Breakfast po tayo mga kaingay! Musta po ang mga tulog? Umuulan po dito samin kaya hindi na kami makapunta sa sementeryo pero mga tanghali o hapon susubukan namin kay nanay, pag hindi talaga pinagbigyan mag tutulos nalamg po dito sa bahay. Tara po kumain! Ingat po sa mga babyahe
@KarylleDM in November 2022
Kaninang umaga po maaga kaming umalis ni tatay para bumili ng almusal, tapos kandila na din. Medyo umaambon ambon pa kanina kaya sana d ako magkasipon. Ang alam ko po dati walang pasok ng November 2 e huhu bakit meron na agad bukas? Grabe naman huhu hindi naman naenjoy yung long weekend kuno haha ano po ba lagay ni bagyo? Nagkatmpuhan sila po sila ni paeng hahaha
Magandang araw po! Umaaraw na po hahaha kasaya lang kasi mahirap gumalaw pag laging umuulan. Ito nga po pala yung lunch ko, nabili ko po kaninang umaga hehe tapps mamaya pagsasabayin ko na yung meryenda and dinner. Ibwa talaga pag nag dadiet..pero hindi naman po ako nagpapagutom. Sabi nga po nila, pag nagutom, kumain hehehe ingat po!
Hello nanay ko! Nandito nanaman po ang bunso mo. Miss na miss ka na. Okay ka lang ba dyan? Kasama mo ba dyan sila Ke, kuya rommel, and baby thali? Loveyou all❤️
Share ko lang po, kagabi po kinakabahan po ako nung matutulog na ako kasi anong oras na din po ako nakatulog, parang may kumikilos kasi sa sala kagabi pero baka pusa lang, nerbyosa po kasi ako matatakutin po kasi ako pero kung si nanay lang din naman magpapakita/magpaparamdam okay lang, gusto ko pa nga po yon e. Tuwing ganong oras po kasi nanonood na si nanay sa sala ng palabas ni Korina Sanchez na RatedK dati..nakakamiss po talaga. Musta po kayo? Nakadalaw na po kayo?
Just the 3 of us Ano na kaya ginagawa mo nanay kung nandito ka pa.. siguro nagtitinda parin tayo, napapagod ka parin. Hindi ko na din masisisi na nagpahinga ka na, kasi ilang taon din na pagod yung tiniis mo. Maraming salamat nanay ko. Miss ka na namin ng sobra Musta po kayo?
Isang maaraw na umaga sa lahat! Online po yung schedule namin ngayon ng klase, bukas pa ang ftof kaya medyo chill lang ngayong araw. Buti nalang maganda na sikat ng araw makakapag laba ako ng sapatos na puti hahaha kape kape na po tayo! Ingat po yung mga papasok sa school and trabaho<3 God bless po
Kain po tayo ng almusal! Hindi ko po alam yung tawag sa isda na to haha pero masarap sya. Tara po kain! Ano po ba ulam nyo? Pakabusog po tayong lahat<3 God bless po
Gaano mo kakilala ang sarili mo? Ito po yung activity namin sa subject ngayon, mapapa reflect ka nalang talaga. Isa ito sa naka agaw ng pansin ko sa video, yung screenshot sa itaas, dahil hindi naman natin maiiwasan na gawin to lalo na kung may gusto tayong patunayan. Pero dapat hindi tayo magfofocus doon kasi minsan mas nakakahadlang pa sa mga plano natin yung mga sinasabi ng iba. We do not live to please other people, we live to please ourselves pero hindi ibig sabihin non…
It's dinner time! Magandang gabi po sa lahat! Putok batok po ang ulam ko ngayon onti lang naman po yung kanin mga half cup lang tapos pinili ko yung may laman hahaha nakakahilo kung uubusin ko yan e. Tara po kain! Musta po kayo?
Goodnight everyone! Hinto ko ma muna itong ginagawa ko, bukas nalang ulit gigising ako ng maaga para dito. Ang hirap pag hindi creative hahaha tpos kulamg kulang po materials. Need kasi nmin gumawa ng jounal aka diary sa isang subject namin, may points daw pag maganda yung journal kaso mukhang wala akong points hahaha tara na po matulog! Goodnight and God bless us all<3
Magandang umaga po sa lahat! Gayak gayak na po ako, mag paplantsa pa po ng uniform haha tara po magkape<3 ingat po tayo sa mga lakad at byahe. God bless us all<3
Bagong budol nanaman sakin ni TikTok, doon ko po nalaman itong long lasting daw na lip therapy kaya ayan sinubukan ko po bilhin at ngayon lang po dumating. Tinesting ko po agad para sure haha ayon may stain nga pong naiiwan once na tumagal sa lips, yunh iba po kasing liptint once na inapply tapos inalis ang bilis mawala. Sulit naman kasi matagal magagamit. Ano na po ginagawa nyo? Musta po kayo?
