Pista sa Probinsya

21 54
Avatar for Jeansapphire39
3 years ago

Naranasan niyo na ba dumayo para umatend ng pista?

Ako kasi sa HINATUAN SURIGAO DEL SUR lang talaga ako namimista,kasi lugar yan ng nanay ko. Kung probinsya etong lugar ko mas bukid po yun kasi wlang tricycle don kundi "trysikad" tawag namin don. Maganda at tahimik ang lugar ni nanay at don din ako nag aral ng College so nasa poder ako ng ante ko na kapatid ng nanay ko. May carendiria ang ante ko kaya libre ako pero nagbibigay naman ako kahit ayaw tanggapin ni ante. Sampu silang magkakapatid ng nanay ko kaya marami akong malalapitan talaga at di lahat ng kapamilya natin malalapitan diba.

Tuwing pista lagi kaming abala sa carendiria kasi dami dadayo lalo na pag "PALADONG" yung parang "SINULOG".Ang daming tao sa plaza at halos di ka makadaan dahil sa daming paninda. Pero simula ng mgka COVID di na talaga nauso ang pista kaya kanya kanya na lang handaan at walang bisita. Iwas na din tayo sa maaaring mangyari pag nagkahawaan ang importante buhay pa tayo sa mundong ginagalawan natin.

Sponsors of Jeansapphire39
empty
empty
empty
Photo credits from my fb account

Last august 28,2016 po yan na larawan,Si nanay at tatay ko po yan. Sarap ng lechon diba hehehe pero yan ang last na naka attend ako ng pista kasi mahigpit partner ko dami echos sa buhay kaya di tuloy ako mkabisita sa mga kamag anak ko don. Natatawa ako nanay pag sa lechon kasi hanggang balat lang kinakain niya at ayaw niya sa laman. Buti na lang may seafoods kaya yun ang kinain ni nanay pero tatay ko kahit HIGHBLOOD yan naku ang takaw talaga kaya panay saway ko "oh tama na yan nkailang hiwa ka na".Titigil na yan siya pag sinasabihan ko na baka sabihin mo na naman bumaliktad ang bahay natin.

Photo credits from my fb account

Yan nman ang pinsan kung mataray na lagi ata may regla hahaha. Ginagalit ko yan kasi lagi nakasimangot.Pero infairness lagi yan panalo sa beauty pageant kasi matalino din naman siya at may self confidence mgswimsuit. Lahi sila ng magaganda talaga at tatlo silang magkakapatid na kasali lagi. Pag umuuwi sila galing CEBU siya talaga naghahanda ng lahat kaya malayo pa ang pista nagtetext na yan nq pumunta daw kami.Pero konti lang talaga bisita nila at sabi ko nga bat di kayo nagyaya ng iba pano natin uubusin yang handa niyo. Sabi ni ante "wag na baka magnakaw lang dito sa loob".Ganyan kataray ang ante kung yan kaya di malapitan ng kapitbahay.Angkan sila ng matataray talaga,iba iba ugali ng mga ante ko talaga.

Photo credits from my fb account

Ayan naman si ako, di ko talaga mapigilan matawa sa ginawang juice ng pinsan ko oh. Yung orange juice eh nkakalasing yan.Hinaluan niya yan ng wine at kung ano ano pa.Iba talaga pag may pinsan kang "TOTYAL" at lahat na lang may arte.Pati ako pinapakialaman talaga na dapat ganito ayos ko at magmake up daw ako. Dios mio wag ako kasi ayaw ko talaga niyan since birth. Lahat ng bigay niyang make up di ko talaga ginamit pati yung damit na sobrang iksi di ko sinuot. Pero mabait talaga yang pinsan ko kahit mataray yan at namimili ng kaibigan talaga.

Photo credits from my fb account

Ang tahimik ng pista nila at tanging kami kami lang bisita kahit walang COVID. Nakita niyo ba yung frame ni GOD sa right side ko? Meron din ako niyan. CROSSTITCH po yan at sa knila ko una nakita ang pattern na yan. Nong makita ng mga kaibigan ang gawa ko aba nagrequest talaga at malaki pa bigay sa akin. Ang ganda naman talaga ng CROSTITCH na kahit anong design mamangha ka talaga.

Alam niyo ba na may kapitbahay silang ASWANG pero di talaga ako naniniwala. Katabi lang nila ang bahay kaya ayaw ko matulog sa kanila pag nagbabakasyon ako.Binibiro pa nga nila ako,di ka gagalawin niyan kasi dumadayo yan sa malayo at subukan lang niyang lusubin tayo at malalaman ng lahat. Katakot sa probinsya ng nanay ko pero nasanay na din ako kalaunan.

Kayo naniniwala ba kayo sa aswang?

