A Taste of Predictability

3 38
Avatar for Koolname
3 years ago

Do Filipino movies contain predictable scenarios? Agree or disagree?

Sa usaping ito, hindi lamang natin pag-uusapan ang mga pelikulang Pilipino, Atin ding pag-usapan ang mga pelikulang nanggaling sa ibang bansa at kung paano nakakaapekto ang mga tauhan sa pelikula.

Sponsors of Koolname
empty
empty
empty

Una nating bigyan ng pansin ang mga pelikulang may kakaibang paraan ng paglalarawan sa banghay ng pelikula, at akin na ring ilalarawan ang mga ito.

Unang Pelikula: Miss Granny

Ilarawan: Ito’y tungkol sa isang matandang babae na nagkaroon ng pangalawang pagkakataon na maging bata muli pagkatapos niyang pumunta sa isang mahiwagang photo studio.

Ikalawang Pelikula: Orphan

Ilarawan: Tungkol ito sa pamilyang umampon ng isang bata na kalaunan ay napag- alamang isang matandang babae pala na mula sa mental na nagpapanggap bilang bata upang makapagbiktima ng pamilya.

Ikatlong Pelikula: Fantasy Island

Ilarawan: Ito ay tunkol naman kay Mr. Roarke na siyang tumutupad sa mga lihim na pangarap ng kaniyang mga masweswerteng panauhin sa isang marangya ngunit malayong tropikal na resort. Ngunit kapag ang kanilang mga pantasya ay naging bangungot, kailangan nilang malutas ang misteryo ng isla upang makatakas at ipaglaban ang kanilang buhay.

Dumako naman tayo sa mga usaping isyung panlipunan. Sa aking palagay, ang kadalasang isyung panlipunan ang tinatampok sa mga pelikula ay una, ang kahirapan, sumunod ang katiwalian sa gobyerno, at panghuli ang pangangaliwa sa asawa. Wala na bang iba? char.

Paano naman naaapektuhan ng tauhan at daloy at kabuuan ng pelikula? Para sa akin, naaapektuhan ng tauhan at daloy ng kwento ang kabuuan ng pelikula sa pamamagitan ng pagiging epektibo ng tauhan sa pagganap ng kaniyang karakter at ang banghay ng pelikula ay naisakwento ng maayos. Kung hindi naisagawa ng maayos ng tauhan ang kaniyang parte, malaki ang magiging epekto nito sa takbo ng pelikula. Kung kaya’t kailangang maisagawa ng sa ganoon ay maayos ang lahat para maging maganda rin ang kalalabasan nito.

Bukod dito, ang paraan kung saan masasabing epektibo naman ang tauhan ay kung nabibigyan niya ng buhay at hustisya ang tauhan sa kwento na kanyang ginagampanan at kapag nagagawa niya at naipapadama niya sa mga manonood ang emosyong nais nitong madama ng mga tagasubaybay. Ang isa pang paraan ay kapag nagagawa nitong maitatak sa isipan ng mga manood ang ilang linya mula sa pelikulang ginampanan niya sa pamamagitan ng mahusay na pag-arte at talaga namang nakakadala na mga eksena. Mahilig kasi ang mga Pinoy sa mga eksenang naghihiganti na ang bida. Mas nagiging epektibo pa ang tauhang ito kapag talaga namang nakakagigil na ang kaniyang eksena.

Bilang pangwakas sa ating sanaysay sa araw na ito, ang kailangang taglayin ng isang artista upang maging katanggap-tanggap siya/sila na gumanap sa pelikula ay ang sumusunod. Para sa akin, ang kailangang taglayin ng isang artista upang maging katanggap- tanggap siya na gumanap sa pelikula ay ang pagiging mahusay sa pag-arte at pagkakaroon ng wastong disiplina dahil kahit gaano pa kagaling ang isang artista kung hindi naman alam kung paano disiplinahin ang sarili, hindi siya magiging katanggap- tanggap na gumanap sa pelikula. Ang isa pang katangian na dapat taglayin ay marunong makinig.

Hindi lang sapat na marunong umarte, dapat marunong ding makinig sa payo ng iba lalo na sa mga beterano upang mas maging maganda ang pagganap niya sa karakter at upang mabigyan niya ito ng hustisya.


Maraming salamat sa iyo, kaibigan!

Kung gusto mong basahin ang iba ko pang artikulo, ito ang link:

Have a wonderful time, newly found virtual friends!

4
$ 0.46
$ 0.41 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Bloghound
Sponsors of Koolname
empty
empty
empty
Avatar for Koolname
3 years ago

Comments

Nice to meet you. Koolname!

$ 0.01
3 years ago

Nice to meet you rin pi ma'am. Thanks po 😊

$ 0.00
3 years ago

Feel free to write any reply po 😊

$ 0.00
3 years ago