Good morning po sainyo! Alam nyo po nafifeel ko na po yung pasko kasi iba na yung lamig at lakas ng hangin haha nakakakilabot sa saya kasi papalapit nanaman yung araw na kung saan nagsasama sama yung pamilya. Kaarawan ni Panginoong Jesus, saming mga catholic mahalaga ang pasko. Pakiramdam ko po kasi ay habang tunatanda mawawala na yung saya ng pasko, lalo na siguro pag nag tatrabaho na ako, depende kung saan ako makakapasok, pero po bumbero po ang gusto ko, at hindi din po namin hawak ang schedule don kaya gusto ko pong sulitin yung mga panahon na madami pa akong free time. Musta po kayo? Ano ba yan mag gigreet lang po ako parang naiyak pa ako hahaha ingat po tayong lahat! God bless us all❤️
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
5 comments
Feel ko na din ang pasko
Diba po? Kahit saan po magpunta may makikita ng pamaskong decorations hehe ingat po!
Ano ba ang course mo, miss pretty Karylle? Ingat ka din.
Business Ad po major in Financial po hehe pero after po nito magtetake ako ng mga exam para po mapursue ko po yung BFP salamat po ingat din po!
Wish u all the best, karylle! Gudnyt!