May Kasabihang " Madaling maging tao ngunit mahirap magpakatao. " Hindi ibig sabihin nito na talagang madali ang magsilang ng tao dahil napakahirap po itong mangyari. Sadyang mahirap ang pagluluwal ng tao sa mundo. Ngunit higit na mahirap ang lumaki at mamuhay sa mundo na naayon sa kalikasan ng pagiging tao. Ang Pagpapakatao ay pagsasabuhay ng mga angkop na gawi ng pag iisip, pagpapasiya, at pag kilos na nararapat at Naaayon sa kalikasan ng tao. Nangangailangan ito ng mga kaalaman at kakayahan sa paghatak ng daan patungo sa mabuting buhay.
Paano nga ba Magpakatao?
Una nakatuon ito sa pananagutang pansarili.. Pag gabay at pag unawa sa pagbabago na nangyayari sa sarili, sa mga inaasahang kakayahan , talento, kilos at hilig natin. Dito din papasok ang pag unlad ng isang tao at katuparan ng pangarap.
Dito din inaasahang maipalamas ang Pag-unawa na mapanatiling mapatagtag ang pamilya. At magkaroon ng makabuluhang buhay sa pamilya.
Bilang mabuting Tao, layunin natin mapaunlad ang ating hanapbuhay, makatulong sa pamilya,lipunan, at Kapwa. Tamang pagpili ng Hanapbuhay na mapakinabangan di lang ng ating sarili kundi ng kalahatan.
Hindi madaling magpakatao kaya po mag isip kayo, tanungin nyo ang sarili ninyo ang mga Sarili kong ikaw ba'y ganap nang mabuting tao? ..
Bigyan kabuluhan ang Buhay!
Salamat po sa pagbasa sana po makabigay ng konting tibok sa inyong mga puso😍
Magandang Buhay sa Lahat.
#Maraming salamat din kay mam @FerferClear isa sa napakabait at matulungin dito sa ReadCash.
Remember me of eduskasyon sa pagpapakatao. Too many lessons about personhood. I learned a lot from that.