Dapat siguro talaga maging matured na ang ating pag iisip, pero sabi ng iba nagmamatured ang tao habang tumatanda, Pero ang iba naman sinasabing nag mamatured ang tao dahil sa mga karanasan sa buhay, Pero ako masasabi kong nagmamatured ang tao base sa kanyang karanasan.... Dahil ako 24 years old pa lang pero maraming nag sasabi na kapag nakaka usap ko parang ang tanda ko na raw magsalita, Kaya naisip ko base siguro ito sa mga karanasan ko at sa mga taong nakasalamuha ko,... Mas gusto ko kaseng kausap ang may edad na kesa ka edad ko kase marami akong napupulot na aral base sa mga kwento at pinag daanan nila sa buhay.
Mga kabataan kase ngayon palaging ang iniisip lang gumala, gumimik minsan hindi pa inaayos ang pag aaral dahil nga yung iba hindi pa narasan na sila mismo ang mag asikaso ng sarili nila palaging naka asa sa magulang, Hindi inisip na kanda kuba na ang magulang sa pag tatrabaho sila ay pa easy easy lang, Kapag sinermonan mo naman sila pa yung galit imbes na makinig na lamang...
yeah maturity is a life long process. it depends also to a person whether she or he grown enough or still young on what he thinks.