mga nasa coins.ph niyo sa history niyo tapos click niyo…
Noong una pinapasaya ka pinapakilig ka. Tayo naman inlove na inlove sa ginagawa nilang pagpapasaya at pagpapakilig satin. Noong nagtagal. Pinapaasa kana sa mamaya o bukas, pinapaiyak kana kasi sinasaktan kana sa way na hindi na siya gaya ng dati etc. Sana all mapanakit.
Captured 6:03 pm. Kanina habang nasa tabing ilog kami ni kuya pinapaligo yung kalabaw. Tapos pinakain saglit ng damo. Nung umakyat ako nakita ko to na kinakain ng kalabaw namin. Sabi ko kuya hilain mo yun may bunga kinakain ng kalabaw. Kinuha niya. So kinunan ko ng picture. Like (watermelon) pero hindi po siya watermelon or pakwan. Pag nahinog po ito nagiging kulay yellow ang balat niya. Sayang at walang hinog. Maliliit lang po ito. Kamukha talaga ng watermelon. Mabango ang…
Noong teen-ager ako. Diba noon uso textmate? Base on my experience. Dipo ba noon nagkakaroon tayo ng katext new number? Nagsisimula to sa topic na (can u b my textm8?) Tapos rereplayan naman natin yan ng (hu u?) Hahaha. Diba? Pag nagkakasundo kayo sa topic andiyan na yung kwentuhan biruan. Normal na yung magpapanggap ka minsan ng pangalan pero hindi mo pangalan kasama na yung lugar. Tapos mai-inlove kayo sa isa't isa. Minsan ready to meet up na pag nagkapalagayan kayo ng…
Ito po (Cicada) isang uri ng insect na maingay sa tanghali o hapon. Patay na po ito. Tingin ko kumapit nalang siya dito at hindi na umalis hanggang sa mamatay na siya. Ang alam ko kasi parang walang bunganga ang mga to after nilang maging cicada. Parang sa lagay nila hinihintay nalang nila ang kamatayan nila not sure. Tawag namin dito ay (ari-ari). Nilalaro namin to nung mga bata pa kami. Maingay kasi. #Photography
Surely the saddest thing in the world is falling out of love - if once one has ever fallen in. Tapos sa maling tao pa. Na akala mo magpapasaya sayo yun pala sasaktan ka.
Bch. Sayang dahil wala na ako pang buy. Ngayon na sana ang tamang pagkakataon para dito. #bch
Fire in a small forest. Ang-init na nga ng panahon nagsusunog pa sila. Pano kung kumalat yung apoy at mapabayaan edi damay damay na. Alam nilang tuyo na ang mga naglalaglagang mga dahon. Angdami pa naman tuyong kahoy na malalaki.
(bug) nakikita to sa mga halaman eh. Sa mga upo (scientific name Lagenaria siceraria) Dahil peste sila nakakasira sila ng bunga ng mga tanim natin i think. Kaya madalas pag maraming ganito katulad ng mga lady bugs ay ineespreyan nila ng pesticides. Cute noh? #Photography
Kapag nalulungkot ako mas gusto yung nag-iisa, yung wala kang naririnig kundi huni ng ibon, huni ng dahon na nahahanginan. Mas nakakapag relax at nakakapag-isip ako ng mabuti. Inhale exhale. Miryenda naba? Walang makain haha. Abo parin puso ko. Nabroken
Water fountain sa tabing ilog haha. Para fountain lang. Pero makina po yan na pinasisipsip nila ng tubig papunta sa tangke ng truck. Gagamitin nila sa kalsadang sinesemento. Dito kasi saamin pinakamalapit pagkuhanan nila ng tubig. #Photography
Dito nanaman ako. Angsarap talaga maligo dito sa ilog malinaw ang tubig. Noong bata kami pag nagpagitna lang kami ng langoy tinatakot kaming may sirena. Takot na takot naman kami. #river
Gutom na gutom sila. Ngayon lumaki na sila. Sana hindi sila magkasakit para makapagparami din sila. #bibe #ducks #Photography
New update? Ngayon ko lang to napansin. Kayo rin na?
Minahal kita pero naghanap kapa ng iba. Minahal kita kasi yun ang nararamdaman ko. Wala nga pala akong jowa. Sorry haha.
Akala ko siya na yung tamang tao. Yun pala hindi. Kung kaya ko lang hulaan ang tamang tao para saakin ako na manliligaw hahaha. Char. Walang ganon.
Heto po yung katulad ng post ko kahapon. Kaso green yun pag green parang watermelon siya. Heto po siya pag hinog kulay yellow. Katulad po ng honey kiss melon at sugar kiss melons. Di ako sure kung iisa o same sila. Basta melon din po ito pero maliliit nga Lang siya. Mas malaki pa golf ball dito. Yung biyak yan po ang loob niyan. Kagaya ng sugar kiss melons at honey kiss melons. Ganda noh pero wala po siya lasa. Photo mine Time 4:33 pm #Photography
Grabe angsakit ng tiyan ko. Naalala kona naman kung paano mo sinaktan puso ko. Dahil kaya to sa mangga na kinain ko? Dipa nasanay tiyan ko laging mangga laman haynaku.