Tara po mag lunch hehehe yes po lunch ko palang po ito hahaha bumili lang po ako ng ulam. Musta po kayo? Pakiramdam ko po lalagnatin ako sa sama ng pakiramdam ko huhu. Mag iingat po tayo lagi God bless po<3
Magandang gabi po sa lahat! Musta po kayo? Umuulan nanaman po dito samin, dyan po ba sainyo? Ito nga po pala yung resulta ng journal ko sa 1st entry ko na may title na WHO AM I? Kung nababasa nyo po pasensya na sa grammar hahaha hindi po talaga ako creative kaya yan lang nakayanan ko, okay na din hindi over design, simple lang kumbaga pero rock haha charing.. ingat po kayo!
Natuwa naman ako bigla nung nacheck ko po yung profile ko haha 100 na po ang friend ko dito yehey! Maraming salamat po sa pag support! Support ko din po kayo syempre! Thank you so much po and God bless<3
Biglang nawalan ng power, 9% pa naman na yung cellphone ko haha hindi na din nakakapagtaka kasi kumikidlat e kaya siguro pinatay muna. Mag iingat po tayong lahat God bless po<3
Good morning to all noisers out there! Hihi maganda yung gising ko po mga kaibigan, kaso ako nanaman stress ngayon kasi ako yung bibili ng gift para sa token ng speaker namin ngayon sa school. Nakaka tense tuloy hahaha pero food naman bibilhin ko e wait ko lang mag open yung NE cakes and pastry shop para makabili. Gayak gayak po muna ako! Ingat po tayong lahat God bless<3
Magandang hapon po sa lahat! Kakauwi ko lang po galing sa tita ko, dinalaw ko po saglit tapos bumili na din po ako ng samyang hehe sarap pp kasi non e kaso nagmahal na dati 55 ngayon 60 hahaha pero d naman ako ngrereklamo kasi mura na din to compare sa ibang nagtitinda ng samyang. Musta po kayo? Hirap po talaga pag nasa labas, hindi ako makapag content kasi wala akong load, sayang din po kasi pag nagload pa, may wifi po kasi sa bahay. So ayon lang po ingat po tayo! God…
Ice cream po muna tayo! Ano na po ginagawa nyo? Mainit po kasi pakiramdam ko sa loob kaya nag ice cream baka sakaling lumamig haha pati ice cream coffee flavor parin, adik sa kape hahaha musta po?
Opening ng Palayan City Park ngayong gabi kaya ang daming tao nakakatakot magpunta pero nagpunta parin naman kami kaso tinamad na kami kaya umuwi din kami agad. Daming tao hindi nakaka enjoy mag ikot ikot ih. Libot po kayo dito samin hihi ingat po! God bless po!
Hello po magandang umaga sa lahat! Hindi po naging maganda yung tulog ko kasi binangungot po yata ako.. sa panaginip ko po may nakita daw po akong multo, tapos sinusundan na po ako non kahit saan, sobrang nakakatakot po yung itsura nya. Tapos po nung gabi daw po nag secellphone daw po ako tapoa biglang may nag flash sa gilid ko, yung flash po pag nag pipicture, tapos nung tinignan ko po yung picture sa cellphone na hawak ko ay nasa tapat ko mismo yung multo, nakahiga po ako…
Hello po! Magandang unaga! Nanonood po muna ako ng anime bago maglaba, nakapag kape na din po ako, ginagawa ko po ito lalo na pag masama yung naaalala ko kaya nanonood muna para makalimutan. musta po kayo?
Samyang with spicy pancit canton! Nanghihinayang po kasi ako pag samyang lang niluto ko sayang yung sauce hihi kaya dinagdagan ko po ng pancit canton para malalagay ko din yung seasoning. Nilalagyan ko nalang ng additional na toyo para hindi tumabang. Masarap po promise! Parang dumami lang yung samyang hihi tara po kumain! Lunch ko po ito. Kayo po ano po ulam nyo? God bless po<3
Isang mapagpalang gabi po sa lahat! Musta po? Punta po ako ngayon sa park dahil ikeclaim ko po yung stab ni tita na worth 200 pesos na food hehe ang available po doon ay ihaw ihaw po, kagabi pa po sana makukuha kaso wla naman ng tinda kaya sabi ni tita ngayon nalang daw. Kaganda ng langit, kauulan lang po kasi dito samin, isa pa din po yun na rason kaya okay lang na magpunta ako mag isa kasi kokonti lang po yung mga tao. Maganda yung langit kaso amputik naman hahaha ayon…
Ito na po yung napalit namin sa voucher ni tita haha naging hapunan at pulutan namin ni tatay, sakin yung hapunan, kay tatay yung pulutan hahaha nakabili din po ako ng chicken skin kaso hindi po lasang chicken skin, lasa na syang harina hehe. Musta po kayo? Nakakain na po ba kayo ng dinner? God bless po!
