Tuesday Ganap
Hellloooo! Dito pa din me, di pa ako nawawala ulit at huwag na sana pang maulit. Lalo na ganon katagal jusme dami ko namimissed eh!
Feel free to hop in (❁´◡`❁)
So for today's blog Tag-Lish lang muna tayo mga ve ha kasi late ko na tu sinulat. Gusto ko kasi maperfect na may article ako 1 week straight. Seryosong pagbabalik na yarn? Ehe! Tsaka ni-help ko pa kasi si sis sa assignment niya e. Alam niyo na ulirang ina. Parang ako na ang mother earth niya talaga kasi literal sakin lahat. Pagkukunsume and all. Whew!
Lead Image made in Canva
Dapat talaga di ko siya papansinin ngayon kasi badtrip ako kahapon sakanya. Akalain niyo ba naman alas 9 na ng gabi wala pa rin sa bahay dahil sa volleyball-volleyball nila sa school, jusme! Anong klase yun! Tapos dumaan pa sa bahay ng kaklase nagkainan pa raw sila, tapos pagkauwi tumambay pa sa labas ng gate ng apartment namin nagchikahan pa kung di ko pa lalabasin at sasawayin di pa sila magsisikalasan e!
Pagkapasok niya ayun nagbunganga na ako. Di ko mapigil na di ko mailabas ang galit ko kasi nag aalala ako syempre lalo ngayon sobrang talamak ang krimen. At buti naman hindi na siya katulad ng dati na palasagot at nagdadabog kapag pinagsasabihan. Para naman yun sa kanya para di siya mapahamak.
Ganito siguro nararamdaman ng mga nanay kapag yung anak nila pasaway. Ang hirap! Lalo na't kung may isip na sila at kaya na nila magdesisyon ng kanila di ka na nila pakikinggan. Napaaga ang training ko maging nanay. Whew! Napapasabi nalang ako na ganito pala yun. Hay!
Anyways ngayong gabi kinibo ko na siya kasi kumalma na ako pero kaninang umaga hindi pa rin talaga. Hindi ako gumising ng maaga para handaan siya ng baon kaya nag itlog lang siya. Pinapakiramdaman ko lang. Kumirot naman yung puso ko nung naghahanap siya ng barya sa bag niya kaya bumangon ako para ibigay baon niya. Ayun nagpasalamat at nagpaalam naman.
Kanina maaga na siya umuwi at biglang nagkwento na nanalo raw sila sa first round. Alam kong pagod pa siya pero pagdating nagwalis, nagsaing at naghugas ng plato. Napansin ko na namamaga yung daliri niya di niya lang sinasabi kasi alam niya na isasagot ko, ginusto mo yan! Pero kanina hinilot ko siya at biglang nagparinig na gusto niya daw ng ice cream. Aysus nagpalambing pa nga. Ayun nauto naman ako. Binilhan ko na rin siya ng masarap na ulam, fried chicken ng Andoks. Habang tinitingnan siya ansaya ng puso ko na magana siya kumain. Kapag gulay gulay kasi hindi halos malunok.
Bati na kami kaya maaga nanaman ako gigising mamaya. Wala eh, menor de edad at ako lang ang meron siya. Tulong ko na rin kay Mama para di siya nag aalala. Di ko naman tu talaga responsibilidad kasi may tatay pa naman siya ayun nga lang walang kwenta. Pashnea! Kahit half-sis ko siya never ko pinaramdam na kalahati lang pagmamahal ko at sana lang talaga ma-appreciate at ma-ralize niya yun.
Maalaala mo kayaaa 🎶 Ay char!
Yun lang for Tuesday ganap.
Bukas uli guys! Thanks! 😘
Oops, I guess this article is only for Filipinos 😆