Ano ba ang natutunan ko sa buhay? Simple lang. Natutunan kong mag isip ng mga bagay na mangyayari soon na pwede kong ikalungkot at pwede ding maging masaya habangbuhay. Katulad ng ating mga magulang. Naisip ko kung hindi ako magiging masunuring anak at tatamad tamad. Naitanong ko sa sarili ko (paano na ako pag namaalam na sila) Kaya naman po ako. Habang naiisip ko yan. Lalo kong minamahal parents ko. Pinapadama ko sa kanila sobrang napakahalaga nila. Kailangan ko sila. Kaya…
Buti pa ang magpuyat kay noise may napapala. Pero yung pinagpuyatan mo ang maling tao pinaiyak kapa. Goodnight noisers. Hindi na po kaya ng mata ko. Pumipikit na talaga. Pinipilit kona lang. Ingat po kayo. Lalo sa mga taong mapagsamantala.
Ito po yung (Passiflora foetida). Hindi ko alam kung ano ang tawag talaga dito sa tagalog. Pag nahinog po dito nagiging yellow. Sinisipsip namin to eh lasang maasim na matamis tama? Madalas namin to makita sa madamong lugar kagaya sa tabi ng ilog. Ganda ng prutas noh? Para siyang melon lang din. Good morning. Capture 6:26:
Yung nagmahal ka sa hindi ka mahal. Angsakit. Kalimutan na natin yan. Ikain na natin magpataba tayo haha. Mmk Muntik Maging Kami
Angsakit pala masabihan ng pakialamera. Nagbigay lang naman ako ng opinion para magkasundo sila. Ako pa mali. Hay buhay.
Naayos na ni kuya yung lagayan ng mga kakainin ng kalabaw. Yan po ay balat ng mais na tuyo. Pag wala na pong damo yan ipinampapakain sa kalabaw. Kapag yan kinakakain niya dahil sa tuyo kailangan painumin ng painumin ng tubig ang kalabaw para para madali lang niya tunawin. Have a great day po. #Photography
Katulad ng post ko kanina sa balat ng mais kailangan din namin pumutol ng kawayan para ipakain sa kalabaw yung dahon. Dahil hanggang sa wala pang mapagkukunan ng damo umaasa lang sila sa tuyong balat ng mais at dahon ng kawayan. Kung minsan dahon ng saging. Dahil sa talagang krisis ang damo. Nagsimula ang lahat to noong nagsilabasan ang ang mga chemical pamatay damo. Ngayon wala ng makain ang mga hayop dito. Darating ang araw na wala ng makikita pang kalabaw, kambing, baka…
Yung ex kong 4 years na di nagparamdam tapos bigla biglang nagparamdam parang multo. Ano naman kaya binabalak neto. Iniwan siguro to hahaha. Ano naman ngayon sa kanya kung single ako duh haha
Red sand Actually matagal kona tong nakikita noong bata pa ako meron na talaga siya dito ilog sa amin ang (red sand). Angganda noe? Pero konting part lang ang meron. Dito lang siya mismo sa may kinatayuan ko. Ewan ko sa kabilang barangay lang alam ko meron din don. Ano kaya pwede panggamitan sa ganito? Buti pa yung buhangin pula, yung puso ko abo parin. #Photography
Ito po ay isang uri ng halaman na kilala dito sa amin isang damo lang ang (Euphorbia hirta). Ito isang halamang gamot kung hindi niyo pa alam (herbal medicine) Kuha ko ang picture na to sa tabing ilog. Dahil sa madalas naman kami don ni kuya. Napansin ko siya sa bulaklak. And sinubukan kong itry isearch via google lens. Nalaman kong Euphorbia hirta pala ang pangalan. Ang mga nagagamot po nito ayon po dito sa website na ito…
At yun nga niblock kona si ex ngayon. After 4 years na hindi siya nagparamdam kasi may iba na siya naalala niya ako. Konting pag uusap lang namin ngayon ayaw kona. Sabi ko kay kuya (kuya nagchat yung ex ko si [mention name] balikan daw ako. Sagot ni kuya (pag-untugin ko kayo pareho eh. Hirap na hirap ako pakainin ka wag ka lang pumayat nung iniwan ka tapos babalikan mo Yan) Grabe diko naman sinabing balikan ko eh hahaha. Pero totoo yun tagahatid ng pagkain ko si kuya nong…
(elementary life) Nasubukan niyo na po bang malate dahil sa school sa kakalaro? Haha noong elementary po ako kung hindi sa rubber band kami nalelate, nalelate kami sa paglalaro ng tex or teks ang tawag. Pag late na kami madalas hindi na kami nakakapasok kasi nahihiya na kaming pumasok. Kaya babalik ulit kami sa lugar kung san kami naglalaro. Tapos pag uwian na nakikisabay kami sa mga kaklase namin na pumasok. Pero akala niyo ligtas na ako haha. Nalalaman parin ng parents…
Hindi porket mahal mo yung tao eh ibigay mona yung gusto niya makuha. No para sakin. Hindi yun ang dahilan para magmahal ka kundi titikim ka lang saka mo iiwan. #MyLife
Hello. Alam niyo ba to? Para siyang (fig tree) pero tawag namin dito ay (plas-plas). Hindi ko alam kung nakakain to kasi mabuto ito. Alam ko lang kinakain to ng mga ibong mahilig sa fruits at mga daga. Lalo na yung mga paniki. Pero tinikman ko parang maasim siya na matamis. Gandang tanghali po. Tanghalian na. Nakapag online na ulit. Hihi #Photography
