Nakakapagtaka kung bakit ang galing ko mag-advice sa mga friends ko na sawi sa pag-ibig...
Madalas nagagalit pako kung bakit nag-stay sila sa isang relasyon na agrabyado sila, without thinking na darating pala yung point sa buhay ko na mararanasan ko yun. Alam ko na ngayon yung nararamdaman ng isang pusong tanga. Masarap naman talaga magmahal eh, ako pa! eh basta pag sinabing mong love, eh all out ako dyan. Bakit ka magbibigay ng konti, kung kaya mo naman ibigay ang lahat, at dun ka sasaya. Hindi ko man lang naisip na, hindi lang pala puro saya pag nagmahal ka kaakibat na pala ng saya yung pait at sakit, na walang perpektong tao na kahit ibigay mo na lahat ng pagmamahal na nasa iyo, masasaktan ka pa din sa bandang huli. Darating yung point na hindi kayo magkakaintindihan, magsasawa kayo sa pareparehong bagay na madalas na pagtalunan. Darating yung point na akala mo masaya ka pa, pero yun pala, nandun na siya sa piling ng IBA. Kahit na gaano itago ang mga kasinungaolingan, lalabas at lalabas ang katotohanan...
Napapagod na ako magmahal. Matagal na panahon pa ang gugugulin ko para buksan ko ulit yung puso ko para magmahal ulit. Ang hirap pala maging tanga. Kung hindi mo alam ang pakiramdam, ganito yun... Yung tipong text ka ng text sa kanya, para malaman kung galit siya, o para lang malaman kung kayo pa, pero hindi ka niya pinapansin, abot na ng isang linggo, umaasa ka pa din na magrereply siya, umaasa ka pa din na maaayos pa yung relasyong kung tutuusin eh wala nang pag-asa. Yung tipong iyak ka nang iyak pag naaalala mo siya, kahit na sa part niya wala siyang pake sa nararamdaman mo, wala ka man lang idea kung naaalala ka pa ba niya. Pero kahit sobrang hirap at parang mamamatay ka na sa sakit, hindi mo pa din magawang magalit sa kanya, kasi MAHAL mo siya eh, MAHAL NA MAHAL mo siya eh! Gusto mo pa nga maging maayos lahat eh, kainin yung pride mong sirang-sira na...
Ganyan ako. Ganyan nako ka-tanga.
Pero babawi rin ako.
Gigising din ako. Sana bukas.
Pero ngayon, nasa isip ko pa lang yung babawi ako.
Hindi naman madali kalimutan lahat yun.
Salamat sa pagsasayang ng oras, pero sana huwag mo naman sabihin sa'ken na tanga ako talaga, para hindi masyadong obvious.
Note:
This is just an article of my past ahaha hindi na ako Ti Ey En Gi Ey ngayon...💪💪💪
Ikaw?? Ti Ey En Gi Ey ka parin ba?😂✌
PS: Requested by @Cristy
Tama ka pero yung kaibahan ko lng eh nilalabanan ko yung pag ibig na nararamdaman ko sa isang tao kpag alam kung dina xa nkakabuti para sakin..