"Pamahiin"

13 679
Avatar for Khing14
3 years ago
Topics: Beliefs
Image source: https://i.ytimg.com/vi/j9K91-Fcglo/maxresdefault.jpg

Kung isa ka din katulad ko na lumaki sa probinsya, malamang katulad ko, marami ka ding mga pamahiin na kinalikhan tulad ng mga sumusunod:

Disclaimer: Ang mga sumusunod ay base sa aking kinalakhihang paniniwala. Hindi ko po sinasabi na ang mga pamahiing ito ay mga totoo o may basehan at hindi ko din po sinasabi na ang mga ito ay mali.

  • BALIGTARIN ANG DAMIT PAG NALILIGAW

    Kung ikaw ay nasa kalagitnaan ng kasukalan at hindi mo na malaman kung saan ang daan pabalik, baligtarin mo daw lahat ng suot mo. Kasi indikasyon daw yun na pinaglalaruan ka ng engkanto.

  • BAWAL MALIGO PAG MAY DALAW.

    Karamihan sa mga lola noon, sinasaway ang mga apo kapag nalalaman na may dalaw pero naliligo pa din. Papasukin daw kasi ng lamig ang matres.

  • BAWAL MALIGO KAPAG BAGONG PANGANAK.

    Katulad din nang sa may buwanang dalaw, mahigpit ang mga matatanda sa aming probinsya noon pagdating sa pag aalaga sa bagong panganak. Kailangan muna maghintay ng 9 na araw bago payagang maligo ang bagong panganak upang maiwasan daw ang BINAT. Ang tubig na kanyang ipapaligo, dapat may halo pa nag pinagpakuluan ng pitong klase ng dahon. Ilan sa mga dahon na naalala ko ay dahon ng alagaw, dahon ng suha, dahon ng kalamansi (hindi ko na po maalala ang iba pa).

    Pero sa kaso ko, palibhasa nasa CITY na ako nung una akong manganak, mas sinunod ko ang advise ng OB-GYNE ko na maligo 1 day after ko manganak.

    Nagkakatatay din ng manok, o kung minsan ay baboy bilang pagdiriwang sa araw ng ligo.BUHOS ata kung tawagin ito sa iba.

  • PAGLALAGAY NG LIBRO SA ILALIM NG UNAN.

    Hindi ko din alam kung bakit naniniwala ako dito pero ginawa ko po ito mula elementary hanggang mag high-school ako.

    Yung pointers for review na ginawa ko, o kung di naman kaya yung notebook ko, inilalagay ko sa ilalim ng aking unan. Ang paniniwala namin noon dito, para daw hindi mo makalimutan ang mga pinag-aralan mo.

  • SA UNANG PAGDATING NG BUWANANG DALAW NG BABAE, KAILANGAN NYA TUMALON SA IKATLONG BAITANG NG HAGDAN.

    Bilin din ito sa akin ng lola ko noon. Na kapag dumating na ang aking buwanang dalaw, tumalon daw ako mula sa ikatlong baitang ng hagdan. Ito ay para hindi tumagal sa tatlong araw ang aking buwanang dalaw. Ginawa ko din anman at hindi ko alam kung dahil dito kaya hanggang tatlong araw lang din ang aking buwanang dalaw.

  • BALIS O USOG

    image source: https://archive.tonite.abante.com.ph/wp-content/uploads/usog-768x461.jpg

    Naniniwala ang karamihan sa lugar namin sa probinsya noon na kapag ikaw ay bigla nalang nakaramdam ng panlalamig at sakit ng tiyan, ibig sabihin may nakabati o nakausog sayo. Ganun din sa mga sanggol. Pagka malalim ang bunbunan ng sanggol at iyak ng iyak, pinaniniwalaan na sya ay nausog. At para matanggal ang balis o usog, kailangan syang pahiran ng laway sa tiyan, sa talampakan o kaya naman ay sa noo ng tanong nakabalis o nakausog.

  • MAY PERANG PARATING KAPAG NANGATI ANG MGA PALAD.