(bullfrog) tawag dito sa amin pero ito ay (cane toad) siguro male and female ito. Nakita ko sila sa butas ng lupa sa tabing ilog. Magkakasama magkakatabi. How sweet naman. Sumisilong sila kasi ang-init init. Sana all po diba haha? Kahit poisonous amphibians sila ay malaki ang naitutulong nila sa mga halaman basta abot ng dila nila. Kinakain kasi nila ay mga insects. Kumakain din ang mga to ng maliit na ibon lalo na pag nasa baba lang yung pugad o nasa lupa. Pag tag-ulan…
For the first time umulan na rin. Sa loob ng ilang buwan nakatikim na din ang mga matagal ng uhaw na uhaw na lupa at halaman. Salamat lord magandang senyales nanaman to para sa mga magsasaka. #rain #province Wala parin dugo puso ko. #Photography
Kachat ko si kuya (my cousin) kanina. Sabi niya pinsan kantahan kita. Sagot ko sige kuya, vm or video call? Sabi niya Hindi. Itatype ko nalang basahin mo sabay kantahin mona din. Hahaha at yun nga tinype nga. Kanta ni andrew e. Yung shoot shoot pala hahahaha. Natatawa ako sa kanya. Gandang gabi po sa inyo. Wala lang kasi yan natuwa lang ako kaya naisip ko ipost hihi. #MyLife
Grabe nararamdaman kona naman pagbalik ng sipon ko. Kagagaling lang ng sipon at ubo ko eh. Ano ba naman tong nangyayari sakin. Pati mata pa naman nadadamay. Luha ng luha akala mo iniwan ng jowa eh. Wala naman ako nun. #MyLife
Dilim dito sa tinambayan namin ngayon ni kuya ah. Walang street lights. Tapos napansin ko yung 7 lights don. Layo pala namin sa highway. Siguro kung lalakarin namin yon gang dito sa pwesto namin ni kuya mga 1 hour siguro hahaha. Sarap magpahangin dito hanggang 12 hanggang aantukin kami. Angtahimik dito malayo sa bahayan. Nasa bukid na kami. Tapos anglinis pa ng kalangitan walang kaulap ulap. Kayo po saan nakatambay? Nagpapalamig lang kami ang init eh need ng fresh air.…
Mag-12 am na pero kahit antok na ako hindi ako makatulog. Dahil diko na rin kaya tiisin yung hangin niyaya kona si kuya umuwi. Halos ayaw kona sana tumayo dahil tinatamad na ako. Napasarap naman kasi mag ml kasama ko gusto kona sana humiga eh. Sumasakit na din ulo ko sa sipon ko. Haynako talaga. Goodnight everyone. Off na muna ako. Bukas ulit. Ingat.
(gryllus bimaculatus, teleogryllus emma, teleogryllus comodus, gryllus pennsylvanicus) Yan ba mga pangalan nila? Tawag dito sa amin nito (kuryat) sa ilokano. Luto na po ito (fried). Isasahog ko nalang sa lulutuin kong gulay mamaya. Kumakain din po ba kayo nito? Kinuha yan ni kuya kanina sa bukid. Kokonti nga lang. Alam niya kasing favorite dishes ko ito haha. Good morning noisers. Tara na at mag-explore nanaman ng mga bagay bagay. #Photography
Ate, unang pinanganak Pero huling tumangkad. Hahaha Luh matangkad kaya ako. 5'6 kaya height ko haha. Grabe yung mga tiktoker hihi. #Jokes
Angganda ng bulaklak na naglalaglagan kulay white na pink yung parang buhok buhok niya. Hindi ko alam kung anong puno to. Since bata pa ako nakikita kona siya namumulaklak. Diko makunan kasi mataas di makita yung flowers. Angganda siguro ikalat to sa flooring sa loob ng bahay haha. #flowers #Photography
Hindi talaga maganda pakiramdam ko. Tanghaling tapat giniginaw. Kainis kasi na sipon to. Mahal na mahal talaga ako eh binalik balikan ako. Nakakadalawang bioflu na ako jusko. Kahit pagkain sana malasahan ko. #MyLife
Buti nalang medyo ok na pakiramdam ko. Nakasama ulit ako dito sa tabing ilog. Ito po yung (Physalis angulata). Marami po itong pqngalan. Kilala dito samin sa tawag na (Tultullaya) sa ilocano. Matamis po ang bunga nito pag nahinog. Damo lang to kung ituring dito sa amin yan dahil kung saan saan tumutubo. Angganda niya napacute kasi maliit palang may bunga na. Nakatikim na kayo ng bunga niya po? Photo mine (Palit profile picture na) Wala parin dugo puso ko ah. Nasobrahan ko…
Hello noise friends. Nakakita po ako ng halaman kanina mag 6 pm pag akyat namin pauwi galing ilog. After ko siya makunan ng picture i try naman na isearch via google lens para malaman ang pangalan niya. Tawag pala dito ay (Clerodendrum paniculatum) the pagoda flower. Tama po ba? Nakikita yan kahit saan na lugar sa tabi ng mga daan na hinahayaan lang lumaki ang mga damo gaya dito. Kung iisipin pwede siya panghalamang bahay. Maganda ang bulaklak niya. Kung patayo mo tignan…
Kaninang hapon nung bisita ko yung suha kung saan nandon yung mga caterpillars na hinhintay ko mag evolve to butterfly. So sad dahil wala na sila. (Photo taken may 19) Yan na pala yung huli kong makita sila. Siguro nakita ng ibon ginawa nalang silang pagkain. Hinihintay kopa naman sana yung araw na magbagong anyo sila. Ngayon wala na. Huhu #Photography