Magandang gabi po sa lahat! Mag gigreet na po ako dahil inaantok na po haha medyo may takot parin na baka mapaginipan ko nanaman yung napaginipan ko kagabi, pero nagdasal naman ako, lagi akong nagdadasal po. Ito nga po pala ang last content ko ngayong araw, isang picture na may rainbow, ang ganda..kaya maganda din po yung langit sa picture na post ko kanina. Mauuna na po ako sainyo, sumasakit din po ngipin ko, kailangan na tlaga alisin kaso may pagkapricey kasi katabi sya ng…
Good morning po mga kaingay! Mukha ko po muna ang content for today's chuchu hahaha pasintabi po sa mga kumakain HAHAHA kagigising ko lang po kasi e pero nakapag hilamos na po ako at toothbrush pati liptint at sunscreen kaya ganyan itsura ko haha pero halatang maganda ang tulog kasi medyo maganda yung korte ng mata ko HAHA kape kape na po tayo! God bless us all<3
Okra kayo dyan and siling panigang! Hehe mahal daw po ang kilo ng sili ngayon e, sayang nga dapat madami ma harvest para sa bagsakan na talaga dalhin para mas malaki kita. Good morning po! Musta po?
Time na para maglinis ng sapatos hehe umaaraw na po kasi e sinusulit ko kulay gray na po kasi yung mga puting sapatos HAHAHA tapos naglaba na din ako ng hindi puti na sapatos para hindi sayang yung sabon. Pano po ba kayo maglaba ng puting sapatos na tela po mismo yung materials? Ang hirap po kasi magmaintain ng pagkaputi e baka po may tips po kayo dyan pag nilalabhan na po yung mga white shoes tulad po ng converse, don po kasi ako mahilig e. Salamat po! God bless <3
Itadakimasu! Magandang umaga po sainyong lahat<3 lunch ko nga po pala ito, brunch to be exact, nagpahinga po ako after maglaba ng sapatos. Nissin ramen lang po utong noodles ko then nilagyan ko ng seasoned seaweed na nabili ko sa korean store kasama nung samyang. Kaya din po mapula yung noodles kaak nilagyan ko po sya ng sauce ng samyang, wala po kasing spicy sa tindahan kanina e. Tara po kumain! God bless<3
Update haha kahit walang nagtatanong huhu..medyo tuyo na po yung outer tela ng nga sapatos, yung loob lang po yung problema hahaha naglalaba din po ako ngayon ng mga damit ko naman. Musta po?
Ginisang sardinas para sa early hapunan hehe meryenda nalang ako mamaya para hindi na masyadong heavy. Musta po? Sobrang pagod po ako ngayon tapos sumasakit pa po ngipin ko huhu kaya pati ulo ko masakit na din. Buti may mefenamic dito. Kain po tayo!
Pasalubong ni tatay<3 Magandang hapon po sa lahat! Musta po? Ito na po yung meryenda ko haha nauna yung dinner. Mamaya makikita ko na po yung resulta ng paglalaba ko ng sapatos haha sana maganda. Napawi ang pagod sa pasalubong hihi tara po kain! God bless po<3
Magandang gabi po sa lahat! Ito na po ang resulta ng paghihirap sa paglalaba ng sapatos hahaha doon sa white na nasa picture madali lang labhan at maputi din, kaso yung converse ko na sapatos nililinis ko pa ulit kasi may yellow stain, nilagyan ko ng colgate at tissue baka sakali bukas malalaman yung result ulit hahaha. Ang hirap..hindi na po talaga ako bibili ng puting sapatos na yela yung main material, laking converse pa naman ako huhu. Matutulog na din po pala ako kasi…
Good morning everyone! How's your sleep mga kaingay? Yung sakin ang ganda at tuloy tuloy hihi kaya good mood po ako ngayong umaga, kaso nga lang po masakit talaga ngipin ko kaya iinom na po muna ako ng gamot, ayaw ko po sanang masanay sa gamot yung katawan ko kasi kahit sobrang sakit na ng katawan ko hindi po talaga ako umiinom kaso po kasi pati ulo ko masakit e. Online class po kami ngayon kaya chill lang hha second term na po kasi kaya nagpalit naman ng sched. Ingat po…
Hello po! Kakatapos ko lang po maglaba ng kumot at punda, nakapag linis na din po ako ng kwarto ko hehe tamang kape kape lang po habang naghihintay ng klase. Musta po kayo?
Hello po magandang gabi! Dumating nga po pala yung inorder ko sa shopee kanina, nakita ko lang po ito sa tiktok kasi uso kaya tinry ko po kung ano lasa, hindi ko po trip yung amoy pero hindi naman mabaho, yung lasa naman po ay sa una hind ko gusto pero pag nagtatagal na ay nagugustuhan ko naman na po hehe yung la tiao po yung sa tingin ko ay oorderin ko ulit, yun po yung parang stick. Kaso mas sumakit lang po ngipin ko kasi may pagka spicy sya pero hindi super. At least…
Isang makulimlim na umaga po sa ating lahat! Nakapag pasalamat na po ba kayo kay Lord? Patuloy parin po ang buhay natin kaya salamat Panginoon. Tulad po kahapom online parin po schedule namin ng klase, bukas at the thursday ay face to face hehe. Ano na po ginagawa nyo po? God bless us all ingat po!
