Paano Ako Nakapasok sa I.T. WORLD?

13 45
Avatar for Khing14
3 years ago

Kaunting silip sa nakaraan.

Isa akong tapos ng kursong E.C.E (Electronics and Communications Engineering).

Sa totoo lang, hindi ito ang ginusto kong maging kurso. Nung nasa High-School palang ako, naalala ko, gustong gusto kong maging isang GURO. Napalaki ng impluwensya ng paborito kong guro upang yun ang pangarapin kong propesyon pagdating ng panahon. Pero nagbago ang ihip ng hangin. Gusto ng tatay ko na mag Engineering ako. Napakataas ng pangarap nya para sa akin.

Nakapasok akong Scholar sa isang State University dito sa Cavite. Napakalaking tulong ng scholarship ko na yun para maigapang ako ng mga magulang ko sa aking pag aaral. Mahirap lang kami. Maliit lang ang sinusweldo ng tatay ko sa pinagtatrabahuan nyang pabrika. Kaya naman ang nanay ko, napilitan na din magtrabaho. Isa lang ang uniporme ko mula first year college hanggang fourth year college. Wash and Wear po iyon. Pinaplantsa ko lang sa umaga para tuluyang matuyo. Twing myerkules as wash day naman namin sa school. Ibig sabihin, pwede kami magsuot ng pants, or kahit na anong casual na damit. Gayunpaman, nagtyaga ako.

Gintong TRES!

First year college palang ako, hirap na ako sa mga subjects ko lalo na sa MATH (Algebra, Trigo, etc). Lalo na nung tumuntong ng third year college na puro major subjects kami. Sobrang ginto sa aming magkakabatch ang tres noon.

Pahirapan makapasa sa mga subjects at sa totoo lang, naranasan ko din na magtake ng remedial exams.

Naranasan ko din magkaron ng INC na grade. INC means incomplete.

Pero fault naman ng instructor ko yun. Hinding hindi ko yun makakalimutan - sa Drawing subject. Kinausap ko yung professor namin at tinanong bakit ako incomplete eh kumpleto naman yung mga pinapasa kong plates. Sabi nya may kulang daw akong isa which is sure na sure ako na nagpasa ako nun. Inilapit ko yung kaso ko sa Dean namin dahil nakasulat na class card ko mismo yung INC at delikado na mawala yung scholarship ko pag di ko naitama iyon. Sa kabutihang palad, nanalo ako. from INC naging 2.75 yung grade ko sa class card. Pwede na yun sa akin nung time na yun dahil nga ginto sa akin ang tres (3.0) na grade noon.

Lahat ng paraan para makadagdag points sa grades namin ay ginagawa naming magkakaklase. Napilitan kami noon sumali sa mga laro twing intramurals para sa additional points na binibigay ng mga teachers namin sa Engineering department. Tapos pag nanalo, another additional points pa. Napasama ako at ang mga kaibigan ko sa larong softball. Second base ang post ko nun. Minsan nilalagay ako sa third base pag yung naka post dun eh kailangan mag catcher.

Paano nakapasok sa I.T. world?

Nung nag aaral pa ako, wala sa isip ko na papasukin ko ang I.T. world pagkatapos ko mag kolehiyo. Naala ko nung nasa second year college ako, meron kaming programming na subject (C++). Pero hindi ko iyon sineryoso dahil nakatatak sa utak ko na pagkatapos ko magkolehiyo ang tatargetin ko sa pag aapply ay mga malalaking Electronics Companies or TV stations. Wala sa hinagap ko na papasok sa I.T.

October 2007 ako grumaduate ng college (don't judge me po). Delayed ako ng isang Semester dahil hindi kami umabot sa thesis defense.

Entry Level: ACCENTURE

December 2007, nagtext yung school coordinator namin, nag-iinvite dahil may Caravan daw si Accenture sa school namin.

Sa madaling salita, pumunta kami nung isa kong kaibigan sa caravan.

At heto na nga, binigyan kami ng application form at pagkatapos ay sinabak na sa online exam. Kada item sa exam ay may timer pero hindi ko na matandaan kung gaano katagal ang nakalaan kada item. Sa madaling sabi, once hindi ka makasagot within allowable time, sorry ka kasi automatic lilipat sa next page/next item.

Kabadong kabado kami nung kaibigan ko habang naghihintay ng resulta. Pinapunta kaming lahat sa isang waiting room at pagkatapos ay isa isang tinawag ang aming pangalan. Uuwi na sana kami nung kaibigan ko dahil dalawa nalang kaming natira sa room..hahaha..Iniisip namin, baka yung mga naunang tinawag ang mga pasado at kami ay bagsak. Lumabas kami sa room, naglakad - akmang palabas ng building pero nakita namin yung isang naunang tinawag. Lumabas ng isang kwarto na umiiyak. Napaisip kami nung kaibigan ko na baka yung mga naunang tinawag ay ang mga hindi pasado. Sa madaling sabi, bumalik kami sa room at naghintay pa ulit. At hanggang sa dumating na nga ang aming pinakahihintay. Tinawag ang aming pangalan pareho at pinapunta sa isang room. Doon ay may isa na ding aplikante na naghihintay. At sinabi sa amin na pasado nga kami at qualified sa Associate Software Engineer na position. Binigyan agad kami ng referral para sa medical at ng listahan ng requirements at kung saan namin ipapasa.