12 am na. Kailangan kona magpahinga. Good night noisers. Bago ako matulog wish ko sana lahat tayo happy lang kahit anong mangyare. Kung may sad man iiyak mo lang saglit masaya kana ulit mamaya. Parang jowa lang yan na nang iiwan. Iiyakan mo, mamaya happy kana ulit haha. Kasi may mga nagmamahal pa satin na handa tayo pasayahin. Anggulo ba? Hahaha sorry na in advance. Goodnight #NoiseCash
Luh dami ah. Ang aga naman na magpasuyo ng benta niyang products. Sabay puro utang hahaha. 1 month to pay. Tapos magiging 3 months pala sabay iinit ang ulo pag di makasingil hahaha. Good morning po. Deliver muna haha. Kahit hindi akin hihi. Tara po almusal. #MyLife
Pagod na ako sa buhay ko. Gusto kong kumuha ng kutsilyo at magbalat ng mangga. Nagugutom ako ng maasim haha. Peace. Ubos na bunga ng mangga sa kapitbahay kakahingi ko haha #Jokes
Salamat lord may stock nanaman kami sa pang araw araw. Lalo na sa agahan, pang ulam. Angbigat buhatin nung delata ang init init pa naman. (Hindi ko po pera pinambili haha. Kay mama) Hahaha pinagtatanggal ng kapatid ko yung mga supot ng noodles saka nilagay sa box. Napaka kulit. Tanghalian na po tayo. Habang maaga pa. Tapos tambay nanaman sa ilalim ng puno para fresh at malamig. Stay safe po. #MyLife
Nagbibiruan kami ni kuya. Natawa lang ako sa usapan namin haha. Sabi ko. Kuya bakit di ka pa mag-asawa? Sagot niya. Hinihintay kong mauna ka. Sagot ko. Bakit? Sagot niya. Para may pera ako pagkatapos ng kasal niyo. Nang mabawi ko naman pangregalo ko sayo. HAHAHA. Uhmm oo nga naisip ko agad yun kaugalian dito sa probinsya. Pag naunahan ka mag-asawa ng nakababata mong kapatid kailangan bigyan mo ng pera yung ate/kuya mo na naunahan mo magpakasal. Hahaha. Ewan lang kung pera…
Hello noisers. Totoo po ba na ngayong gabi magpapakita ang BLOOD MOON? Isa po ako sa nag-aabang. Sana makita ko. Angganda non. #NoiseCash
So sad naman po yung blood moon na gusto ko makita hindi ko makita. Dahil sa marami ng kahoy na nakapaligid dito sa bahay ayaw pa ni kuya na samahan ako sa medyo makita naman yung buwan. Hanggang tingin nalang ako sa mga post niyo. Sana all tinititigan na yung blood moon. #RandomThoughts
Grabe naman haha. Ganito ba nakita niyo mga kuyang mahilig sa pulang kabayo? Hahaha. (Peace) Natatawa ako sa pic na to. Pang mahilig sa talaga sa red horse. Pati buwan akala nila logo ng redhorse haha. Galing ng nag-edit Nakita ko lang po sa post sa group dito. As memes na siguro httpss://www.facebook.com/groups/203445981094167/permalink/511353853636710/?app=fbl #NoiseCash
Kanina around 9 pm. Tinignan namin yung aso ng pinsan ko. Eto siya. 3 days baby. 3 baby dogs din. Angcute kasi inabutan ko yung isa natutulog sa leeg ng nanay niya tapos busy naman yung isa sa pagdede ganon din yung isa nakasuksok lang pero tulog ata. Anak po ito ng aso ko na si (nagistiwayt) kung maalala niyo always ko naman po siya pinopost nung nakaraan. Ngayon nanay na din siya for the first time. At lola na din ang aso ko ngayon haha. By the way guys matutulog na ko…
Pag wala pong gawa sa kawayan pwede yung baldeng sira haha. Yan po nilalagay nila para may mapangitlugan ang manok nila (Chicken nest) Pero mas maganda kung gawa sa kawayan po diba? Tawag sa ilocano is (kuribut). Kailangan kasi sa taas sila mangitlog para hindi abot ng aso o kahit sinong kakain sa itlog nila. Wag lang tao ah haha. Good morning noisers. Kain po tayo almusal. Kakabangon ko palang kasi ramdam kona yung init. Aga aga tirik ang araw. #Photography
Mamimitas akong patani pang ulam mamayang lunch. Kokonti bunga may isang baso din siguro to. Sarap to sahugan ng talbos ng kamote saka sardines haha. Oh diba probinsyang probinsya. #patani Aga nawalan ng dugo puso ko. Naparami nanaman ata naging crush. #Photography
Familiar po ba kayo sa insect nato? Katulad ng (mealybugs) siya pero magkaiba lang ng itsura baka yan din yun? Ito po ay may parang white powder o chalk na nakakapit sa buong katawan niya. Kaya sinasabi nila dito na mapanganib din po ito sa mga kalabaw kapag nakakain ng damo na may nakakapit na ganito o sa mga dahon ng saging. Kapag pinatihaya to may mga makikita kang galamay na pino. Maliliit na siyang paa niya. Kayo po. Alam niyo tawag dito? Good afternoon po. Photo mine…
Ganda ng profile niya yung myday. BTC. Ms. Nelly Akpabio traders. Kilala niyo po siya? Marami po ata nag iinvest sa kanya. VISIT HER PROFILE https://www.facebook.com/nelly.akpabio.75 #justsharing #CryptoTrading
Photo taken 5:46 pm kaninang hapon. Sinearch ko po via google lens ang pangalan niya ito ay (Oxyopes salticus, striped lynx spider). Ewan ko lang po kasi minsan nagkakamali rin hehe Sa tingin ko isa itong female striped lynx spider. Kinunan ko siya habang kumakain ng langaw (flies). Ang-cute po niya kasi maliit at sinlaki lang siya ng langaw. Yun pong kinakain niya. Anyway po let's eat dinner. Good evening po. Photo mine #stripedlynx #Photography