    Kapag daw nangangati ang iyong palad, ibig sabihin daw nito, may darating na pera. Pero bawal mo itong kamutin dahil pag kinamot mo, hindi daw matutuloy ang pagdating ng pera.

  • HUWAG NAGPPATAS NG MGA MGA PINAGKAINAN SA MESA KAPAG MERON PANG KUMAKAIN.

    Ayon sa kasabihan, kapag daw may kumakain pa at pinatas mo na ang mga pinagkainan sa hapag, hindi daw makakapag asawa yung naiwan na kumakain pa habang pinapatas na ang pinagkainan.

  • MAY BISITANG DARATING KAPAG MAY NALAGLAG NA KUBYERTOS HABANG KUMAKAIN

    Kapag daw kutsara ang nalaglag, babae daw ang parating na bisita. Pero lalake daw kapag tinidor ang nalaglag.

  • MAGLAGAY NG ISANG DOSENANG KLASE NG BILOG NA MGA PRUTAS SA LAMESA SA PAGSALUBONG NG BAGONG TAON.

    Ito, sigurado na hanggang ngayon halos lahat ng Pilipino ay naniniwala na magiging masagana ang buong taon pag ito ay sinalubong nang may labindalawang klase ng BILOG na prutas sa lamesa.

  • MASAMA DAW DUMAAN SA BINTANA KAPAG BATA PA KASI POSIBLE DAW NA PAGLAKI AY MAKIPAGTANAN.

    Nasaway din ako isang beses ng lola ko dahil dito. Magshortcut dapat ako sa bintana pero sinabihan ako na masama daw yun dahil baka makipagtanan daw ako paglaki.

  • KAPAG DAW ANG BABAENG BUNTIS AY MAHILIG KUMAIN NG KAMBAL NA SAGING, MAGIGING KAMBAL DIN DAW ANG ANAK.

    Hindi ako naniniwala dito pero noong bata pa ako, nasasaksihan ko na sinasaway ng mga matatanda sa amin ang mga buntis na kumain ng kambal na saging. Kung ayaw daw maging kambal ang anak ay huwag kakain nito.

  • MAHABA ANG BUHAY NG TAO NA MAY MALAKING TAINGA.

    Mas mahaba daw ang buhay ng tao kung ang kanyang tainga ay mas malaki sa normal.

  • KAPAG DAW HINAKBANGAN NG BABAENG BUNTIS ANG KANYANG ASAWA, MALILIPAT ANG PAGLILIHI SA ASAWA.

    Uso ito sa probinsya namin dati. Pero hindi ko sigurado kung totoo ito. Sa mga babae, kung gusto mo daw na ang asawa mo ang mahirapan sa paglilihi, lakdawan o hakbangan mo daw sya habang natutulog.

  • HUWAG DAW MAGPAPAKUHA NG LITRO KUNG TATLO LANG KAYO.

    Naririnig ko itong madalas sa mga kaklase ko noon. Kapag may magpapakuha ng litrato at tatlo lang, kailangan magbawas ng isa o kaya naman ay magdagdag ng isa. Masama daw kapag tatlo lang dahil may masama daw mangyayari sa nasa gitna nung litrato.

Iilan lang po yan sa mga naalala ko na mga pamahiin ng mga matatanda sa lugar namin noon sa probinsya.

Kayo po? Anong pamahiin ang pinaniniwalaan ninyo mag pahanggang sa ngayon? Nagkatotoo po ba sila kaya naging paniniwala nyo na din?

Maraming salamat po ulit sa pagbabasa ng aking maikling artikulo. Sana ay may mga bago kayong nalaman :)

4
$ 0.11
$ 0.05 from @Reysky
$ 0.03 from @Zcharina22
$ 0.03 from @renren16
Sponsors of Khing14
empty
empty
empty
Avatar for Khing14
3 years ago
Topics: Beliefs

Comments

Halos lahat ng nakasaad ay aking pinaniniwalaan pati ng aking pamilya. Siguro nga ay ganun talaga ang epekto ng mga relihiyon na kinabibilangan natin.

