Gandang buhay po sa lahat at sana nasa mabuti kayong kalagayan diyan. Medyo masama pakiramdam ko kahapon kaya today lang ako nkagawa ng article. So lets begin with my youngest son which is COLLIN BRENT(aka bb kulot).
Maraming nagtataka bakit daw kulot ang bunso ko eh straight hair namn daw ako. Ganito po yan ang nanay ko is kulot po at pati po mga kapatid niya pero kami magpipinsan ay halos straight hair pero pagdating sa mga anak namin naging curly hair halos pero may hindi naman kulot. Pati eldest ko is kulot din pero nagpapagupit po kasi siya kaya minsan di nahahalata pero may mga photos din ang eldest ko na curly hair siya.
Siya ang eldest ko at nasa grade 10 na din siya ngayon. Online class nga lang at buwis buhay talaga kami sa wifi para lang mka access anak ko. Mahirap din yung module at laking pasalamat ko at masipag siya sa pag aaral. Kaya si bunso ang priority ko lagi kasi maliit pa at need talaga alagaan kaya lagi ako puyat sa kanya pero ganyan talaga ang ina kinakaya ang lahat. Dalawa lang po anak ko at closed talaga sila kahit malayo ang agwat nila. Malambing kasi si bunso at tuwing nagigising ng madaling araw eh tumatabi yan sa kuya niya at niyayakap niya. Silang dalawa talaga ang buhay ko aside sa mga kapatid ko at parents ko. Ofw kasi partner ko kaya kami kami lang talaga lagi pero sa videocall lang kami nagkikita.
my lil bunso.. Collin Brent
Charannnn... Siya po c bb kulot ang makulit kung anak na laging nkabuntot sa akin. Back to zero po talaga ako sa pag aalaga ng baby kasi malaki na eldest ko nasa 16 years old na samantalang c kulot bago lang nag 3 years old last Sept 18,2021. Di kasi biro mag alaga ng bata lalo pa at ako lang talaga, so time management na lang ang ginagawa ko everyday. Sa awa ng dios nakayanan ko din naman pero minsan nagkakasakit talaga ako dulot ng puyat at pagod din sa mga gawaing bahay. Pero swerte pa din ako sa mga anak ko na kahit puro lalaki sila naging closed kaming tatlo.
Elder bro with his family...
Yan si elder bro ko na nasa NOVALICHES nakatira. Puro mga kulot mga anak nya diba? Si elder bro di naman kulot yan pero nakuha pa din ng mga anak niya ang pagkakulot ng nanay ko hehehe. Napapatawa na lang si nanay ko pag nkikita niya etong tatlo kung pamangkin. Mabait si kuya at pinaka generous sa lahat ng mga kapatid ko. No need na kami humingi kasi nagkukusa yan magbigay kaya feeling blessed ako sa mga kapatid ko na kahit marami po kami eh sadyang closed naman kaming lahat at nagtutulungan. Ngayong buwan dumalaw siya dito sa amin kasi may project po siya sa DAVAO at COTABATO. So nagstay siya dito ng 3 days so everyday masarap ulam namin kasi namiss niya talaga pagkain dito sa probinsiya pero bawal siya sa crabs/prawns,allergic siya eh plus may hika pa siya. Dami niyang plano dito sa bahay ng parents ko kaya panay picture sa whole house hehehe. Sabi ko may budget ka na kuya? Sabi niya "soon jean". Ang bait talaga ng kuya ko at sabi pa niya "pagbakasyunin natin etong mga seniors para malinis ang buong bahay". Sila nanay kasi panay tago sa mga gamit na hindi naman ginagamit. Kaya pag umaalis sila nanay isa isa kung nilalabas mga gamit na di nmn tlaga ginagamit para makuha ng basurero hehehe. Nong paalis na si kuya aba binigyan kaming lahat ng pera kaya laking tuwa ko ng binigyan ako ng 10k hahahaha.
Sarap sa eyes diba?
Unexpected talaga na bigyan ako ni kuya ng ganitong halaga at tuwang tuwa ako that day. Sabi ko pa "salamat sa tili tili kuya" sabi pa niya "walang anuman at ikaw na bahala dito sa bahay". Ako kasi secretary niya hehehe, tagakuha po ng alote ng nanay ko at iba pang utos niya pero ok lang yun kasi obligasyon ko din naman pangalagaan mga magulang ko kahit may pamilya na po ako. Di ko maatim pabayaan sila lalo na pag nagkasakit sila. Naging maganda kasi pagpapalaki ng mga magulang namin kaya lahat binibigay namin basta kaya lang.