Ngayon palang po ako mag dinner. Dahil ngayon lang ako may gana. Ulam ko nga pala bitsuelas na may langka. Ginataan sana yan pero walang niyog o nabibiling naka repack. Tira nalang kasi napicturan ko ako nalang hindi pa kumain. Magandang gabi po. Sarap po yan kasi may sahog na tinapa kaso inubos na nung bunso namin. Kaya nalang haha. #Photography
Matutulog na daw ako kasi wala naman akong jowa. Nanood lang ako movie eh. Hindi lahat ng nagpupuyat may jowa haha. Sus maryosep. Katapos ko lang panoorin yung kong island. Nag enjoy ako sa malaking unggoy. Bukas po ulit ha. Mwuah lab yu all. #NoiseCash
(cabs chicken) Kaya tumataba angtakaw takaw talaga. Mag isa lang kasi siya buhay. Pag nakawala sa hawla neto tapos gutom hahabulin ako. Akala mo mangangain haha. Napakabigat na niya haha. Kahit mag isa lang yan nangingitlog parin. Good morning everyone. Yan na ulit ang only one chicken ko hahaha. Tumatanda na rin siya. #Photography
Ano kayang insects ito po? Nakita ko to sa lumalaking labong ng kawayan. Maliit siya. Cute. May mga nakakapit na puti puti sa mga paa nila. Siguro itlog nila yung puti na yun sa tabi nila kaya binabantayan. Parang binabalot ng puting cotton ganon. Kayo po alam niyo ito? #Photography
Tapos na ako makapagsaing. Magpapainit naman ako ng tubig. Kasi yung kapatid ko ang init init ng panahon pag maliligo kailangan pa lagyan ng mainit na tubig yung pampaligo niya hahaha. Ganito parin ba lutuan niyo? Gamit ang kahoy. Alam niyo kung ano nakakainis minsan pag ganito lutuan? Haha. Pag panahon ng tag-ulan at di makabilad ng panggatong mahirap padingasin. Kailangan mo bantayan ihip ng ihip. Andiyan yung mauusukan mata mo hanggang mangiyak ngiyak kana haha. #province…
Grabe mga pinsan ko pag bagong ligo dito diretso sa bahay nagsusuklay pa ng buhok haha. Akala ko makikipag kwentuhan pero ang sadya pala hihingi ng lotion at pulbo hahahaha. Kadalagang mga babae eh haha. Ok lang. Maliit na bagay naman yun. Basta maganda sila at mabango hihi. Lunch time friends. Kain na. Wala nanaman dugo puso ko pang dinuguan haha. #RandomThoughts
Napasarap po ng tulog ko halos 3 hours din. Angsarap ng hangin nagising nalang ako sa mga naglalaglagang dahon sa mukha ko haha. Gusto kopa sana matulog ng matulog kasi sabi ni mama (bat gising kana nak matulog ka lang, para may lakas yang mata mo magpuyat sa kaka cellphone mo mamaya). Hahaha grabe naman yun tinamaan ako. #Photography
Beautiful. Napakaganda po diba? Taas hanggang baba. Napakalinaw ng tubig ng ilog blue water. Kung wala lang siguro o kokonti yung mga ulap perfect mas mas maganda siguro tignan. Blue water and blue sky haha. Photo taken 5:50 pm. Araw araw talaga sa tabing ilog. Kami pala ng kuya. Basta hapon. Maganda kasi tumambay don sa gilid pag lubog ng araw hindi kana maiinitan tapos mahangin pa. Super fresh. Kaya lang pasensyahan lang pag napalakas yung hangin maalikabokan at may kasama…
Isa sa pinakapaborito ng mga pinoy/pinay (Filipinos) ang tuyo. Ngayon palang po ako kakain. Four pieces na pritong tuyo binabad kona sa pulang suka. Wala kasi yung best partner niyang kamatis kaya lang nalang. Pero hindi ko kaya ubusin yan baka dalawa lang Sarap magkamay kumain pag tuyo ulam. Tuyo ngayon tuyo sa umaga. Salitan nalang yung delata haha. Nakakasawa din kasi pag puro delata din. Kayo po kumain na? Kain po tayo. #MyLife
Yay. Well ako kumakain talaga halos everyday. Pero madalas talaga sinasahog sa gulay. Kung hindi naman igigisa ko siya hahaluan ng itlog. Pwede din pong lutuin hanggang matuyo. Masarap po kaya ang sardinas lalo po yung chili flavor. Credits: fb post https://www.facebook.com/photo.php?fbid=299477908635740&set=a.105320494718150&type=3&app=fbl #RandomThoughts
11:19 gabing gabi na po ah. Mauna na po ako sa inyo matulog kasi maaga ako bukas. Pag nagpuyat pa ako hapdi nanaman ng mata ko nito. Parang gusto ko din gumala bukas sa hindi mataong lugar para kumuha ng pictures sa paligid ligid. Kahit anong makita basta interesting sana haha. Good night noise friends. See you tomorrow. #NoiseCash
Isang maliwanag at magandang sikat ng araw ang bumungad sa mata ko. Nangangahulugan nanaman ng matinding init maghapon. Bagong umaga bagong pag-asa. Napakaganda ng sikat ng araw. Parang liwanag ng mga napapanood nating movies, mga encantada hihi. Good morning friends. Maganda din ba gising niyo? Tara na at mag explore ulit sa paligid haha. Kape muna. #Photography
Magiging ok din ang lahat balang araw. Tiwala lang. Kaya natin to. Wag mawawalan ng pag-asa.
