Katulad ng mga ordinaryong araw lang ang nagaganap samin kanina. Yung baby ko nangungulit habang naglalaro at pinapanood namin sya ng mga byenan ko. C hubby naman natutulog sa kwarto. Nagpapahinga dahil sa pagod galing sa trabaho. Nagulat ako ng bigla na naman akong tanungin ng byenan kong lalaki tungkol sa parents ko. Kaya ko nasabing na naman kasi sa totoo lang ilang beses na ko niyang tinanong tungkol doon. At ilang beses ko na rin naikwento sa kanya ang istorya ng buhay ko. Sa totoo lang baka nagsasawa na yung byenan kong babae marinig ang kwento ko. Ganun siguro ang tumatanda. Nagiging ulyanin na sa mga bagay-bagay. At since makulit c Tatay sinagot ko ulit mga katanungan niya. Nasaan daw ba ang Mama ko? Di ko daw ba sya namimiss? May kontak pa raw ba ako sa kanya? At syempre ang laging sagot ko,hindi po. Nasaan sya? Nandun sa pangalawa niyang pamilya. Di ko ba namimiss? Hindi, kasi nga kami hindi niya namiss kahit minsan kaya bakit naman namin sya mamimiss di ba? May kontak pa ba kami? Wala na,sya ang pumutol sa komunikasyon namin kaya bakit pa ko mag eeffort na kontakin sya? Ilang beses kong sinubukan na kontakin sya at kada makakausap ko sya ay di sya nawawalan ng dahilan para di kami makita. Way niya para maiwasan kami. Kaya bakit pa ko gagawa ulit ng paraan di ba? E yung Papa ko daw nasaan na? Bakit daw kami pinabayaan na lang? Ilang beses ko na rin sinagot yung tanong niya na to. Sabi ko matagal na pong patay ang Papa ko. Anim na taong gulang pa lang ako nung mamatay sya sa sakit na cancer. Siguro kung di sya namatay di kami nagkahiwa-hiwalay na magkakapatid. E saan daw kami lumaki? Sinagot ko ulit ang tanong niya. Sa mga kamag anak po namin kaso di kami tinuring na totoong kapamilya. Tinuring kaming katulong,utusan o mutsatsa. Kaya po wag kayo magtaka kung bakit ayaw namin silang kontakin pa. Kasi nga walang kwenta tingin nila samin kasi wala kaming pera na katulad nila. Kada maririnig ng byenan ko yun tumataas ang dugo niya. Sa kanila kasi importante ang kapamilya. Maganda ang samahan nilang magkakamag anak. Alaga nila mga pamangkin nila. Tinuturing nilang pangalawang anak nila. Kaya sabi niya sakin hindi pwede yung ganun. Parang hayop naman daw ang tingin samin ng mga kamag anak namin. Kung gusto ko raw susugurin namin sila at kakausapin niya. Natawa na lang ako pero natutuwa ako kasi kita ko ang concern niya samin ng ate ko. Pero sabi ko na lang sa kanya ayos lang po samin yun. Sanay na kami sa mga kamag anak namin sa side ng Mama ko. Matataas ang tingin nila sa sarili nila porket may mga kaya sa buhay. Buti pa sa side ng Papa ko na kahit di ganun ang estado sa buhay. Kahit yung iba medyo gipit din at least itinuturing kaming kamag anak nila. Sapat na samin yun. Mas may respeto pa kami sa kanila. Mas minahal pa namin yung poor side ng Papa ko kesa sa rich side ng Mama ko. Respeto? Pagmamahal? Pwede mo lang yun ibigay sa mga taong karapat-dapat tumanggap nito. Pano mo irerespeto yung mga taong basura ang tingin sayo? Pano mo mamahalin ang mga taong sa una pa lang e di na makatao? Kaya sobrang thankful ko sa mga in laws ko kasi kahit may kaya sila sa buhay at alam nila yung sitwasyon ko ay tinanggap nila ako. At tinuturing na ring parang anak nila. Di ko man sila tunay na magulang pero yung respeto ko sa kanila ay napakalaki. Yung pagmamahal na di ko naibigay sa mga magulang ko ay sa kanila ko na lang ibibigay. Di man ako lumaki na may gabay pero lumaki naman akong tapat na tao. May takot sa Diyos at alam kung pano rumespeto. Kaya sisiguraduhin kong iaapply ko yun ngayon sa pamilyang binuo ko.
4
138
😠untold story