Hello po, I just want to share this to you guys, sa tingin ko po hindi ako allowed na maging masaya ng issng buong araw. Nawala yung saya ko. Bakit po may ganito? Ginagawa naman po namin yung makakaya namin para makasunod sa mga gusto nya. Pero mababaliwala mga pinagpaguran namin dahil sakanya. Base sa reply nya parang wala na syang pakealam sa grupo namin, na kami kami nalang mag check ng sarili naming gawa. Sabi ko po sa mga kagroup ko sa monday pag pinasa yung mga kulang, samahan nila ako, kasi hindi ko po kayang ako lang mag isa kung ganyan po yung kakausapin ko. Hindi naman namincginusto na mahirapan sa subject na to. Ang drama ko talaga. Pasensya na po 💔
Magandang hapon po sa lahat! Hindi po natuloy lakad namin ni papa @JhunPMelchor ngayon, bukas daw po kaso may lakad naman na po ako bukas sayang. May ipapagawa po kasi yunh tita ko sakin urgent daw po kaya need ko magpunta bukas.
Meet my 5th baby! The only boy pup in the family hehe eka ni tatay ipapakapon daw po nya pag lumaki. Bonbon po name nya, galing po sa balbon kasi mabalahibo po sya e. Cute po noh? Hihi
Musta po kayo?
Isang magandang umaga po sa lahat! Hindi na po ako masyadong affected sa sinabi nung prof ko, ipapakita nalang namin ng group ko na hindi kami relax at may ginagawa kami. Salamat po papa @JhunPMelchor sa pa sharon galing sa birthday ni ate charm hahaha pati po sa pera kailangan ko po talaga haha salamat papa good timing talaga si Lord lagi! Thank you Lord! Musta po kayo? Mag iingat po lagi ah God bless po!
Hello po musta po kayo? Ngayon lang po napahinga, dami po naming nilakad kanina para lang makagawa na ng mga kulang na info sa feasibility study namin. Literal na lakad po kasi wala po yung may service, dyan po sa picture nagpunta po kami sa may hawak ng census data nung nakaraang taon since sa December pa po ulit mag se census naka abala pa po kami pero kailangan po kasi nirarush po kami ni ma'am, lima po kami sa group pero tatlo nanaman po kaming gumawa kanina.. yung isa daw po may lagnat tapos yung isa naman po aattend sa meeting nung kapatid. Ako na hindi ko na nagagawa iba kong duty para lang sa FS. Yung isa ni isa walang naitulong muna chapter 1-6 . Naawa lang po ako sakanya baka kasi magkaproblema sya pag nagsabi ako. Musta po kayo? Pasensya na po sa rant ko po hehe
Isang mapagpalang umaga po sa lahat. Kahit mabigat yung damdamin ko lubos parin akong nagpapasalamat sa Panginoon dahil binigyan nya ako/tayo ng panibagong araw. May isa lang sana akong hiling ngayon Panginoon, alam kong masama pero gusto ko po sana magpahinga, hindi naman panghabang buhay pero kahit saglit lang. Pasensya na po sa drama hahaha nakakalungkot lang po isipin na baka madagdagan pa ng isang taon yung pag-aaral ko. Mahirap po pala pag gusto mo ipaglaban yung sarili mo sa teacher pero sarado isip nya sa paliwanag mo. Sa hirap ng buhay hindi kami masyadong makasabay sa mga kaklase ko kaya sobrang nahuhuli yung group ko. Sorry ma'am wala kaming maayos na laptop, nanghihiram lang kami.
Kaya medyo hindi po ako makakapag focus dito kay noise kasi kailangan po talaga namin mag doble kayod para maging successful yung feasibility namin. Pero syempre po dadalaw dalaw po ako dito para makausap po kayo ulit. Mag iingat po ang lahat! God bless us all ❤️
Meryenda time! Kain po tayo! Musta po kayo? Grabe sobrang rush po kami kanina, nakakainis lang po kasi halos 1 month ko na po binigay yung task sa kagroup ko , sya din po mismo nag volunteer na sya gumawa ng part na yon para aa feasibility study namin, pero ang nangyari po puro copy paste po hays. Kahirap lang po kasi inaasahan namin na maayos na kaso hindi pa pala hays. Pero ayaw ko naman po maging kaaway ko pa sya, tulungan nalang din po siguro kesa hindi sya maka graduate dahil sakin. Pasensya na po ang drama ko haha Tara kain po tayo! God bless 💓
Hello po good morning po ulit! Hahaha habang nagrereview po ako, narinig ko po si bansot sa labas ng bahay, pinakawalan ko po kasi para sa labas na dumumi, may daanan po sya sa likod tapos kaya nya din magpunta dyan sa harap, inaasar ko muna bago pagbuksan haha iyak naman daw sya hahaha napaka cute ! Ano na po ginagawa nyo po?
Good morning po! Isang mapagpalang umaga ulit po sa lahat! Maaga po ako gumising ngayon kasi mag rereview po ako, midterm exam po namin ngayon po e. Antok pa po ako pero keri yan para sa exam hahaha good morning po ulit. Sino na po mga gising dyan?
