3rd year college pa lamang ako noon nang nbuntis ako nagstop ako sa pag aaral dahil maselan nag aking pagbubuntis habang palaki ng palaki ang aking tiyan at dumating na sa ikasyam na buwan ng malaman kung wala ng buhay ang anak ko sa loob ng aking tiyan. Ng araw na iyon hindi ko alam anong mararamdaman ko nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay pati sa pagbabalik eskwela ayoka na. Pero laging snsbi ng mga nakapaligid sakin na wag mawalan ng pag asa na may dahilan nag ama kung bakit kinuha nya agad ang aking anak na binigay niya sakin. Simula noon naisip na baka tama sila.nagbalik eskwela ako at tinapas ko nag college. Lumipas ang taon..natapos ako sa pag aaral..nagtrabaho ako agad para hindi ko maisip yung sakit na ngyare sakin.ginawa kong motivation ang aking anak na nawala sakin. Nakalipas ang tatlong taon at pinagkaloob ulit sakin ng ama ang hinihiling kong anak..At nabuntis ako ulit may takot at saya akong naramdaman dahil hindi maalis sa isip ko na namatayan ako ng isang anak. Lumipas ang siyam na buwan ang maayos at ligtas at malusog ang aking anak na lumabas. 😊😊 naway nagustuhab niyo ang aking kwento 🙂
10
21
Very impressive story