Mag ina ni eldest bro..
Naging LDR po sila ng kuya ko kasi nasa Cavite po sila nkatira. Plus nagka pandemic pa eh lalong di nkapunta si kuya at syempre natatakot din namn si kuya sumugal sa byhe. Siya si baby SIMON. Di po siya kulot pero jolly po siyang bata. Nkakatuwa ang batang yan pag nagvideocall sila ni kuya at para ng matanda kahit 1 year old pa siya. Mabait din partner ni kuya at tagarito din po yan pero lumipat na sila sa Cavite nong nag ofw siya non.
Our youngest bro with his fam
Nasa Davao City si bunso namin kasi taga Davao po kasi asawa niya. Semi curly hair lng si BB NEESH at mdyo kulot kasi si bunso namin. Last namin punta sa kanila mga 1 yr old p c bb kulot non at don kami nagdiwang ng pasko last 2020 bago nagka pandemic. Nag japan dati si bunso for 2 years then pag uwi nag asawa kaya sabi ko walang sisihan ha basta di ako nagkulang ng advice sa inyong dalawa ni sheena. Sa ngayon nasa DSWD nagwork si bunso tapos si sheena ay tutor ng mga japanese kids. Nag japan din kasi non si sheena at magkasunod lang sila ni bunso non.
Si Precious Brielle..
Siya ay anak ng younger sister ko na nag asawa ulit pero naiwan po siya sa amin kaya mama lagi tawag niyan sa akin. Infairness mgkamukha kasi kami ng younger sister ko, sabi nila hehehe. Special child po si Precious, autism po siya kaya pag na hyper tiyak ang saya saya dito sa bahay. Di po siya ma communicate pero nkakaintindi nmn siya at matalino ang batang yan. English speaking kaya siya at slung pa hahaha. Dinadalaw lang siya dito everyday ng sister ko pero mommy tawag nya don,totyal diba hahaha.
My fb post during 3rd bday of collin
Himala ang 1st cousin ko na mayaman nagcomment sa post ko sa fb last sept 18. Nasa Dubai po siya at may bahay po siya sa Cebu. Di naman lahat ng pinsan natin ay closed diba? Pero minsan naliligaw din sila sa inbox ko at nangungumusta naman. Nka encounter na po ba kayo ng may kamukha sa mga pinsan niyo? Kami kasing tatlong mgpipinsan ay magkamukha daw sabi ng mga ante namin. Infairness at tatlo pa talaga at isa yang nagcomment sa akin. Mgkahawig daw kami hahaha eh ang ganda ganda kaya niyan.
Last Monday pinagupitan ko c bb kulot kasi nagkabuhol buhol na buhok nya sa likuran at ayaw pa niya ipasuklay sa akin. Tinatapon ang suklay hahahaha at pag naliligo siya para siyang nalulunod kasi makapal talaga hair niya at ang pgflow ng tubig na galing sa buhok niya ay matagal madrain kaya feeling niya nalulunod siya. Nkakaawa si kulot kasi umiiyak siya tuwing pinapaliguan ko. Pero nagalit ang papa niya nong makita sa videocall na naging semi kalbo na. Hanggang ngayon di kami kinakausap, ang hirap mg adjust sa partner na may topak. Di mn lang nagtanong kung puyat pa ba ako lagi dahil ky bb kulot. Di kaya biro mg alaga ng bata at sana maisip nman ng mga lalaki yan di yung puro sarili lang nila iniisip.
Authors thought:
There is no love greater than a mother love, no sacrifice comparable to a mother's sacrifice. Every child acknowledges the efforts of their mothers and every mother is proud of her powers. So keep fighting💪.
Message:
Thanks to all my readers, upvoters and also our beloved RUSTY.. Thank you so much for everything and ill do my best in making an articles here even im totally hectic because of my schedules and for being a mother.
Got my 100% plagiarism
Sept. 29,2021
12:53noon
The fighter mom,
Jeansapphire39
Ang kocute po ng mga babies niyo,,kami po kahit magkakalayo kami ng mga kapatid ko nag uusap usap padin kami n puntahan ag bawat isa.