Under/Ander**

1 4
Avatar for Kimpot14
4 years ago

Under daw sila ni Kumander.... Sa mga mag asawa o mag bf/gf na sinasabing sila ay under ng misis o gf nila... Para sa akin bilang babae hindi naman siguro pang uunder ang tawag dun, Porket ba ang lalaki ay nauutusan mong mag saing, maglaba, maglinis, mag alaga ng anak at masunurin sa Misis ay Under na kaaga??? Alam nyo sila lang talaga yung matatawag na 'POGI at Tunay na lalaki' Para sa akin Yun sila, Dahil hindi nila Pinapabayaan ang Misis nila.

Alam nila ang mga obligasyon nila, Kaya huwag natin silang tawaging Under di saya' Dahil di hamak na sila ang tunay na lalaki hindi nila iniaasa lahat sa Misis nila bagkus ay tumutulong pa sa kanila... Mas nakakatuwa pa nga yung ganito eh kase alam mong hindi ka talaga nag iisa Partner talaga kayo kase nagtutulongan kayo mapa gawaing bahay man yan o sa ibang bagay.. Kaya Salute sa mga Lalaking kahit tinatawag na Under ni Misis ay nagpapatuloy pa rin at hindi na nila ito pinapansin dahil ang mahalaga sa kanila ay makatulong hindi mang kunsomisyon. ❤️

1
$ 0.00

Comments

hehe..tama yong ibang lalaki o mga kabarkada yan agad sinasabi. siyempre kapag matino kang lalaki gawin mo kung ano ang nararapat.

$ 0.00
4 years ago