Ito po ba yung (housefly) o (sarcophagus carnaria)? Masakit po sila mangagat. At Kung nakakakita kayo ng dumi ng tao o hayop kung may mapapansin kayong langaw na dumapo don. Naglalabas sila ng sunod sunod na itlog nila don. Base sa mga nakita kona, paglabas palang ng itlog ng langaw ay buhay na ito na parang maliliit na uod at gumagapang na sila paloob sa dumi ng tao o hayop. Kakaiba ang mga uri ng insects na ganito. Photo mine. #Photography
Sabi ng kuya ko pag natutulog ako. Tulo laway daw ako. Kawawa daw yung unan hahaha. Pero unfairness mabango daw hininga ko sabi nung bunso ewan lang. Baka nambobola para bigyan ko load pang nood ng tiktok haha.
Dumating din yung araw na nagtaka at nagtanong na rin sakin. (Bakit Hindi na daw ako nahingi ng pangload ko every 3 days) mahigit one month na nga pala na hindi ako humihingi. Sabi ko (may load pa naman ako ma). Hindi kasi nila alam na may online earning site na ginagamit ko kaya dina ako humihingi. Syempre ayun na nagalit na siya sakin haha. Sabi niya (baka daw nagagaya na ako sa ibang babae na nabibili sa load) luh haha. Di ako ganon. So time na para ipakita ko yung laman…
Bakit parang nababagalan ako sa oras haha. 1:00 pm palang pala. Akala 3;00 pm na kasi feeling ko angtagal namin naligo sa ilog.
Siguro ngayong buwan sobrang baba ng crypto natin. Umaasa ako na pagsapit ng ber months tataas siya hehe. Higit pa sa 70k na tinaas niya. coins.ph widget chart #CryptoTrading
Cagayan river. The longest and the largest river here in the philippines. Dito lang yan sa cagayan valley region. Tara po maligo tayo. Dahil malapit naman sa aming bahay. Dito talaga ako sa ilog araw araw. #cvr Photo mine
Hello noise friends. Meron po akong konting pamigay via sharable links. May $0.10 na tatlo at dalawang $0.08 na dalawa. Pasensyahan niyo nalang po. Click niyo nalang po yung mga links. Masaya po kasi ako ngayon. Only bitcoin.com wallet users https://branch.wallet.bitcoin.com/sfl61ncjEgb https://branch.wallet.bitcoin.com/xfEoEchjEgb https://branch.wallet.bitcoin.com/SUWUGQtjEgb https://branch.wallet.bitcoin.com/wNiMfLjjEgb https://branch.wallet.bitcoin.com/neSadXojEgb
Dito po sa amin ang tawag dito ay (bugnay) kilala sa pangalan na (bignay) sa tagalog.(Antidesma bunius) Natikman kona po ito as a wine. Ginagawa din po kasi ito kung tawagin dito sa amin ay (bugnay lambanog). Malakas din po tama nito haha. Bugnay wine or bignay wine. Madalas namin ito kainin dati sa tabing ilog nagdadala pa kami ng plato at asin. Yung dahon niya ginagawa na namin bilang kutsara namin habang kinakain ang bunga niya. Photo mine.
Marami parin po ang nahahawa at naitatalang new cases ng covid19 dito sa ating bansang pilipinas. Pero mas marami naman ang gumaling. 7k+ new cases at 7k+ naman po ang mga gumaling. Masaya na malungkot talaga ang nararamdaman ko. Masaya kasi maraming naka-survive. Malungkot kasi marami din ang mga pumanaw. Hanggang kailan kaba mananatiling pasakit saamin covid19? Lubayan mona kami. Marami kanang ninakaw na buhay. Lord help mo kami labanan ang ganitong uri ng sakit. Credits…
Ito po ay ube. Tanim ni mama. Marami po yan. Yung iba nakatanim sa mga katabi ng punong kahoy. Para paglaki habang humahaba yung tangkay ba kung tawagin yan yung sa hanggang talbos? Umaakyat naman siya at namumunga din ito maliban pa sa laman sa ilalim ng lupa. (April po natanim mga Yan) Ang ginagawa ni mama dito niluluto niya at nilalagyan ng niyog. (Kumbaga ginataan) pero pizza style po siya as in ube pizza. Na tinatawag naman naming bibingka sa ube. Sobrang sarap po kasi…
Again meet my dog named (nagistiwayt) Tignan niyo po sa picture. Akala mo anghimbing ng tulog. Pero pag nakaalis ako sa inuupuan ko magigising agad yan. Ewan ko ba talaga. Bakit anghirap niya takasan. Anglakas ng pandinig at pakiramdam niya. Kayo rin po ba ganyan alaga niyo? Malalakas pang amoy. Naligo naman ako haha.
Nakarinig kami ng tunog ng ulan akala namin papunta na sa direksyon namin pero hindi pala. Tignan niyo po yung buwan pasilip silip nalang. Natakluban na kanina ng itim na ulap dahil akala namin uulan. Sa ibang direksyon pala siya.
