July 13, 2021
Zumba?
I think I need it right now!!
Siguro hindi lang ako kundi marami din iba diyan ang tumataba simula ng nagkapandemic.
Noon nag simula ang pandemic, I was in Cebu for 9 months kasi nag aaral ako doon. Bali nakauwi ako dito sa probinsya namin noong december na. For 9 months, hindi man lang ako nakalabas sa boarding house namin because bawal talaga. Talagang sa bahay kalang dapat. So, natakot ako baka tumaba ako doon kasi walang exercise sa sa boarding house lang talaga ako. So kinontrol ko yung pagkain ko at minsan talaga di nakakakain kasi wala na akong pagkaon. At yun hindi ako tumaba doon dahil ayaw ko talagang tumaba.
Noong naka uwi ako sakin, after 1 month, na feel ko nang tumataba na talaga ako ng kunti dahil ang dami ng nakakain ko. Na aakit kasi ako sa mga pagkain na tinda namin sa karinderya. Kaya minsan kain lang ako ng kain kasi gutom naman talaga ako. At iba parin talaga kapag may magulang kang nag aalaga sayo sa pagkain compare noong nasa Cebu pa ako na ako lang mag isa pati sa pagkain. Diba? Minsan nga walang pagkain. Kulang ng exercise. At ang isa pa dahil minsan kulang ako sa tulog
At kaya ngayon Feeling ko ang taba ko na talaga. Ang lahat po ng mga kaibigan ko at mga kakilala kong nakakakita sakin ,sinasabihan ako ng halaa ang taba mo na. I don't know kung compliment ba yun or hindi. Pero ayaw ko talagang na tumaba ako. One of the reasons for that kasi hindi ako mataas. Para kasing ang pangit tingnan kapag hindi ka tumaas tapos ang taba ko.
So last week, naisipan kong mag Zumba everyday para naman hindi na ako masyadong tumaba. And I know na mas effective to kasya sa hindi kumain. Yung iba kasi iniisp na papayat sila kapag hindi kumain. Ang hindi nila alam na masama din yun sa katawan nila.
Actually tumaba na din ako dati and nakaya ko naman magpapayat sa pag zuzumba lang at kontrol sa katawan at sa pagkain ko. And effective talaga yun.
Naalala ko when I was in high school, tinulungan ko din mag zumba yung sir dahil pataba siya ng pataba din that time at hindi nya gusto.
And meron din po akong mga kasama. Si ate at yung mga pinsan ko din na lalaki na tumaba na din.
Hindi naman sa ayaw namin sa mataba. Di naman ganon. Lahat naman po yata tayo may ayaw at hindi sa katawan natin. At gagawin natin ang lahat para hindi mangyari satin yung ayaw natin diba?
Namiss ko tuloy ang BGC kasi laging may Zumba sa park tapos magbibigay ka ng tip after. Gusto ko music nila, modern. Yung sa Makati Park na Zumba medyo pang tanders na kasi, kadalasan budots ang tugtog.