Sarap sa eyes! Finally mabibigay ko na yung hinihiram ng tita ko na pera, nung sabado pala ay nasugod sya sa hospital kasi nahirapan syang huminga, yung puso pala nya may nakabalot na taba, paubos na din pala yung gamot nya don yun daw po yung pinaka mahal na gamot nya kaya need nya ng pera, syempre ako nalang po yung malalapitan ni mama (tita ko) ayaw ko naman na sumunod sya agad sa nanay ko. Tipid tipid muna ako kasi ang matitira nalang sakin ay 500, okay na yon kesa…
Paksiw na hinaluan ng kung ano anong gulay. Yan po ulam namin ngayon, brunch ko na po ito ulit haha. Nilagyan na po ni tatay ng madaming gulay para dumami din yung ulam kasi gulay palang ulam na hihi. Ano po ulam nyo po? Tara po kain<3
Magandang hapon po sa lahat! Kakauwi lang po namin ni tatay galing sa dentista hehe natuloy na po yung pabunot, nabawasan nanaman ng ngipin hahaha pano na ako ngunguya ng maayos may space na both sides haha salamat po kay Doctora dahil ang gaan po ng kamay nya at sobrang bait po nila, sa pagbalik ko naman po pasta and cleaning naman. Musta po kayo? Nawala na po epekto ng anesthesia huhu. Ingat po tayo! God bless<3
Magandang gabi po! Kakatapos ko lang po gumawa ng yelo, regular na po ulit ang pag gawa ko nito kasi kinausap ako ulit nung nag dedeliver na malakas daw yelo ngayon, kaya pumayag na din ako kasi need din namin ng extra income lalo na pambaon baon po sa school. Hindi naman po ako nagbuhat kaya hindi po ako mabibinat. Nakakapagod po, sobrang sakit po kanina kasi natagtag. Konti lang po yung natusok na anesthesia kasi ramdam ko yung pusitsit non hindi lahat ng anesthesia ay…
Good morning to all! Hello po kumusta po? Isang panibagong araw nanaman po na dapat nating ipagpasalamat. I'm currently ironing my uniform hehe syempre para presentable tayo. Kakain po ako para makainom ng gamot bago pumasok. Mag iingat po tayo always! God bless<3
Hello po! Musta po kayo? Kakauwi ko lang po galimg school, actually hindi po dapat ako kakain ng kanin kasi pauwi naman na kaso inaya ako nung dalawang kaklase ko, kahit kanin nalang daw bilhin ko hati nalang kami sa ulam nya, nakakahiya hehe pero nagagalit kasi ag tumatanggi ako kaya ayon grab the opportunity hehe nabusog ako sa 5 pesos, bawi nalang ako sakanya next time. Tapos bumili po kami ng milktea sa labasan, halos naglakad lang din ako pauwi kaso sumasakit ulo ko sa…
Magandang hapon po! Musta po kayo? Nakauwi na po ba kayo nyan? Tara po kumain ng meryenda, nagtanong lang po ako kay tatay kung may nagtitind na ng ihaw ihaw sa pupuntahan nya sabi nya wla pa daw siguro, tpos pagkauwi po nya binigay nya sakin yan hehe galing bait bait!! Nagcrave po ako e ..sobrang sakit din po ng ulo ko ngayon, baka nabigla lang sa bunot mainit din po kasi ako. Ano po favorite nyong binibili sa mga street food?
Isang mapagpalang umaga po sa ating lahat! Tayo po ay magpasalamat sa panibagong umaga<3 Hello po musta? Nagising po ako sa tugtog ni tatay haha iba talaga pag may edad na ang mga magulang, yung mga tugtugan nakaka nostalgia, tapos ang tugtog pa po ngayon is Christmas song, ang sarap tumulala ngayon kaso may pasok hahaha ganon din po ba kayo pag old song na po yung tumutugtog? God bless us po! Gayak gayak na <3 ingat!
What's up guys! Musta po? Nasa room po ako ngayon waiting na lang po sa klase sana sa aircon ulit kasi ang init e haha. Ano na po ginagawa nyo nyan? Kakatapos lang po namin mag meryenda ng kikiam and fishball. Ingat po ang lahat God bless<3
Magandang gabi po! Musta po? Grabe ang init naman, ang alinsangan po dito samin. Ito nga po pala yung lunch ni tatay kanina pero sakin nalang nya binigay hehe pasalubong kumbaga pagkasundo nya sakin kanina sa school. Ibang klase talaga si tatay kaya lab na lab ko yon e. Kahit nag aaway kami minsan hahaha musta po kayo? Ano na po ginagawa nyo po nyan?
