read.cash Log in
@KarylleDM

Nalalapit nanaman ang kapaskuhan, lumalamig na din ang hangin lalo na sa madaling araw. Nakakamiss yung panahong walang ibang iniisip kundi ang isusuot sa Christmas party, ano ang handa sa Noche Buena, at syempre kung ilan yung mapapamaskuhan sa mga ninong/ninang at tito/tita. Pero ngayong hindi na ako bata, simpleng handa lang okay na, kahit nga matulog nalang pagkatapos ng salo salo sapat na kasi may iba na tayong iniisip hindi na katulad ng dati. At alam kong magbabago pa itong pananaw ko pag nagka trabaho at nagkapamilya na ako. Ang bilis ng panahon, nakaka excite pero mas lamang yung lungkot kasi yung mga kasama natin dati, hindi na natin kasama ngayon. Ilang days nalang po ba bago mag pasko? Ano po ang siguradong siguradong handa nyo sa lamesa sa pagsapit ng Noche Buena?

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.