Bago punahin ang dumi ng iba, siguraduhing ang sarili ay walang bahid ng mantsa
May mga tao na hindi nakukumpleto ang araw nila kapag wala silang napag uusapang tao. Para bang manghihina sila kapag di nila naikwento. Concern lang naman daw sila kaya may dagdag at bawas ang mga ito. Para magmukhang totoo at sumikat ka sa barrio.
"Tumataba ka ah, buntis ka 'no?" diretsahang tanong dahil uhaw na sila sa impormasyon. "Ay hindi ho, stress lang" pero asahan mong hindi naman sila maniniwala. Na naikalat na nila ito bago ka pa man sumagot.
"Mukhang di ka naman stress" nang-aasar na tono. Ano pa ang isasagot mo? Kung sa lahat ng sasabihin mo may kasunod pa silang tanong na nakakainsulto.
"Pumapayat yung anak na lalaki ni Kumpareng Juan. Naku! Sinasabi ko sa inyo nag aadik yan kitang kita naman sa katawan" meron na agad silang katibayan na dapat agad paniwalaan. Hindi ba pwedeng nagkasakit lang? Merong karamdaman kaya bumagsak ang katawan? At ng malaman na ganon nga ay nagsihugas kamay. Akala mo ay santo kung purihin na nila ito.
"Bagong relo at cellphone na naman si boy, panigurado nakahuthot yan sa matandang matron, o di naman kaya sa kapwa niyang lalaki na pusong babae kapalit ng kanyang katawang malachete." Hindi ba pwedeng kaya may mga natatamasang gamit dahil bunga ng maayos na pagtatrabaho? Bakit palaging sa masama nanggaling ang isip ng ibang tao? Makita lang na masagana gusto na manira. Hindi ba pwede sumaya at guminhawa? Gusto ata nila maging katulad nalang nila, miserable.
Ang hirap harapin ng mga taong ganito. Para bang palagi mong kailangan ipaliwanag ang sarili mo. Nakikita nila ang dumi mo pero suot nila araw araw ang mantsa sa kanilang noo.
Totoo o hindi man ang kanilang kwento, eh ano naman ang kanilang karapatan at para ikaw ay ibuyo, hanggat wala naman silang naiambag sa buhay mo.
Oo, hindi natin maiwasan na walang masabi sa kapwa lalo na kung hindi ito kaaya-aya. Ngunit kapag tayo ay nakatanggap ng parehong trato, hindi natin pinapalagpas ito. Nagiging ugat din ito ng gulo na dadalhin hanggang dulo.
Madali lang manghusga ng iba, pero mahirap husgahan ang sarili.
Bago punahin ang dumi ng iba, siguraduhing ang sarili ay walang bahid ng mantsa.
Marites andito ka ba?
Salamat at dumako ka rito! :)
Maaari tayong maging konektado rito:
Noise Cash: https://noise.cash/u/Kelzy
Twitter: https://twitter.com/itsmekelzi
Telegram: @kelzyspeaks
Kahit saang sulok di mawawala yan si marites daig pa nyan mga news reporter sa tv kung mag balita 😂