Parang nangyari ang aking napanaginipan

11 79
Avatar for Labofmylife
2 years ago

Nong nakaraang araw ay nanaginip ako..Isang masamang panaginip..Ayon sa aking panaginip ay may isang lalaki na humahabol sa akin.. na parang nasasapian ng masamang ispiritu at gusto akong patayin...Tapos may nakita akong isang matandang babae at ang sabi sa akin na para daw mawala yong sapi ng lalaki na humahabol sa akin ay kailangan ko daw hanapin ang simbahan at humingi ako ng holy water tapos isaboy ko ito sa lalaki....Kaya ang ginawa ko tumakbo ako ng tumakbo para hindi mahabol ng lalaki...Ewan ko kung saang lugar ako at kahit sa totoong buhay ay hindi ko alam ang lugar na yon..Nag makita ko ang simbahan ay agad akong pumasok sa loob.............Bigla akong nagising dahil nga sa nasipa ako ng bunso kong kapatid....

Kahapon ay umalis ako ng bahay at iniwan ko lang ang aking kapatid na lalaki 8yrs old sa aking mama..Sila lang dalawa yong naiwan sa bahay dahil ako ay may pasok ng trabaho....

Pag-uwi ko sa bahay mga bandang 5pm...Nakita ko na nakasimangot yong mama ko tapos yong kapatid ko ay nakahiga sa sala..Nakakumot at tanging ulo lang yong nakikita ko...Tinanong ko si mama kong anong nangyari at ang aga pa para matulog ang kapatid ko...

Kwento ng mama ko ay kanina raw na tanghali ay sumakit bigla yong ulo ng kapatid ko pagkatapos ay nagtatakbo sa labas..Hinahabol daw ito ng mama ko..Kahit ang mama ko nagtataka dito..Nong maabutan ng mama ko ay hinawakan daw ito sa braso subalit panay sigaw ng kapatid ko..Meron daw isang napakalaking lalaki na gusto siyang kunin....Sobrang takot na takot daw ang kapatid ko.....Niyakap ito ng mama ko hanggang hindi na daw nagpakita sa kapatid ko yong lalaki na yon kaya pumasok na ang kapatid ko sa loob ng bahay....

Kinabukasan ay ok na ang pakiramdam ng kapatid ko at tinanong ko ito kung ano ba talaga yong nakita niya kahapon...Ang sagot sa akin ay isang napakalaking lalaki daw ang humahabol sa kanya...Para daw siyang kukunin...Tinanong ko kung ano ang itsura ng mukha....Ang sabi ng kapatid ko ay malabo daw ang mukha at tanging katawan at ulo lang ang nakikita niya..Tapos nakita niya daw ito na pumasok sa kwarto ng mama ko at biglang nawala na.......

Ngayon tuloy ay naguguluhan ako kung ano ang ibig sabihin ng aking panaginip noong nakaraang araw...Yon na ba yon na nangyari sa kapatid ko?

Sino po ba sa inyo ang nakakaranas na din ng isang panaginip at minsan nahahawig ito at nangyayari sa totoong buhay?

Sponsors of Labofmylife
empty
empty
empty

Nais ko lang pasalamatan ang aking mga supportive at mababait na sponsors...Sa mga gusto din na makita ang mga articles na gawa nila ay eclick niyo lamang ang kanilang accounts..

Thank you so much din sa aking mga readers na walang sawang nagbabasa ng aking articles kahit minsan walang sense.hahaha..Na appriciate ko po kayong lahat....godbless po..

Date published

october 21,2021

thursday

3:06pm

Philippines

@Labofmylife

5
$ 0.24
$ 0.05 from @Bloghound
$ 0.05 from @GarrethGrey07
$ 0.05 from @Sweetiepie
+ 4
Sponsors of Labofmylife
empty
empty
empty
Avatar for Labofmylife
2 years ago

Comments

Pabless nyo, sis o tawag kayo ng paranormal experts!

$ 0.00
2 years ago

Better sis, pabless nyo din ang bahay nyo or hingi ka holy water sa simbahan para may pangbless kayo sa bahay nyo, taz hanggat maaari laging may hawak ung kapatid mo na rosary ung nabendisyunan sa church, or kahitbanong pangontra sa bad spirits

$ 0.00
2 years ago

Parang nagkatotoo nga sis ung panaginip mo.. kumusta na ba kapatid mo now..

$ 0.00
2 years ago

Nakakatakot naman, Di ba naman nilalagnat Ang kapatid mo noong mga oras na ayon?

$ 0.00
2 years ago

OMG.. hndi pa nmn ako nakapanaginip ng ganito pro minsan kc ang panaginip dW ay isang babala.

$ 0.00
2 years ago

Siguro tama ka sis...kasi kinaumagahan yon yong nangyari sa kapatid ko kung tutuusin iniwanan ko siya ok na ok pa...

$ 0.00
2 years ago

Ganitong malapit na ang Halloween nakakatakot na ang paligid, maraming gumagala

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga sissy mukhang isa ang kapatid ko sa nakaramdam ng halloween.heheh

$ 0.00
2 years ago

nakakapangilabot naman yan sis..posible siguro yung sinasabi nila na "vision". Na-vision mo yung mangyayari?

$ 0.00
2 years ago

Baka nga sis...pero kahit ngayon napapaisip pa din ako mabuti nalang at ok na yong kapatid ko.

$ 0.00
2 years ago

ou nga sis..creepy nung naexperience nya

$ 0.00
2 years ago