read.cash Log in

@KarylleDM

Joined 28 September 2022 · 167 posts

October 20, 2022

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@KarylleDM

Good morning to all! Hello po kumusta po? Isang panibagong araw nanaman po na dapat nating ipagpasalamat. I'm currently ironing my uniform hehe syempre para presentable tayo. Kakain po ako para makainom ng gamot bago pumasok. Mag iingat po tayo always! God bless<3

@KarylleDM

Magandang gabi po! Kakatapos ko lang po gumawa ng yelo, regular na po ulit ang pag gawa ko nito kasi kinausap ako ulit nung nag dedeliver na malakas daw yelo ngayon, kaya pumayag na din ako kasi need din namin ng extra income lalo na pambaon baon po sa school. Hindi naman po ako nagbuhat kaya hindi po ako mabibinat. Nakakapagod po, sobrang sakit po kanina kasi natagtag. Konti lang po yung natusok na anesthesia kasi ramdam ko yung pusitsit non hindi lahat ng anesthesia ay pumasok sa gilagid pero hindi ko na pinadagdagan kasi ayaw ko ng mainjectionan e hahaha tiniis yung sakit HAHAHA so ayon lamang po! Alagaan nyo po ngipin nyo po para hindi na po mabawasan hehe God bless!

@KarylleDM

Magandang hapon po sa lahat! Kakauwi lang po namin ni tatay galing sa dentista hehe natuloy na po yung pabunot, nabawasan nanaman ng ngipin hahaha pano na ako ngunguya ng maayos may space na both sides haha salamat po kay Doctora dahil ang gaan po ng kamay nya at sobrang bait po nila, sa pagbalik ko naman po pasta and cleaning naman. Musta po kayo? Nawala na po epekto ng anesthesia huhu. Ingat po tayo! God bless<3

@KarylleDM

Paksiw na hinaluan ng kung ano anong gulay. Yan po ulam namin ngayon, brunch ko na po ito ulit haha. Nilagyan na po ni tatay ng madaming gulay para dumami din yung ulam kasi gulay palang ulam na hihi. Ano po ulam nyo po? Tara po kain<3

@KarylleDM

Sarap sa eyes! Finally mabibigay ko na yung hinihiram ng tita ko na pera, nung sabado pala ay nasugod sya sa hospital kasi nahirapan syang huminga, yung puso pala nya may nakabalot na taba, paubos na din pala yung gamot nya don yun daw po yung pinaka mahal na gamot nya kaya need nya ng pera, syempre ako nalang po yung malalapitan ni mama (tita ko) ayaw ko naman na sumunod sya agad sa nanay ko. Tipid tipid muna ako kasi ang matitira nalang sakin ay 500, okay na yon kesa mapano si mama. So ayon lamang po! Mag iingat po lahat God bless<3

@KarylleDM

Isang makulimlim na umaga po sa ating lahat! Nakapag pasalamat na po ba kayo kay Lord? Patuloy parin po ang buhay natin kaya salamat Panginoon. Tulad po kahapom online parin po schedule namin ng klase, bukas at the thursday ay face to face hehe. Ano na po ginagawa nyo po? God bless us all ingat po!

@KarylleDM

Hello po magandang gabi! Dumating nga po pala yung inorder ko sa shopee kanina, nakita ko lang po ito sa tiktok kasi uso kaya tinry ko po kung ano lasa, hindi ko po trip yung amoy pero hindi naman mabaho, yung lasa naman po ay sa una hind ko gusto pero pag nagtatagal na ay nagugustuhan ko naman na po hehe yung la tiao po yung sa tingin ko ay oorderin ko ulit, yun po yung parang stick. Kaso mas sumakit lang po ngipin ko kasi may pagka spicy sya pero hindi super. At least nalaman ko po yung lasa hahaha so ayon lamang po! Musta po kayo?

@KarylleDM

Hello po! Kakatapos ko lang po maglaba ng kumot at punda, nakapag linis na din po ako ng kwarto ko hehe tamang kape kape lang po habang naghihintay ng klase. Musta po kayo?