Hello po musta? Kasalukuyan po kaming gumagawa ngayon ng feasibility study namin, ang hirap po pag walang laptop, nanghihiram lang po kami, laking pasasalamat ko po talaga sa nagpahiram ng laptop, kahit papano po nagawa na namin yung more than a half ng kailangan naming gawin. lima po kami sa group pero dalawa lang kaming gumagawa hays, nakakahiya na ibang group yung tumutulong samin pero sobrang thankful ako sakanila. Musta po kayo? Pasensya na po naging busy. God bless us…
Blessing! Isang magandang gabi po sa ating lahat! Share ko lang po itong nasa picture, pagkauwi ko po galing school nakita ko na po yung box ng washing machine, hindi ko po pinansin kasi akala ko may nakilagay lang ganon po wala po kasi sila tatay kanina kaya hindi ko po naitanong, tpos pagkauwi po nila eka ni tatay sakin "oh buksan mo na" hahaha bilang hindi na din po ako bata, isang napaka laking bagay po nito sakin kasi malaking tulong po ito samin para hindi na mahirapan…
Magandang umaga po! Good morning! Nakapag pasalamat n po ba kayo sa panibagong araw at buhay? Ito lang po yung weekends na pakiramdam ko maluwag yung schedule ko or magaan pakiramdam ko, pero nandon parin yung tension. Nakatulog po ako kagabi na ito yung pinapakinggan ko, more on listening po kasi ako kesa papanoorin ko pa yung mga triggers na gagawin, wala po akong ADHD sa pagkaka alam ko pero naeenjoy ko po yung ganitong video, yung mabilis lang yumg transition ng mga…
Hello po magandang hapon! Kakakuha ko lang po ng allowance galing sa government po dito samin since scholar po kasi ako. Thank you Papa God sa blesing! Malaking tulong po ito sa tita ko na kailangan bumili ng gamot. May matitira naman po sakin kahit papano. Musta po kayo?
Hello po magandang gabi! Kakauwi lang po namin galing kila tita kasi hinatid namin sya tapos habang pauwi po kami nainlove ako sa ganda ng langit kaya pinikturan ko, nakasakay po ako nyan sa tricycle kaya mahirap magpicture hahaha gusto ko po talaga sa sunset, iba yung napaparamdam nya sakin, minsan po nakakalungkot pero madalas nakakagaan sa pakiramdam. Ano po mas gusto nyo sunrise or sunset?
Isang magandang umaga po sa ating lahat! Ang ganda ng sikat ng araw. Magpasalamat po tayo sa Panginoon kasi binigyan po tayo ng panibagong chance na gumising. Musta po kayo?
Tara po meryenda mga kaingay<3 tamang luto lang si tatay ng pansit kaso free yung noodles nung binili nya yung washing machine hehe actually kakauwi ko lang din po galing sa tita ko, inabot ko na yung hinihiram nyang pera para makabili na ng gamot. Musta po kayo? Pasensya na po nabusy lang. God bless po!
Ginataang munggo ❤️ Tara po kain po tayo ng dapat e meryenda hahaha kanina po kasi sa tita ko nagluto po kami nito, at dahil hindi ko sya gusto ng mainit, pinalamig ko muna kaso anong oras na din kaya nag uwi nalang ako, ngayon ko lang makakain kasi nag pansit ako kanina. Isa po ito sa paborito kong meryenda, lalo na at sakto yung pagkakaluto ko kasi malutong ng konti yung munggo, yung hindi po masyadong lumambot ganon po hehe. Musta po kayo? May pasok nanaman po bukas hano…
Good morning everyone! How's your sleep? Mine was good but before I sleep last night, I accidentally made a hole on my blanket hahaha it makes me sad because it is my favorite blanket since I was 15 years old as far as I remember. But of course I will not going to throw it, I can still use it hihi I'll be more careful using it from now on. Let's eat breakfast po! It's our viand for this morning❤️ thankyou God for this food! God bless us all❤️
Isang magandang gabi po sa lahat! Kakatapos ko lsng po mag dinner hehe sobrang nabusog po ako pero not to the point na bunsol na hehe papahinga po ako bago matulog kasi baka mangyari nanaman po yung nangyari dati na binangungot po ako. Ito po dinner ko ngayon, daing po tsaka lumpiyang gulay tapos yung fried chicken po huli na nung dumating kaya papak nalang po ginawa ko haha. Musta po kayo? Ang tahimik po ng wallet ko haha ingat po God bless po!
Hello po! Isang mapagpalang umaga po sa ating lahat! Nakapag pasalamat na po ako sa Panginoong Maykapal dhil sa bagong umaga nanaman na nasilayan. Ngayong araw po ay schedule po ng face to face namin kaya maaga po ako magising para gumayak hehe gising gising na po! Good morning po! Ingat po tayo lagi, God bless po❤️
Hello po! Magandang tanghali po sa lahat, ito po yung ulam ko po ngayon, nilagang baboy, nakauwi na din po kasi ako kaya dito ma po ako kumain sa bahay, nagtitipid din ako e hahaha musta po kayo? Ano na pp ginagawa nyo nyan? Kain po tayo!