Kapag napapangiti o napapatawa po tayo mag-isa habang nakaupo o naglalakad. Tapos maiisip natin na (Hala wala pala ako kasama) sabay lingon baka may nakakita sayo. Iisipin nila nababaliw tayo. Hahaha nasubukan niyo din po ba yun?
(What is social engineering? Tips to help avoid becoming a victim?) Watch this https://www.facebook.com/Norton/videos/341959243896746/?app=fbl Or read this https://us.norton.com/internetsecurity-crm-devicesecurity-what-is-social-engineering.html?om_ext_cid=ext_social_Facebook_30-Second-Tech Malalaman po natin dito para makaiwas sa scamming, phishing and hacking. Credits to Norton fb page.
(cicadas insect) naglalaro siya sa may bulb. Lipad ng lipad paikot ikot. Siguro kagaya ng ibang insects like din nila ang maglaro sa ilaw. Angganda ng pakpak niya transparent at anghaba. I like it. Para siyang si sell or cell ng dragon ball Z hihi. #cicadaatnight Photo is mine
Pilipinas and to all the world. Mauuna na po ako sa inyo matulog. Dahil bagsak na talaga mata ko. Gabayan po tayo ni lord tayong lahat. Good night mga ate, kuya, tita, tito ko diyan. Wag po masyado magpupuyat. Godbless us.
Medyo napaaga po ang gising ko. Happy sunday noise friends. Coffee muna ako bago ang maglaba. Tambak na ang labahin angbilis kasi madumihan mga damit ngayon na sinusuot. Good morning happy sunday. Thanks lord.
Bakit kaya nilalanggam ang labong? (The bamboo shoot). Kilala ang mga langgam na ito sa pangalan na (bunar). Mahapdi kung mangagat. Noon kopa napapansin na habang palaki ng palaki ang labong ay tinitirahan muna siya ng mga langgam. Matamis kaya yung dulo niya? O kaya naman baka malamig. Pwede ding habang lumalaki ang labong ay marami silang nakukuhang pagkain nila dito. Kayo guys. Ano sa palagay niyo? Ito pa naman yung mga langgam na masakit kung kumagat. Photo mine
Mga plantitas. Ano pong pangalan ng halaman na to? May puti sa gilid gilid ng dahon niya. Hindi ko alam kung ano itsura ng bulaklak nito pero im sure maganda siya. Para siyang Bougainvillea diba po? Photo mine
Kahapon nag-try ako mag tip via qr code. Naamaze ako kasi maganda pala. Then ngayon nag-try ulit ako sa dalawang tao. Anggaling kasi pumapasok pala siya agad basta wag ma-cancel kasi once na nacancel ata hindi na papasok. Since naubusan na naman kasi ako ng heart hehe. Random nalang muna. Bitcoin.com bch wallet. #BitcoinCash
Katapos ko palang magluto ng breakfast. Sinangag na kanin at scrambled egg. Kulang nalang po ng ketchup. Kayo po nag-breakfast na? Late breakfast hehe. Naramdaman kona gutom ko.
Ngayon alam kona ang pangalan ng halaman na ito (Solanum ptychanthum) na kilala sa pangalan dito sa amin na (am-amsit). Hindi po nakakain ang bunga nito sa alam ko pero pagkain po ito ng mga ibon na mahilig sa bunga. Ito po ay tinuturing na gulay dito sa amin. Dahil nauulam ang talbos nito. Sinasahog sa munggo sitaw o ibat iba pang ulam gaya ng (dinengdeng). Kayo po nakatikim na ng gulay na ito? Masarap. Photo mine
Ampalaya seeds or bitter gourd seeds. Buto po ito ng native ampalaya called (bukel ti parya, parya) in ilocano. The scientific name of ampalaya is momordica charantia. Pinapatuyo ni mama sa araw para hindi masira at pwede na ito itago sa garapon. Kapag tag-ulan na pwede na siya itanim. Sobrang pait po ng bunga nito kasi ito yung native. Kung igigisa mo to na may itlog. Kailangan mo muna siya gamayin sa asin konti para mabawasan ang pait. Favorite niyo din ba ang ampalaya?…
Hot afternoon noise friends. Hindi pa ako nag lunch. Gusto ko muna ibigay ito. Good for 5 users. Bawat isang link may halagang $0.09. Sa mga meron pong bitcoin.com app po ito. Salamat sa mga nanatiling sumusuporta. Kaya ito lang po muna. Click niyo lang po ang link. https://branch.wallet.bitcoin.com/n4BFhglFFgb https://branch.wallet.bitcoin.com/EoxAnQpFFgb https://branch.wallet.bitcoin.com/flqCi9rFFgb https://branch.wallet.bitcoin.com/wpN9UPuFFgb…
Wag mong damdamin. Dapat maging masaya ka parin. Sa kabila ng lahat. Naging mabuti ka sa iba kahit tingin nila masama ka. Wag kainggitan kung ano meron sa kanila. Magsikap ka. Balang araw yung mga nakikita mo magkakaroon ka din. Happy lunch time.