@KarylleDM

Good morning everyone! How's your sleep mga kaingay? Yung sakin ang ganda at tuloy tuloy hihi kaya good mood po ako ngayong umaga, kaso nga lang po masakit talaga ngipin ko kaya iinom na po muna ako ng gamot, ayaw ko po sanang masanay sa gamot yung katawan ko kasi kahit sobrang sakit na ng katawan ko hindi po talaga ako umiinom kaso po kasi pati ulo ko masakit e. Online class po kami ngayon kaya chill lang hha second term na po kasi kaya nagpalit naman ng sched. Ingat po tayong lahat lalo na po sa mga lalabas ng bahay! God bless po<3

@KarylleDM

Magandang gabi po sa lahat! Ito na po ang resulta ng paghihirap sa paglalaba ng sapatos hahaha doon sa white na nasa picture madali lang labhan at maputi din, kaso yung converse ko na sapatos nililinis ko pa ulit kasi may yellow stain, nilagyan ko ng colgate at tissue baka sakali bukas malalaman yung result ulit hahaha. Ang hirap..hindi na po talaga ako bibili ng puting sapatos na yela yung main material, laking converse pa naman ako huhu. Matutulog na din po pala ako kasi pagod po ako talaga, goodnight po! God bless us all<3

@KarylleDM

Pasalubong ni tatay<3 Magandang hapon po sa lahat! Musta po? Ito na po yung meryenda ko haha nauna yung dinner. Mamaya makikita ko na po yung resulta ng paglalaba ko ng sapatos haha sana maganda. Napawi ang pagod sa pasalubong hihi tara po kain! God bless po<3

@KarylleDM

Ginisang sardinas para sa early hapunan hehe meryenda nalang ako mamaya para hindi na masyadong heavy. Musta po? Sobrang pagod po ako ngayon tapos sumasakit pa po ngipin ko huhu kaya pati ulo ko masakit na din. Buti may mefenamic dito. Kain po tayo!

@KarylleDM

Update haha kahit walang nagtatanong huhu..medyo tuyo na po yung outer tela ng nga sapatos, yung loob lang po yung problema hahaha naglalaba din po ako ngayon ng mga damit ko naman. Musta po?

@KarylleDM

Itadakimasu! Magandang umaga po sainyong lahat<3 lunch ko nga po pala ito, brunch to be exact, nagpahinga po ako after maglaba ng sapatos. Nissin ramen lang po utong noodles ko then nilagyan ko ng seasoned seaweed na nabili ko sa korean store kasama nung samyang. Kaya din po mapula yung noodles kaak nilagyan ko po sya ng sauce ng samyang, wala po kasing spicy sa tindahan kanina e. Tara po kumain! God bless<3

@KarylleDM

Time na para maglinis ng sapatos hehe umaaraw na po kasi e sinusulit ko kulay gray na po kasi yung mga puting sapatos HAHAHA tapos naglaba na din ako ng hindi puti na sapatos para hindi sayang yung sabon. Pano po ba kayo maglaba ng puting sapatos na tela po mismo yung materials? Ang hirap po kasi magmaintain ng pagkaputi e baka po may tips po kayo dyan pag nilalabhan na po yung mga white shoes tulad po ng converse, don po kasi ako mahilig e. Salamat po! God bless <3

@KarylleDM

Okra kayo dyan and siling panigang! Hehe mahal daw po ang kilo ng sili ngayon e, sayang nga dapat madami ma harvest para sa bagsakan na talaga dalhin para mas malaki kita. Good morning po! Musta po?

@KarylleDM

Good morning po mga kaingay! Mukha ko po muna ang content for today's chuchu hahaha pasintabi po sa mga kumakain HAHAHA kagigising ko lang po kasi e pero nakapag hilamos na po ako at toothbrush pati liptint at sunscreen kaya ganyan itsura ko haha pero halatang maganda ang tulog kasi medyo maganda yung korte ng mata ko HAHA kape kape na po tayo! God bless us all<3

@KarylleDM

Magandang gabi po sa lahat! Mag gigreet na po ako dahil inaantok na po haha medyo may takot parin na baka mapaginipan ko nanaman yung napaginipan ko kagabi, pero nagdasal naman ako, lagi akong nagdadasal po. Ito nga po pala ang last content ko ngayong araw, isang picture na may rainbow, ang ganda..kaya maganda din po yung langit sa picture na post ko kanina. Mauuna na po ako sainyo, sumasakit din po ngipin ko, kailangan na tlaga alisin kaso may pagkapricey kasi katabi sya ng wisdom tooth ko huhu kaya ipon ipon muna po.. Goodnight everyone! God bless us all<3

@KarylleDM

Ito na po yung napalit namin sa voucher ni tita haha naging hapunan at pulutan namin ni tatay, sakin yung hapunan, kay tatay yung pulutan hahaha nakabili din po ako ng chicken skin kaso hindi po lasang chicken skin, lasa na syang harina hehe. Musta po kayo? Nakakain na po ba kayo ng dinner? God bless po!