Magandang gabi po! Ang ganda talaga po ng sunset, kahit wala na yung araw, may naiiwan parinnsyang kulay. Isa po sa dream ko ang makapag stargazing kahit mag isa lang ako, lalo na po at gusto ko po talaga yung nighttime. Parang pakiramdam ko nailalabas ko yung mga problema ko. Nakakagaan sa pakiramdam. Musta po kayo?
Magandang hapon po! Musta po kayo? Share ko lang po itong picture namin ni nanay, since assignment po kasi namin ay magpicture kasama yung magulang, ewan ko po ba kung bakit naisip nila yon pero para sakin napasaya ako sa assignment na yon kasi nakausap ko ulit si nanay hehe..nakakamiss talaga sya sobra.. kasalukuyan po akong gumagawa ng FS namin hehe ingat po!
Dessert! Egg pie po kayo dyan hehe binili po ni tita kanina, masarap naman po sya Php120.00 po hindi sobrang tamis kaya hindi mabilis makasuya. Musta po? Kain po tayo hihi takaw ko
Magandang umaga! Tara na po kumain ng lmusal since nasa bahay po ako ngayon kaya sabay ako kumain kila tatay ko hehe ito po ulam namin tinapa tsaka po kamatis! Ang sarap po hihi simpleng ulam pero napaka sarap. Salamat Panginoon sa pagkain❤️ let's eat😊
Good morning po sainyo! Alam nyo po nafifeel ko na po yung pasko kasi iba na yung lamig at lakas ng hangin haha nakakakilabot sa saya kasi papalapit nanaman yung araw na kung saan nagsasama sama yung pamilya. Kaarawan ni Panginoong Jesus, saming mga catholic mahalaga ang pasko. Pakiramdam ko po kasi ay habang tunatanda mawawala na yung saya ng pasko, lalo na siguro pag nag tatrabaho na ako, depende kung saan ako makakapasok, pero po bumbero po ang gusto ko, at hindi din po namin hawak ang schedule don kaya gusto ko pong sulitin yung mga panahon na madami pa akong free time. Musta po kayo? Ano ba yan mag gigreet lang po ako parang naiyak pa ako hahaha ingat po tayong lahat! God bless us all❤️
Hello po! Magandang tanghali po sa lahat, ito po yung ulam ko po ngayon, nilagang baboy, nakauwi na din po kasi ako kaya dito ma po ako kumain sa bahay, nagtitipid din ako e hahaha musta po kayo? Ano na pp ginagawa nyo nyan? Kain po tayo!
Hello po! Isang mapagpalang umaga po sa ating lahat! Nakapag pasalamat na po ako sa Panginoong Maykapal dhil sa bagong umaga nanaman na nasilayan. Ngayong araw po ay schedule po ng face to face namin kaya maaga po ako magising para gumayak hehe gising gising na po! Good morning po! Ingat po tayo lagi, God bless po❤️
Isang magandang gabi po sa lahat! Kakatapos ko lsng po mag dinner hehe sobrang nabusog po ako pero not to the point na bunsol na hehe papahinga po ako bago matulog kasi baka mangyari nanaman po yung nangyari dati na binangungot po ako. Ito po dinner ko ngayon, daing po tsaka lumpiyang gulay tapos yung fried chicken po huli na nung dumating kaya papak nalang po ginawa ko haha. Musta po kayo? Ang tahimik po ng wallet ko haha ingat po God bless po!
Good morning everyone! How's your sleep? Mine was good but before I sleep last night, I accidentally made a hole on my blanket hahaha it makes me sad because it is my favorite blanket since I was 15 years old as far as I remember. But of course I will not going to throw it, I can still use it hihi I'll be more careful using it from now on. Let's eat breakfast po! It's our viand for this morning❤️ thankyou God for this food! God bless us all❤️
Ginataang munggo ❤️ Tara po kain po tayo ng dapat e meryenda hahaha kanina po kasi sa tita ko nagluto po kami nito, at dahil hindi ko sya gusto ng mainit, pinalamig ko muna kaso anong oras na din kaya nag uwi nalang ako, ngayon ko lang makakain kasi nag pansit ako kanina. Isa po ito sa paborito kong meryenda, lalo na at sakto yung pagkakaluto ko kasi malutong ng konti yung munggo, yung hindi po masyadong lumambot ganon po hehe. Musta po kayo? May pasok nanaman po bukas hano po. God bless us all<3
Tara po meryenda mga kaingay<3 tamang luto lang si tatay ng pansit kaso free yung noodles nung binili nya yung washing machine hehe actually kakauwi ko lang din po galing sa tita ko, inabot ko na yung hinihiram nyang pera para makabili na ng gamot. Musta po kayo? Pasensya na po nabusy lang. God bless po!
Isang magandang umaga po sa ating lahat! Ang ganda ng sikat ng araw. Magpasalamat po tayo sa Panginoon kasi binigyan po tayo ng panibagong chance na gumising. Musta po kayo?
