Minsan kapag nakikita ko ang aking anak ay bigla ko nalang siyang naaalala. Masakit kasing isipin na lumalaki ang anak ko at wala siyang ama. Bilang isang nanay pangarap ko siyang mabigyan ng buong pamilya, ngunit hindi kasi talaga kami ang para sa isa't isa.
19 year's old lamang ako nun, ng makilala ko ang ama ng aking anak. Tumagal kami Ng isang taon bago ako nabuntis. Dala Ng kapusokan, hindi talaga inaasahan ang aking pagbubuntis nun. Nung nalaman nyang buntis ako, ay bigla siyang kinabahan at nataranta. Sinabi pa nga nyang ipalaglag ko kung hindi pa ako handang maging nanay, dahil ganun din naman siya. Nagulat ako sa sinabi nya, nanghina at tela nagulo ang mundo ko. Hindi ko inaasahan ang mga narinig ko sa kanya, ngunit nangingibabaw sa akin ang konsensya kaya tumutol ako. Ang sabi ko ay kakayanin ko to, basta kasama ko lang siya. Sabi nya ay hindi nya alam kung anong gagawin, pero sabi nya kung yan ang gusto ko ay bahala daw ako. Hindi naman nya ako hiniwalayan agad, pero unti unti nagiging madalang na ang pagkikita namin.
Halos mabaliw na din ako sa problemang ginawa ko, takot akong sabihin sa nanay ko na buntis ako. Disappointed na kasi ang nanay ko sa nakababata kong kapatid dahil maaga din yung nabuntis at iniwan din ng nakabuntis sa kanya. Araw araw ay nakakaramdam na ako ng guilt, na e stress na din ako dahil pakiramdam ko any time ay may makakapansin na, na buntis ako. Kaya napagpasyahan ko ng sabihin sa nanay ko ang totoong kalagayan ko.
Mag asawang sampal ang natanggap ko mula sa nanay ko, okay lang naman dahil ang tanga ko. Nagpakatanga ako sa taong akala ko ay may paninindigan. Umiyak ang nanay ko dahil sa sobrang sama ng loob. Sobrang sakit sa dibdib na nakikita kong umiiyak si inang. Ilang linggo din at umabot ng buwan bago ako muling kinausap ng nanay ko. Pero araw araw ginagawa ko ang lahat mapatawad niya lang ako. Unti unti ay tinanggap na din ng nanay ko ang pagbubuntis ko. Kilala na naman ng nanay ko ang boyfriend, nagalit lang siya dahil ang akala nya ay magpapakasal muna ako bago magpabuntis dahil yun talaga ang pangarap nya para sa aming dalawa ng kapatid kong babae. Pero nabigo siya sa aming dalawa. Kinausap kaming dalawa ng boyfriend ko ng inang, tinanong nya kung kelan namin balak magpakasal at ako nga ay buntis na. Hindi makasagot ang boyfriend ko, ang sabi nya lang ay kakausapin pa nya ang kanyang mga magulang at nang sila ay makapamanhikan na. Natuwa naman ako sa narinig kong iyon, pero hindi ko inaasahan na iyon na pala ang huli naming pagkikita.
Pagkagising ko kinabukasan ay bigla akong nakatangap ng text messages mula sa kanya. Medyo nanibago ako dahil madalas ay sa messenger naman siya nagmemsg sa akin. Binuksan ko ang kanyang text at iyon nga ay binasa ko. Tumigil ang mundo ko sa nabasa ko.
Patawarin mo ako, pero hindi pa ako handang magpakasal. Madami pa akong pangarap, mga bata pa din tayo. Makakahanap ka din ng taong magmamahal sayo na kaya kang pakasalan.
Nag uunahang nagbagsakan ang mga luha ko pagkabasa ko sa text message nya. Sinubokan ko siyang tawagan sa number na iyon ngunit out of coverage na. Sinubokan ko siyang kontakin sa messenger pero nakablock na pala ako. Agad agad akong bumangon para puntahan siya sa bahay nila. Nagpunas ako ng luha ko, bago nagbihis at dumiretso na sa bahay nila.
Pag dating ko sa bahay nila ay nanay nya lang ang naabotan ko. Bumati Ako ng magandang umaga at tinanong ko kung nasan ang anak nya, ngunit hindi ito agad na sumagot. Tiningnan nya muna ako mula ulo hanggang paa saka siya nagsalita.
Halika na muna dito sa loob, nag almusal ka na ba? Gusto mo ba ng kape ening?
Susunod na tanong nanay nya, sabi ko ay hindi ako nagkakape at hindi pa ako nagugutom. Hinahanap ko lang yung anak nya. Nagtimpla muna siya ng kape at saka umupo sa harap ko.
Pasensya ka na ening pero hindi pa kasi handa ang anak kong mag asawa. Patawarin mo sana ang anak ko, at sana ay alagaan mo at palakihin na mabuting bata ang apo ko. Maluha luhang sabi ng nanay ng boyfriend ko.
Ano hong ibig nyong sabihin? Asan po ba siya?
Umalis na neng kahapon pa, galing yata iyon sa inyo. Pagbalik ay nag empake na at umalis na, humabol sa huling bus trip papuntang maynila.
.
Halos hindi na ako makahinga sa mga oras na yun, pero nagpakatatag ako. Umuwi ako sa bahay, at doon na ako nag iiyak. Sobrang sakit ng ginawa nya sa akin, pati na din sa anak ko. Pero nagpatuloy ako sa buhay, naging lakas ko ang anak ko. Na sobra ko namang naging kasiyahan ng makita at nahawakan ko na siya.
Mag tatatlong taon na din ang anak ko, at magtatatlong taon na din na wala na akong balita sa ama niya.
Message:
Magkamali man tayo ng desisyon sa buhay, ang gumawa ng isa pang kamalian ay kelanman ay hindi maitatama ng isa pang kamalian.
Maraming salamat po sa magbabasa.
Lead image source
https://www.amazon.com/Anong-Nangyari-Sa-Ating-Dalawa/dp/B091Y5JFWW
Ang saklap naman,,sakit ng kwento move on ka nalang po pakatatag ka para sa baby mo,ang lalaking takot sa responsibilidad hindi dapat pinapananghayangan..hehehe