$ 0.01
3 years ago

Ganyan na ganyan din talaga mga pamahiin dito sa'min sis.. Pero yung iba, especially na yung mga makabagong generations hindi na sumusunod sa ibang pamihiin din..

$ 0.01
3 years ago

korek po. Ako po personally, hindi ako naniniwala sa iba sa mga nakalista ko dyan. Pero syempre pag nasa probinsya, obligado sumunod sa mga nakakatanda kung anong ipayo nila..hehe..

$ 0.03
3 years ago

Yun nga eh, pero at least diba, masurin pa rin yung iba sa'tin..hihi.. Minsan din, ginagawa ko na lang kahit pilit kasi takot ako mapagalitan..😅

$ 0.00
3 years ago

Yung pag talon po sa bagong taon ginawa ko naman po. Pero wala po talaga epekto. Hays hahahahahaha tas yung sa pag nalaglag naman po yung kutsara or tinidor, minsan opposite gender po yung dumadating madalas wala pa hahaha.

$ 0.01
3 years ago

kaya nga..same po tayo..hahaha..alam ko naman na walang epekto sa totoong buhay, pinamana ko pa din sa mga anak ko yung paniniwala na yun :).mema lang siguro pag new year para may aabangan sila sa orasan.

$ 0.00
3 years ago

Halos lahat po ng binanggit niyo narinig ko din sa mga matatanda hehe wala naman pong masamang maniwala dahil wala namang mawawala eh mas maigi na yung aware tayo sa mga ganyang gawain para alam din natin ang mga dapat nating gawin.

$ 0.02
3 years ago

yes po..though ako po personally, hindi ako naniniwala sa usog. Pero uso sa amin sa probinsya yan dati. pag biglang sumakit ang tyan mo tapos parang nanlalamig ang talampakan at palad, sabi nausog daw.

$ 0.00
3 years ago

Ewan ko huh! Peri naniniwala ako kapag mahaba ang tenga mahaba ang buhay. Lola ko kasi ang haba ng tenga pero hanggan ngayon buhay pa. Nga lang wala ng buot kasi may alzhimers siya. Lola ko nga pala 93 yes old na. Hehe

$ 0.01
3 years ago

wow..baka nga meron ding konek kahit papano ano sis?

$ 0.00
3 years ago

Hindi naman masama maniwala. Pero yun na din ang nakagisnan. Haha. Karamihan sa sinabi mo pinaniniwalaan ko. Meron pa nga na kapag buntis ka wag kang sisilip sa patay kasi mahihirapan manganak. Ay siyang tunay naman. Kasi non namatay tatay ko syempre hindi ko kayang hindi siya silipin hanggan siya ay ibaon sa lupa. Non manganganak ako sa bunso ko. Cs na ako non pero bakit hinahabol ko ang hininga ko. Ewan ko, sabi ko nalang sa sarili ko kaya ko to kaya ko to. Kasi parang hirap hiral huminga at ramdam ko yun paghiwa sa tiyan ko kahit may anestisia naman.

$ 0.00
3 years ago

awww..ngayon ko lang narinig yang pamahiin na yan sis. may ganun pa pala..

$ 0.00
3 years ago

Heheh daming pamahiin sis pero naalala ko non kpag may patay bawal mag bless sa kamaganak. Tas bawal magsuklay at magwalis,bawal din daw ang magpatong ng mga plato kc sunod sunod ang mamatay heheh, tapos sa kasal nman daw bawal magkapatid sabay magoakasal sukob daw ang swerte. Tapos nman koag gabi na bawal magupit ngnkuko, at suyod may mamatay daw hahahha. Pero ung sa bagong pnganak totoo un sis bwal tlga maligo ako mahigit isang lingo panay punas lng kc mahirap ng mabinat or mahanginan nababaliw kc daw or tlaganga magkakasakit.ang dami pa nga niyan sis no kya wla nman masama kong sundin hehhe

$ 0.00
3 years ago