(Averrhoa bilimbi) or kamias in Philippines. Mamumunga na siya ulit. Angdami nanaman niya bulaklak. Tanim ito ng papa ko. Dito sa amin ito ang pinaka the best na recipe namin pang sinigang sa isda. Nilalagay din namin siya sa garapon at nilalagyan ng asin para hindi masira. Kung hindi naman pinapatuyo namin siya sa araw. Mahilig din ako magpapak nito dinidildil ko sa asin haha. Ang kamias marami din benefits. Gaya ng vitamins B and C, iron, phosphorus and antioxidants. Its…
Halata namang malakas na ang hangin at fresh na ang pakiramdam nalalamigan na ang katawan. Palubog na ang araw. Pero pagmasdan niyo yung lupa bitak bitak. Kailangan na ng ulan. Yung mga damo natutuyo na. Magandang hapon po. Halikayo ulit dito sa tabing ilog. Photo mine
Anghirap maghanap ng wala. Yung mga kasama nila ayaw aminin kung sino kumuha. Sila sila lang yung nasa loob ng bahay. Nanakawan pa. Nakakaiyak 😭 pero anghirap magturo kung sino. Kaya lahat sila suspect. Wala na ako tiwala. Hindi na sila makakapasok kahit kailan sa bahay sinusumpa ko.
(tomato) (kamatis) Malaki na pala siya pero hindi na nalipat. Dapat sa baba na nakatanim to. Bukas ko nalang ililipat. Pag sa baba kasi ng lupa oras na namunga to. Kinakain ng manok at pato. Mas uunahan kapa ng mga hayop kumain haha. Photo taken 3 pm
Bakit yung walang kasalanan hindi nila kayang paniwalaan? Samantalang yung may kasalanan malayang gawin ang gusto niya gawin. Siguro ganon talaga ang buhay.
Hindi ko talaga matiis ang init. Kaya maliligo ulit ako. Bahala na kung sabihan ako ni mama na palit ng palit ng suot basta maging fresh katawan ko. Grabe pinagpapawisan ako. Sobrang init talaga.
Photo taken 5 pm sa tabing ilog. Tignan niyo po yung puno. Malapit na siyang bumagsak. Ugat na lang niya kumakapit sa lupa. Taon taon natitibag ang lupa sa tabing ilog kapag lumalaki ang tubig. Kaya yung mga kahoy naaanod sila kaya nauubos ang mga puno sa tabing ilog. Photo mine
Kung titignan mo para siyang aratilis. Pero hindi po. Isa po itong puno na kamuka ng aratilis. Nakalimutan kona kasi kung ano tawag sa puno na to. Angganda po pag maliit may red skin siya. Malaking puno po ito pag napalaki. Kaya lang marupok kaya nakakatakot akyatin kasi madali lang mabali. Ang purpose po neto panggatong super ganda panggatong to madingas. Photo taken 5 pm Photo mine #Photography
Bch is rising? Sana nga. Tulog na po tayo. Baka bukas nasa moon na bch natin haha. #CryptoTrading
Ganda naman. Ito yung (Passiflora foetida) naalala ko nung mga bata kami nag-uunahan kami sa hinog na bunga nito. Pagkauwi galing school isa to sa mga sadya namin. Hindi naman siya nakakabusog pero may lasa kasi. Matamis. Makatikim lang ako ng dalawa ayos na hahaha. Kulay dilaw pag nahinog ang bunga. Anyway have a blessed morning sa ating lahat. Photo mine #Photography
Happy monday morning everyone. Sa mga oras na to nakapasok na kayo sa mga trabaho niyo sa mga office niyo. Nakapag almusal ba muna kayo? Panibagong umaga nanaman. Katapusan na ng MAY. Bukas JUNE na.
Yung nag 1 v 1 kami sa basketball ni kuya pero hindi ako maka shoot haha. Grabe yon 7 - 1 score. Basang basa na kami ng pawis pagod na ko kakabato ayaw pumasok haha. Skl Pahinga muna. Charge ng phone. Ang init talaga. #NoiseCash
(Averrhoa bilimbi fruit) or (kamias fruit). Kain po tayo kamias. Wala talaga ako pinapalampas na maasim. Matakaw ako sa maaasim haha. Kinuha ko lang to sa kapitbahay haha. Dildil nalang sa asin.
Nakasama pa pala sa kanila yung pagtatanong ni mama kung (wala ba talaga sa kanila yung cellphone ni kuya). Namimintang daw kami na wala naman ebidensya. Sila yung tao sa bahay malaya maglabas masok anong oras. Kanino kami magtatanong? Sa hindi naman pumasok sa bahay? Haynako. Hirap magtiwala.
Maganda maglaro ng ml pag nasa area ka na may stable internet connection. Para hindi mag-lag ang game. Anghirap maglaro pag dimo macontrol yung hero kapag mahina internet. Layla user here. Classic nga lang haha. #NoiseCash
Naawa ako kay ate. Na-scam. Anglaki non 17k pesos. Nagtrade po siya. Sobra na sa pagkaganid ang mga tao. Mahirap na nga lalo pa nila pinapahirapan. Karmahin sana ang mga katulad nilang mapang-api sa kapwa nila. Kung may pamilya kayong binubuhay meron din sila. Tapos ipapakain niyo sa pamilya niyo ang mga nanakaw niyo? Mga na-scam niyong pera? Visit fb post https://www.facebook.com/groups/Bx.nice.style/permalink/4572073319486708/?app=fbl #CryptoTrading
(mistisong manok) yung lahi ng texas at native chicken. Tama ba mistiso? Matutulog na sila. Uso yung sakit ngayon ng mga manok ang tinatawag na (burtong) yung namamaga at tumutubo sa mga malapit sa mata nila. Pag namaga ng namaga mabubulag na sila. Kung hindi gagaling agad sigurado na ikamamatay nila kasi hindi na nila makita kakainin nila. #hawla #Photography