Isang mapagpalang umaga po sa lahat. Kahit mabigat yung damdamin ko lubos parin akong nagpapasalamat sa Panginoon dahil binigyan nya ako/tayo ng panibagong araw. May isa lang sana akong hiling ngayon Panginoon, alam kong masama pero gusto ko po sana magpahinga, hindi naman panghabang buhay pero kahit saglit lang. Pasensya na po sa drama hahaha nakakalungkot lang po isipin na baka madagdagan pa ng isang taon yung pag-aaral ko. Mahirap po pala pag gusto mo ipaglaban yung sarili mo sa teacher pero sarado isip nya sa paliwanag mo. Sa hirap ng buhay hindi kami masyadong makasabay sa mga kaklase ko kaya sobrang nahuhuli yung group ko. Sorry ma'am wala kaming maayos na laptop, nanghihiram lang kami. Kaya medyo hindi po ako makakapag focus dito kay noise kasi kailangan po talaga namin mag doble kayod para maging successful yung feasibility namin. Pero syempre po dadalaw dalaw po ako dito para makausap po kayo ulit. Mag iingat po ang lahat! God bless us all ❤️
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
4 comments
I hope also na maging maayos ang project niyo sa school
Sana nga po 🙏🏻
Have a nice morning sissy. Keepsafe
Kaya yan pamangkin. Di ka nagsabi pwede ka naman sumingit sa laptop ko. Madalas lang naman sa panonood ko lang ginagamit kapag wala akong ineedit na mga photos and videos. Gusto mo ba sugurin natin ang prof mo ahaha. Joke lang.