Good morning po sainyo! Alam nyo po nafifeel ko na po yung pasko kasi iba na yung lamig at lakas ng hangin haha nakakakilabot sa saya kasi papalapit nanaman yung araw na kung saan nagsasama sama yung pamilya. Kaarawan ni Panginoong Jesus, saming mga catholic mahalaga ang pasko. Pakiramdam ko po kasi ay habang tunatanda mawawala na yung saya ng pasko, lalo na siguro pag nag tatrabaho na ako, depende kung saan ako makakapasok, pero po bumbero po ang gusto ko, at hindi din po…
Magandang umaga! Tara na po kumain ng lmusal since nasa bahay po ako ngayon kaya sabay ako kumain kila tatay ko hehe ito po ulam namin tinapa tsaka po kamatis! Ang sarap po hihi simpleng ulam pero napaka sarap. Salamat Panginoon sa pagkain❤️ let's eat😊
Dessert! Egg pie po kayo dyan hehe binili po ni tita kanina, masarap naman po sya Php120.00 po hindi sobrang tamis kaya hindi mabilis makasuya. Musta po? Kain po tayo hihi takaw ko
Magandang hapon po! Musta po kayo? Share ko lang po itong picture namin ni nanay, since assignment po kasi namin ay magpicture kasama yung magulang, ewan ko po ba kung bakit naisip nila yon pero para sakin napasaya ako sa assignment na yon kasi nakausap ko ulit si nanay hehe..nakakamiss talaga sya sobra.. kasalukuyan po akong gumagawa ng FS namin hehe ingat po!
Magandang gabi po! Ang ganda talaga po ng sunset, kahit wala na yung araw, may naiiwan parinnsyang kulay. Isa po sa dream ko ang makapag stargazing kahit mag isa lang ako, lalo na po at gusto ko po talaga yung nighttime. Parang pakiramdam ko nailalabas ko yung mga problema ko. Nakakagaan sa pakiramdam. Musta po kayo?
Good morning po! Isang mapagpalang umaga ulit po sa lahat! Maaga po ako gumising ngayon kasi mag rereview po ako, midterm exam po namin ngayon po e. Antok pa po ako pero keri yan para sa exam hahaha good morning po ulit. Sino na po mga gising dyan?
Hello po good morning po ulit! Hahaha habang nagrereview po ako, narinig ko po si bansot sa labas ng bahay, pinakawalan ko po kasi para sa labas na dumumi, may daanan po sya sa likod tapos kaya nya din magpunta dyan sa harap, inaasar ko muna bago pagbuksan haha iyak naman daw sya hahaha napaka cute ! Ano na po ginagawa nyo po?
Meryenda time! Kain po tayo! Musta po kayo? Grabe sobrang rush po kami kanina, nakakainis lang po kasi halos 1 month ko na po binigay yung task sa kagroup ko , sya din po mismo nag volunteer na sya gumawa ng part na yon para aa feasibility study namin, pero ang nangyari po puro copy paste po hays. Kahirap lang po kasi inaasahan namin na maayos na kaso hindi pa pala hays. Pero ayaw ko naman po maging kaaway ko pa sya, tulungan nalang din po siguro kesa hindi sya maka graduate…
Isang mapagpalang umaga po sa lahat. Kahit mabigat yung damdamin ko lubos parin akong nagpapasalamat sa Panginoon dahil binigyan nya ako/tayo ng panibagong araw. May isa lang sana akong hiling ngayon Panginoon, alam kong masama pero gusto ko po sana magpahinga, hindi naman panghabang buhay pero kahit saglit lang. Pasensya na po sa drama hahaha nakakalungkot lang po isipin na baka madagdagan pa ng isang taon yung pag-aaral ko. Mahirap po pala pag gusto mo ipaglaban yung…
Hello po musta po kayo? Ngayon lang po napahinga, dami po naming nilakad kanina para lang makagawa na ng mga kulang na info sa feasibility study namin. Literal na lakad po kasi wala po yung may service, dyan po sa picture nagpunta po kami sa may hawak ng census data nung nakaraang taon since sa December pa po ulit mag se census naka abala pa po kami pero kailangan po kasi nirarush po kami ni ma'am, lima po kami sa group pero tatlo nanaman po kaming gumawa kanina.. yung isa…
Isang magandang umaga po sa lahat! Hindi na po ako masyadong affected sa sinabi nung prof ko, ipapakita nalang namin ng group ko na hindi kami relax at may ginagawa kami. Salamat po papa @JhunPMelchor sa pa sharon galing sa birthday ni ate charm hahaha pati po sa pera kailangan ko po talaga haha salamat papa good timing talaga si Lord lagi! Thank you Lord! Musta po kayo? Mag iingat po lagi ah God bless po!
