Haha Natatawa na kaagad ako, Kase ba naman hindi ako nabiyayaan ng magandang boses kaya ayan tuloy boses palaka daw ako." Hindi naman ako naiinis dahil totoo naman Haha, ang ipinaggataka ko lang bakit yung mga kapatid ko magaganda ang boses kaya tuloy kapag nag vivideoke sila na out of place ako paano gaganda ng boses eh nakakahiya makisingit ng kanta kaya tamang ako nalang taga select ng kanta nila.
Sa tuwing nagkakasama sama kaming magkakapatid hindi sympre mawawala ang Videoke at asahan ko na na tutuksuhin na naman ako, Bunso ako sa anim na magkakapatid sabi nila latak na ako" pero bakit hindi pa daw gumanda boses ko palagi nilang tukso sa akin pero hindi naman ako napipikon kase alam kong nagalalambing lang sila... Kaya humanda naman sila kapag nahawakan ko ang Mic. kase kanta ako ng kanta Haha kahit pumipiyok na. Pambawi ko yun sa kanila.. Masaya lang ako kase magkakalayo man kami, magkakasundo pa rin kami... " Pinaka kabilin bilinan kase ng Mama namin na huwag na huwag kaming mag aaway, 😘❤️
Maganda yan dapat talaga nagtutulungan at nakakasundo ang magkakapatid.. Kahit my mga tampuhan dapat magkaisa parin kahit anong mangyari