January 8, 2008 ang official na start date namin sa Accenture. Nagkahiwalay kami nung kaibigan ko pagkatapos ng orientation dahil sa magkaibang skill set kami napalagay. At doon na nagsimula ang I.T journey ko.

Nagtraining kami for 3 months - with libreng food!..May agahan, at tanghalian. Sarap buhay diba po?..hehe..Sa loob ng tatlong bwan, hindi namin problema ang pagkain dahil may libreng food sa bootcamp. Para din kaming estudyante. Meron kaming instructors na nagtuturo ng programming. Sa COBOL capability ako napunta kaya ayun ang kauna unahang programming language na natutunan at naintindihan ko. Once makapasa sa training ay tuloy tuloy na ang journey. Dineploy na kami sa project at iyon na ang simula ng pagharap ko sa totoong mundo ng I.T. world.

No regrets na napasok ako sa I.T. world kahit na malayong malayo ito sa pinangarap kong maging trabaho. Narealize ko na dito siguro talaga ako nakatadhana dahil ni hindi ako nahirapan mag apply, yung trabaho ang lumapit sa akin.

Sa ngayon, 13 years na ako sa I.T. industry. Naka tatlong kumpanya na din akong napasukan (ikatatlo itong current company na pinagtatrabahuan ko). Ganito pala sa I.T. world, piratahan ng employee .Kokontakin ka para piratahin ng ibang kumpanya once na magkaroon ka na ng iba't ibang experience. Bukod pa dun, ikaw ang tatanungin kung magkano ang preferred mo na sahod. Ang saya diba po?..

Sana ay nag-enjoy kayo sa pagbabasa sa kwento ng aking buhay. Hanggang sa muli!

3
$ 0.15
$ 0.10 from @John28
$ 0.05 from @Pachuchay
Sponsors of Khing14
empty
empty
empty
Avatar for Khing14
3 years ago

Comments

13 years wow tagal na noon ate ah..congrats po sana tumagal pa ang journey niyo po diyan..

$ 0.02
3 years ago

yes po, since january 2008

$ 0.00
3 years ago

13 years wow ang tagal niyo na po pala magtrabaho Kung ako tatanungin kung magkano prefer ko na sahod syempre tataasan ko haha Sana po magtuloy tuloy pa ang journey niyo sa I.T. industry

$ 0.02
3 years ago

bale ang sistema po sa IT for experienced hired, pag nag apply ka sa ibang IT company, kasama sa unang screening sayo ni HR kung ano yung ASKING mo. Ibig sabihin, magkano ang preferred salary mo. Then if pasok yun sa budget nila for that position, saka magpoproceed sa next step.

$ 0.00
3 years ago

Oi IT ka pala sis, yan san ang gustong course ng anak ko s pasukan kaso wala uun course na yan sa state university dito sa amin kaya ngshift sua sa COMSCI.. malaki ba pagkakaiba nun?

$ 0.00
3 years ago

almost same lang po yan sa I.T sis. Pwede pa din sya mag apply sa IT industry pagkagraduate nya. Maganda po sa I.T. promise!..recommended ko din sa mga nag iisip ng course. Kung alam ko lang noon na sa IT ako mapupunta, hindi na sana ako nag engineering, 5 yrs course eh sa IT 4 yrs lang.

$ 0.00
3 years ago

Ok sis salamat, heheh..

$ 0.00
3 years ago

hindi sya magsisisi :)...encourage mo sya sis na ipursue nya yan..madami ding IT companies ang willing magtrain ng fresh grad..Highly recommended ko po yang Accenture...

$ 0.00
3 years ago

Company ba yan Accenture sis? Sana nga maging maganda ang future nya, actually yan takaga gusto nya kasi nag eenjoy sya sa pagdedecode, Yan na ksi pinag aaralan nila nun senior high..

$ 0.00
3 years ago

Opo...company po si Accenture :)..Maganda sa kanila kasi sila mismo nagtitrain ng mga fresh grads bago nila isabak sa work. 3 months ako nagtraining sa accenture dati..free breakfast and lunch pa yun..hehe..saka may mga fresh grads din ako na narefer at nakapasok na kasi may mga kabatch ako na andun pa din till now :)...

$ 0.00
3 years ago

Ay sana after 4 years eh makpasok din anak ko jn, heheh

$ 0.00
3 years ago

sana nga po :)...Alam ko may mga branches na sila outside of NCR...malay mo pagkatapos ng anak mo meron na din dyan sa inyo :)

$ 0.00
3 years ago

Hopefully sis, hehhe

$ 0.00
3 years ago