Magandang hapon po sa lahat! Hindi po natuloy lakad namin ni papa @JhunPMelchor ngayon, bukas daw po kaso may lakad naman na po ako bukas sayang. May ipapagawa po kasi yunh tita ko sakin urgent daw po kaya need ko magpunta bukas. Meet my 5th baby! The only boy pup in the family hehe eka ni tatay ipapakapon daw po nya pag lumaki. Bonbon po name nya, galing po sa balbon kasi mabalahibo po sya e. Cute po noh? Hihi Musta po kayo?
Hello po, I just want to share this to you guys, sa tingin ko po hindi ako allowed na maging masaya ng issng buong araw. Nawala yung saya ko. Bakit po may ganito? Ginagawa naman po namin yung makakaya namin para makasunod sa mga gusto nya. Pero mababaliwala mga pinagpaguran namin dahil sakanya. Base sa reply nya parang wala na syang pakealam sa grupo namin, na kami kami nalang mag check ng sarili naming gawa. Sabi ko po sa mga kagroup ko sa monday pag pinasa yung mga kulang,…
Good morning po! Isang mapagpalang linggo po sa ating lahat. Hindi man po ulit sobrang saya, okay lang kasi buhay parin naman po ako may magagawa pa po para sa FS namin. Doon po sa noise.cash ang shinare ko pong problema doon ay about sa business research, ngayon naman po ay sa feasibility study. Mahirap po lalo na pag kalaban na yung mismong teacher. Nagtataka lang po ako kasi sabi nya hindi nya gusto yung pinasa namin pero hindi pala nya chinecheck. Hindi ko po alam kung…
Magandang gabi po sa lahat! Beef mami po pagkain ko po kanina, nagcrave po ako e sakto may malapit na bilihan haha ganyan po gusto ko e, madaming sibuyas, tapos po sili, nasa ilalim lang po ng mga sibuyas kaya hindi nakita haha. Hindi po ako makaorder ng pares mismo kasi hindi po ako kumakain ng ibang part ng baka except sa meat mismo po. Musta po kayo?
What's up po! musta po? Kasalukuyan po akong gumagawa ng FS para sa ipapasa namin bukas. Sana maging okay na po ang lahat. Sana hindi kami ipahiya ni ma'am. Magpupuyat po ang grupo ko ngayon, kahit hindi kami sama sama. Kailangan po kasi mag hanap ng RRL e. Baka po may naghahandle po ng FS dyan haha magpapacheck lang po sana. Mag iingat po ang lahat! God bless us all 💞
Forda tulog ang mag ina. Napagod po siguro kakalaro ngayong araw, yung nanay parang may pilay kaninang umaga, natakot po ako e kala ko kung ano na mangyayari pero po pagkauwi ko kanina ay sinalubong pa po nya ako hehe. Nag iisa nalang po anak nya na kasama nya, pero yung mga kapatid naman ay nasa tabi tabi lang hehe. Sorry bansot ah, gusto ko mang alagaan lahat, ayaw ni tatay. Gusto ko sana kasa-kasama mo lang sila e pero nasa mabuting kamay naman yung mga anak mo. Magandang…
Magandang umaga po!! Musta po? Maulan po dito samin, may bagyo po ba? Hehe tara kain po tayovng breakfast! Kalderetang tulingan daw po ito sabi ni tatay at masarap po! Lalo na at may pagka spicy sya hehe sana nga dinamihan yung sili e HAHA tara po kain!
Hello po! Share ko lang po ito, nabilib po ako kay bansot ko kasi masungit po talaga sya, pero nagulat ako kasi hinayaan nyang dumede sakanya si kikay kahit hindi nya anak. Hindi ko po alam kung normal yon po pero kasi bumait si bansot ko hahaha sakin lang po mabait yan e. Ang sweet nila. Hindi po kasi nakapag gatas ng mabuti si kikay sa mama nya, maagang natigil magpadede si pukangkang hahaha dami po ng name hano. Ganon po mga gustong pangalan ni tatay e, kahit magaganda…
Magandang umaga po! Kain po tayo ng umagahan💞 holiday po dito samin kaai kapistahan ng simbahan po. Pero lalakarin po namin nung kagroup ko yung sa FS. Nakapag pasa po kami ng maayos na mga chapter, tinanggap naman ni ma'am at mukhang masaya naman po sya sa pinasa namin pero ichecheck pa daw po nya kaya masaya na po kami doon. Magpapasagot na po kami ng questionnaire mamaya. Tara po kain! God bless us all po❤️
Good morning to all! Gayakan nanaman po para sa mga pumapasok tulad ko. Binabasa ko po ulit yung module para mamaya may maisagot pag tinawag ni ma'am hehe. Kape po tayo! Pampagising ng diwa medyo antok pa po kasi ako at anong oras na nakatulog. Mag iingat po ang lahat! God bless us all ❤️
Hello po! Kakauwi uwi lang po namin galing sa pag susurvey. Nag house to house po talaga kami, naka 60 naman po kaming respondents out of 347 malayo layo pa pero kayang kaya. Dinadaan nalang po namin sa tawa kasi kung magdadown kami mas lalo po kaming hindi makakagawa ng maayos. Musta po kayo? Sobra po akong pagod ngayon kasi tuloy tuloy po kami pagkagaling sa school diretso na po agad sa pag survey. Pagod pero laban lang! God bless us all!
