Creamy Gelatin Recipe

3 27
Avatar for Lira
Written by
4 years ago

Creamy Gelatin Recipe:

Ingredients:

-1 pack gelatin powder (6 cups water per pack pero yung gatas na po yung ginawa kong pinakatubig nya)
-1 big can evaporated milk (2 cups na po equivalent neto)
- 4 cups water (tinimplahan ko po ito ng 2 packs ng bear brand, para maging milk)
-1/4 white sugar

Procedure:

1. Unahing pakuluin yung 4 cups of water, then pag kumukulo na, ilagay na yung 2 packs ng bear brand (pede din ibang brand ng gatas).

2. After na malusaw nung powdered milk, idagdag na yung 1 big can ng evaporated milk. Haluin lang ng haluin, hanggang mag mix sila totally. Then ilagay na yung 1/4 kilo na asukal.

3. Ilalagay na yung gelatin powder. Onti-onti lang lagay ng powder. Haluin lang ng haluin, para matunaw talaga yung gelatin. Basta konti konti lang lagay. Dapat hinahalo habang nilalagay yung powder. Then, pag tapos nang imix ng husto at na dissolved na totally yung gelatin powder. Kumuha ng pansala, salain lang ng isang beses, para matanggal yung mga buong gelatin kung meron mang nabuo.

4. Ilagay na sa mga lalagyan then hintayin nalang mabuo yung gelatin, choice mo na if gusto nyo pong lagyan ng grated cheese sa ibabaw.

Pwede ding pang negosyo!✨ Gawa ko po mismo yung nasa picture. 💙

2
$ 0.00
Avatar for Lira
Written by
4 years ago

Comments

ay wow masubukan nga din to.. pro flavored At colored ung available na nsa kusina, pwede un?

$ 0.00
4 years ago

Opo pwede po✨ mas masarap po yun kase may additional flavor 💙

$ 0.00
4 years ago