Salamat sayo sis @Bloghound sa pagsponsor sa akin at sa mga advice mo kasi di ko pa talaga alam ang lahat dito. Sobrang thank you talaga. 😇

4
$ 0.13
$ 0.06 from @Zcharina22
$ 0.05 from @Bloghound
$ 0.02 from @Laylyn
Sponsors of Jeansapphire39
empty
empty
empty
Avatar for Jeansapphire39
3 years ago

Comments

iba talaga ang mga pinoy, kahit anung hirap ng buhay hindi makalimutan ang magpasalamat sa Panginoon, hi sissy good afternon

$ 0.01
User's avatar Amz
3 years ago

Tama ka diyan sissy at kahit hirap mn tayo sa buhay di dapat kalimutan ang mgpsalamt sa panginoon. Gud aftie din sissy

$ 0.00
3 years ago

Hi ate pag ba pista sa inyo bahay-bahay po kayo nagseselebrate? Hindi po munisipyo ate? May talent ka pala ate hindi lang pagkanta kundi cross stiched pa hehe

$ 0.00
3 years ago

Halu zcharina at wla akong talent sa pgknta tlga ksi sintunado ako hahaha. Pag nasa itaas na kmi gagawa ulit ako ng crosstitch para pang decor ko ksi isa lng tlga nagawa ko para sa akin. Yung Jesus portrait at dami ko kita dyan nong maliit pa eldest ko. Nkbli ako ng maraming gatas tlga kasi malalaki bigay ng mga kaibigan ko

$ 0.00
3 years ago

Halu zcharina..bahay yan ng ante ko at sa bahay nmn lgi ang handaan nila. Matagal ko na alam pano mag crosstitch, since highschool pa talaga😉

$ 0.00
3 years ago

Inaral mo ba yan ate? Pag pista diyan ate kanya-kanyang celebration dito kase sa amin general idinadaos doon sa munisipyo namin.

$ 0.00
3 years ago

Sa school ksi nmin non maliit lng ang cloth parang libro ang size then nong nag college ako nagyaya ang brkda ni ate sa akin na gumawa ng malakihan.Guide nya ako non hanggang nakuha ko din pero yung may beads di ko natry at mahirap na pumalpak kasi may bayad yun eh. Rose of sharon ang mabenta non at pinapadala ni mdam sa USA kasi may anak sya don. During fiesta din sa amin or sa probinsya ng mga kamag anak ko may kanya kanya tlga kming hnda at meron din sa munisipyo

$ 0.00
3 years ago

Sobrang nkakamis talaga ang pistahan sis, punta sila nanay/tatay kahpon ang tahimik ng pista don.Dati ang ingay don at may peryahan sympre pero ngayon laging holy week na tlga dahil ky covid na ayaw pa talaga tayong iwan😅

$ 0.00
3 years ago

Nakakamiss ang mga pistahan, sis. Lalo nung mga bata pa kami. Daming food, palabas, ganyan. Ngayon parang nawawala na ang spirit ng Fiesta lalo nung nagpandemic. I miss the good old days :)

$ 0.00
3 years ago

Di man po totoo ang aswang sa palagay ko... Pero wag ka takot din ako pag nasaprobinsya ako at may magsasabi, may aswang tahimik kayo.. Hahahah

$ 0.00
3 years ago

Lam mo don ako naniwala nong naranasan ko na tlga,buntis ako non ng 2mnths at tlagang dumaan lng sa bahay ng lola ng ex husband ksi don sya sa may unahan na bahay kasi kabuwanan na dw. Gawan ko sana yun ng article eh😅

$ 0.00
3 years ago

Si meraki ate may mga kwento siyang ganyan..

$ 0.00
3 years ago

Ohhhh.. Later basahin ko article nya don.. Totoo kaya yan

$ 0.00
3 years ago

Oo ate

$ 0.00
3 years ago

Gawan mo sks.. Meron dibang writing prompt tungkol sa mga monsters, myths, and legends..gawa ka ng entry dun

$ 0.00
3 years ago

Dalawa lang naranasan ko sis yung aswang at nasaniban nong nsa sg pa ako.. Kakatakot. Cge try ko mgsubmit don

$ 0.00
3 years ago

Ay yang sa sanib sanib medyo naniniwala po ako jan.. Kasi mismong kapatid ng asawa ko ang nakaranas nyan noon.. Saka yung pinsan nya ding babae

$ 0.00
3 years ago

Totoo tlga yan at grvh ang takot ko non kasi antagal nyA tumigil at ang lakas kaya

$ 0.00
3 years ago

Totoo po yan.. Buti nga yung kapatid ng asawa ko di na ulit sinasaniban..

$ 0.00
3 years ago

Uo totoo yun sissy, elem pa ako non alam ko na yun na aswang kapitbahay nila pero di nmn dw sila ginagalaw at mas nkakatakot tlga mga tsismosa hahhaha. Masaya mamista sis ksi dami foods at dessert pa. Wla ngang pista sa muslim no

$ 0.00
3 years ago

Hala sissy nakakatakot ung kapitbahay na aswang pro kung mabait nmn cla mas nakakatakot ang mga tsismosa hehe.bydwag masarap mamista sissy,minsan ko lng naranasan don sa mga kaklasebqo noon wla kasing fiesta sa mga muslim

$ 0.00
3 years ago