@KarylleDM

Isang mapagpalang gabi po sa lahat! Musta po? Punta po ako ngayon sa park dahil ikeclaim ko po yung stab ni tita na worth 200 pesos na food hehe ang available po doon ay ihaw ihaw po, kagabi pa po sana makukuha kaso wla naman ng tinda kaya sabi ni tita ngayon nalang daw. Kaganda ng langit, kauulan lang po kasi dito samin, isa pa din po yun na rason kaya okay lang na magpunta ako mag isa kasi kokonti lang po yung mga tao. Maganda yung langit kaso amputik naman hahaha ayon lamang po mag iingat po ang lahat God bless po!

@KarylleDM

Samyang with spicy pancit canton! Nanghihinayang po kasi ako pag samyang lang niluto ko sayang yung sauce hihi kaya dinagdagan ko po ng pancit canton para malalagay ko din yung seasoning. Nilalagyan ko nalang ng additional na toyo para hindi tumabang. Masarap po promise! Parang dumami lang yung samyang hihi tara po kumain! Lunch ko po ito. Kayo po ano po ulam nyo? God bless po<3

@KarylleDM

Hello po! Magandang unaga! Nanonood po muna ako ng anime bago maglaba, nakapag kape na din po ako, ginagawa ko po ito lalo na pag masama yung naaalala ko kaya nanonood muna para makalimutan. musta po kayo?

@KarylleDM

Hello po magandang umaga sa lahat! Hindi po naging maganda yung tulog ko kasi binangungot po yata ako.. sa panaginip ko po may nakita daw po akong multo, tapos sinusundan na po ako non kahit saan, sobrang nakakatakot po yung itsura nya. Tapos po nung gabi daw po nag secellphone daw po ako tapoa biglang may nag flash sa gilid ko, yung flash po pag nag pipicture, tapos nung tinignan ko po yung picture sa cellphone na hawak ko ay nasa tapat ko mismo yung multo, nakahiga po ako tapos nasa paanan ko sya, tapos ayon po, grabe po yung takot ko kaya nagdasal po ako sa panaginip ko, paulit ulit na dasal, at sa awa naman po ng Diyos ay nagising ako, nagdasal po ulit ako pagkagising SALAMAT PANGINOON! pasensya na po at nagkwento na ako dito haha d ko po alam kung may magbabasa pero hayaan na, ingat po tayong lahat and God bless po!

@KarylleDM

Opening ng Palayan City Park ngayong gabi kaya ang daming tao nakakatakot magpunta pero nagpunta parin naman kami kaso tinamad na kami kaya umuwi din kami agad. Daming tao hindi nakaka enjoy mag ikot ikot ih. Libot po kayo dito samin hihi ingat po! God bless po!

@KarylleDM

Ice cream po muna tayo! Ano na po ginagawa nyo? Mainit po kasi pakiramdam ko sa loob kaya nag ice cream baka sakaling lumamig haha pati ice cream coffee flavor parin, adik sa kape hahaha musta po?

@KarylleDM

Magandang hapon po sa lahat! Kakauwi ko lang po galing sa tita ko, dinalaw ko po saglit tapos bumili na din po ako ng samyang hehe sarap pp kasi non e kaso nagmahal na dati 55 ngayon 60 hahaha pero d naman ako ngrereklamo kasi mura na din to compare sa ibang nagtitinda ng samyang. Musta po kayo? Hirap po talaga pag nasa labas, hindi ako makapag content kasi wala akong load, sayang din po kasi pag nagload pa, may wifi po kasi sa bahay. So ayon lang po ingat po tayo! God bless<3

@KarylleDM

Good morning to all noisers out there! Hihi maganda yung gising ko po mga kaibigan, kaso ako nanaman stress ngayon kasi ako yung bibili ng gift para sa token ng speaker namin ngayon sa school. Nakaka tense tuloy hahaha pero food naman bibilhin ko e wait ko lang mag open yung NE cakes and pastry shop para makabili. Gayak gayak po muna ako! Ingat po tayong lahat God bless<3

@KarylleDM

Biglang nawalan ng power, 9% pa naman na yung cellphone ko haha hindi na din nakakapagtaka kasi kumikidlat e kaya siguro pinatay muna. Mag iingat po tayong lahat God bless po<3

@KarylleDM

Natuwa naman ako bigla nung nacheck ko po yung profile ko haha 100 na po ang friend ko dito yehey! Maraming salamat po sa pag support! Support ko din po kayo syempre! Thank you so much po and God bless<3

@KarylleDM

Magandang gabi po sa lahat! Musta po kayo? Umuulan nanaman po dito samin, dyan po ba sainyo? Ito nga po pala yung resulta ng journal ko sa 1st entry ko na may title na WHO AM I? Kung nababasa nyo po pasensya na sa grammar hahaha hindi po talaga ako creative kaya yan lang nakayanan ko, okay na din hindi over design, simple lang kumbaga pero rock haha charing.. ingat po kayo!