Magandang araw po! Grabe ngayon lang po ako makakaag content. Sobrang busy po. Kanina po after ng school diretso na po agad sa pag susurvey bahay bahay. Sobrang init pero nilibot po namin yung lugar namin para makapag pasagot. Buti nalng po mababait yung mga nakakausap namin tapos kanina po habang pauwi po kami, may nagsakay samin na kotse hanggang labasan, malayo layo kung saan po kami sinakay. Ang bait po ni sir kahit hindi po nya kami kilala. Musta po kayo?
Hello po! Kakauwi lang po namin galing sa park kasi nag aya yung apo ni tita, tapos nilibre na din po ako ni tita ng shawarma, na sobrang tagal ko na din po gustong mabili hahaha. Salamat po tita sa libre! Musta po kayo? Share po tayo❤️
Good morning po! Isang mapagpalang umaga sa lahat! Nakikipag laro po ako kay bonbon ngayon napaka likot na po kasi nya e, parang baby talaga hahaha lumalaki na din po kasi. Sabi po ni papa mukha daw pong may lahi si bonbon, arang shitzu na may pagka Pomeranian hahaha ano ba yan bansot hindi ko namonitor mga manliligaw mo noon hahaha musta po kayo? Tara na po pala mag breakfast! God bless po❤️
Nalalapit nanaman ang kapaskuhan, lumalamig na din ang hangin lalo na sa madaling araw. Nakakamiss yung panahong walang ibang iniisip kundi ang isusuot sa Christmas party, ano ang handa sa Noche Buena, at syempre kung ilan yung mapapamaskuhan sa mga ninong/ninang at tito/tita. Pero ngayong hindi na ako bata, simpleng handa lang okay na, kahit nga matulog nalang pagkatapos ng salo salo sapat na kasi may iba na tayong iniisip hindi na katulad ng dati. At alam kong magbabago pa…
Magandang araw po sa lahat! Kakauwi lang po ni tatay sinamahan po nya si tita, mamaya daw po sunduin nya po ulit. Ito po pasalubong nya sakin hehe ngayon palang po ako kakain ng almusal kasi sa sakit ng puson ko po kanina parang ayaw ko po muna kumain. Tara po kain po tayo!
Sunset 🌇 The best talaga ang sunset para sakin, nakaka relax tignan, parang nakakalma yung loob ko. Patapos nanaman ang araw, ang bilis ng oras, parang kanina lang kagigising lang natin. Kaya dapat talaga maging meaningful ang bawat oras at araw natin para maging memorable. Musta po kayo?
Magandang umaga po sa lahat! Ngayon po ang laba day ko kasi kahapon gumawa po kami ng project ng mga kagroup ko. Ang dami ko pong lalabhan, makikita nyo po mamaya pagkatapos hahaha pati po kasi gamit sa higaan lalabhan ko na po hehe para mabango! Magpapalit na din po kasi ako ng kumot haha yung pang malamig na panahon na po gagamitin ko hihi musta po kayo? Hindi na po ako nakakatambay dito kay noise sana hindi ako palayasin hahaha mag iingat po ang lahat! Have a blessed…
Hello po! Musta po? Kakatapos ko lang po magpaligo ng mga anakshie ko..hindi pa kasa yung dalawa ko sa likod bukas naman sila hehe. Hindi pa po ako tapos maglaba pero malapit na din po matapos hahah sayang araw po e. Ingat po tayo❤️
Magandang araw po! Musta po kayo? Grabe ngayon nalamg po ako nakapag content, dming ginagawa po. Share ko lang po itong nangyari kagabi, hindi ko na po nashare kasi wala po akong load tapos pagkauwi naman po diretso tulog na. Sinundo po kami nung bayaw ko, panoorin daw po namin laro nung anak nya, varsity player po kasi kaya may laban sila nung gabi. Ang galing nga nung pamangkin ko haha ke tangkad naman kasi at shooter din. Nanalo sila lamang sila ng 9points mas okay na yon…
Isang mapagpalang araw po sa lahat! Hello daw po sabi ni bonbon hihi ang cute nya hano po? Kahirap picturan kasi ang likot pero ayan na pinaka matino hahaha musta po kayo?
Namiss ako ni negie hahaha hello po! Magandang araw! Musta po kayo? Ano po mga ginawa nyo ngayon? Ako po kasi bale nag meet po dito sa bahay kaming magkaka group para gawin yung FS. Holiday din po kasi kaya sinulit na namin kaso hindi parin natapos. Dumalaw nga po pala kami kanina kila tita, tapos ayan po grabe makalingkis si negie haha namiss nya ate nya ih kaso nung papunta na si tatay tumakbo na sya. Natakot na kay tatay. Kaya hirap din po akong mag alaga ng mga hayop…