Hello po magandang gabi! Kakauwi lang po namin galing kila tita kasi hinatid namin sya tapos habang pauwi po kami nainlove ako sa ganda ng langit kaya pinikturan ko, nakasakay po ako nyan sa tricycle kaya mahirap magpicture hahaha gusto ko po talaga sa sunset, iba yung napaparamdam nya sakin, minsan po nakakalungkot pero madalas nakakagaan sa pakiramdam. Ano po mas gusto nyo sunrise or sunset?
Hello po magandang hapon! Kakakuha ko lang po ng allowance galing sa government po dito samin since scholar po kasi ako. Thank you Papa God sa blesing! Malaking tulong po ito sa tita ko na kailangan bumili ng gamot. May matitira naman po sakin kahit papano. Musta po kayo?
Magandang umaga po! Good morning! Nakapag pasalamat n po ba kayo sa panibagong araw at buhay?
Ito lang po yung weekends na pakiramdam ko maluwag yung schedule ko or magaan pakiramdam ko, pero nandon parin yung tension. Nakatulog po ako kagabi na ito yung pinapakinggan ko, more on listening po kasi ako kesa papanoorin ko pa yung mga triggers na gagawin, wala po akong ADHD sa pagkaka alam ko pero naeenjoy ko po yung ganitong video, yung mabilis lang yumg transition ng mga triggers, sa ib po kasi ng tagal bago mag iba yung ginagawa. Nakaka calm nya po yung pakiramdam ko hehehe musta po??magandang umaga po ulit, ano po ginagawa nyo pag medyo stress or stress na po talaga kayo?
Blessing!
Isang magandang gabi po sa ating lahat! Share ko lang po itong nasa picture, pagkauwi ko po galing school nakita ko na po yung box ng washing machine, hindi ko po pinansin kasi akala ko may nakilagay lang ganon po wala po kasi sila tatay kanina kaya hindi ko po naitanong, tpos pagkauwi po nila eka ni tatay sakin "oh buksan mo na" hahaha bilang hindi na din po ako bata, isang napaka laking bagay po nito sakin kasi malaking tulong po ito samin para hindi na mahirapan sa paglalaba. Salamat Panginoon! Salamat tatay!
Ayon lang po hihi shinare ko lang po. Musta po kayo? God bless us po<3
Hello po musta? Kasalukuyan po kaming gumagawa ngayon ng feasibility study namin, ang hirap po pag walang laptop, nanghihiram lang po kami, laking pasasalamat ko po talaga sa nagpahiram ng laptop, kahit papano po nagawa na namin yung more than a half ng kailangan naming gawin. lima po kami sa group pero dalawa lang kaming gumagawa hays, nakakahiya na ibang group yung tumutulong samin pero sobrang thankful ako sakanila. Musta po kayo? Pasensya na po naging busy. God bless us all<3
Magandang gabi po! Musta po? Grabe ang init naman, ang alinsangan po dito samin. Ito nga po pala yung lunch ni tatay kanina pero sakin nalang nya binigay hehe pasalubong kumbaga pagkasundo nya sakin kanina sa school. Ibang klase talaga si tatay kaya lab na lab ko yon e. Kahit nag aaway kami minsan hahaha musta po kayo? Ano na po ginagawa nyo po nyan?
What's up guys! Musta po? Nasa room po ako ngayon waiting na lang po sa klase sana sa aircon ulit kasi ang init e haha. Ano na po ginagawa nyo nyan? Kakatapos lang po namin mag meryenda ng kikiam and fishball. Ingat po ang lahat God bless<3
Isang mapagpalang umaga po sa ating lahat! Tayo po ay magpasalamat sa panibagong umaga<3
Hello po musta? Nagising po ako sa tugtog ni tatay haha iba talaga pag may edad na ang mga magulang, yung mga tugtugan nakaka nostalgia, tapos ang tugtog pa po ngayon is Christmas song, ang sarap tumulala ngayon kaso may pasok hahaha ganon din po ba kayo pag old song na po yung tumutugtog? God bless us po! Gayak gayak na <3 ingat!
Magandang hapon po! Musta po kayo? Nakauwi na po ba kayo nyan? Tara po kumain ng meryenda, nagtanong lang po ako kay tatay kung may nagtitind na ng ihaw ihaw sa pupuntahan nya sabi nya wla pa daw siguro, tpos pagkauwi po nya binigay nya sakin yan hehe galing bait bait!! Nagcrave po ako e ..sobrang sakit din po ng ulo ko ngayon, baka nabigla lang sa bunot mainit din po kasi ako. Ano po favorite nyong binibili sa mga street food?
Hello po! Musta po kayo? Kakauwi ko lang po galimg school, actually hindi po dapat ako kakain ng kanin kasi pauwi naman na kaso inaya ako nung dalawang kaklase ko, kahit kanin nalang daw bilhin ko hati nalang kami sa ulam nya, nakakahiya hehe pero nagagalit kasi ag tumatanggi ako kaya ayon grab the opportunity hehe nabusog ako sa 5 pesos, bawi nalang ako sakanya next time. Tapos bumili po kami ng milktea sa labasan, halos naglakad lang din ako pauwi kaso sumasakit ulo ko sa init kaya nag tricycle na kami ni ate Jam, kaklase ko din po. Pahinga po muna ako hehe ingat po tayo God bless us po<3