Ang buhay ay oarang isang malawak na karagatan.Minsan tahimik kung minsan nama'y mapanganib at maalon.Tulad ng buhay natin minsan matiwasay kung minsan naman ay magulo at puno ng panganib.
Pero kasabihan nga diba hanggat nabubuhay tayo may pag asa'..Patuloy tayong makikibaka sa agos o takbo ng ating buhay di natin alam kung hanggang saan tayo dadalhin nito. Kaya laban lang tuloy lang sa mga hamon sa buhay ,sumabay lang tayo sa agos na tulad ng dagat minsany tahimik at minsan ay magulo.
Sa karamihan sa atin ay marami ng napag daanang problema yung iba nga ay sobrang bigat pa ng kanilang pasanin na para bang wala ng katapusan ito at minsan nga naiisipan na lang nating sumuko..Pero dahil pinapatatag tayo ng mga mahal natin sa buhay kaya Nagpapatuloy tayong lumaban at lagpasan ang mga problema.
Sa kalaunan ay makakamit din natin ang sinasabing 'ngiting tagumpay dahil naabot natin ang mga pangarap sa buhay ng hindi sumusuko sa kahit na anong sakuna man dumating.Maging matatag pa sana tayo sa mga hamong darating pa sa buhay natin.Naway makayanan ng lahat ang hirap na kinakasadlakan ngayon.
Hanggat nabubuhay tayo may 'Pag asang naka abang satin'..Magpatuloy lamang sa mga mabubuting kinagawian at magbigay inspirasyon sa mga pinang hihinaan na ng loob ,Maging dahilan sana tayo ng iba para bumangon at lumaban pa...
Habang nabubuhay po wag mawawalan ng pag asa palagi lang panalangin at magtiwala po sakanya, dahil a mundong ito bawat tao mag pagsubok na dinaranas kapit lang at magtiwala