ilang beses na din ako nagtry na huminto pero kapag naiisip ko na mas malala pa pala ung kalagayan ko noon kaysa ngayon mas namomotivate ako na magpatuloy. Hindi naman masama ang magpahinga ang masama ung nadapa ka pero mas pinili mo na wag ng bumangon. I realized na hindi madali ang buhay sa mundo pero paulit-ulit lang naman ung nangyayari ang mahalaga nag grow ka and mas nagiging strong ka to do something na gusto mo. Kung magfocus ka kasi sa mga bagay na hindi naman worth it unti-unti mo lang din sinisira ung sarili mo. Maraming bagay sa mundo na pwede mong pagkaabalahan wag kang magfocus sa iisang bagay. Naalala ko nga noon nakakapasok ako na wala namang ni piso sa bulsa pero nasa college na ako ngayon. Pumapasok ako ng walang kain pero sobra na ung grocery ko sa kwarto ngayon. Nakakapag-aral ako ng walang cellphone, pero may laptop at iphone ako ngayon. Tamang tingin lang sa mga bagong damit ng mga kaklase ko noon, pero ngayon hindi kona alam kung saan ko susuotin ung mga pinagoorder kong damit. Dati pangarap ko lang na magkaroon ng refrigerator tapos may malamig na tubig, pero ngayon punong puno na ng mga ibat-ibang klase ng drinks. Sobrang laki ng binago ni Lord sa buhay ko kaya sobrang thankful lang din ako. Dati gusto ko lang naman mabilihan si mama ng silver na necklace or any accessories pero ngayon Gold ung binigay ni Lord na maibigay ko. Habang inaalala ko to hindi ko maiwasan na maluha grabe na pala ung blessing na bingay nya sakin. Dati palamig lang masaya na ako ngayon kahit anong milktea pa wala ng saya. Alam nyo narealized ko lang na hindi talaga nakukuntento ang tao. kahit kaylan hindi tayo magiging masaya sa mga bagay na pang mundo. Nagiging masaya lang ako pag nakikita kong masaya ung pamilya ko ngayon. Pag napaglulutuan ko sila, pag nagiging proud sila at higit sa lahat pag wala silang sakit. No matter where you are right now keep going! malayo layo kapa pero malayo kana para sumuko pa
2
27
You are an inspiration, keep fighting, if you need to rest, rest in God's comforting hand, and yes giving up will necer be an option, aja