Welcome September at sana mas makabuluhan ang buwan na eto para sa akin.Nais ko lang sana e share sa inyo ang karanasan ko sa pagkakaroon ng CYST sa right breast ko na nasa lower part lang tumubo.
Lead image source from google
Nong papunta pa lang ako ng Singapore para magtrabaho as a Domestic Helper naging physically fit po ang medical ko. Pero nong lumipat ang amo ko mula sa RESIDENTIAL to CONDO don na tumubo ang CYST ko.Kala ko mawawala lng sya sa gamot kasi dinala ako ng mga amo ko sa doctor at ASAP daw dapat ang operation so nagdecide akong umuwi na lang sa pinas.Ayaw sana ng amo ko at gusto nila don lng ako mgpa opera pero nahihiya namn ako kasi trabaho ang pinunta ko don tapos magiging kargo pa nila ako. Mababait kasi ang 2nd employer ko non pati mga alaga ko.Nong hinatid na nila ako sa airport mga alaga ko nag iyakan talaga at ayaw nila akong pauwiin.Pero umuwi ako kasi ayaw ko pang mamatay talaga at may anak na ako non mga 6 years old na sya.
Pagdating ko ng pinas nagpachek up ako sa Manila sa Philippine General Hospital at ang haba ng pila kahit madaling araw kami don.Pero ang sabi ng doctor nasa akin pa rin ang desisyon kung mgpapaopera ako or hindi. Pero natakot din ako non mgpaopera kaya umuwi na lng ako sa probinsya namin at ng mkapag isip kung ano dapat. May gamot akong iniinom non at masakit pa rin ang cyst ko kahit may gamot na.Hanggang nagdecide ako na pumunta ng davao baka may magaling na doctor don, need ko talaga ng 2nd opinion kung dapat ba ako mgpaopera.
Kaya pumunta ako ng Davao City at pinsan ko ang kasa kasama ko non at nagleave siya ng 1 week para sa akin. Nka tatlong ospital kaya ako pero yung last na ang napili ko.Sa pag uusap namin ng doctor ang dami ko ng tanong, bakit may tumubo doc eh physically fit namn ako pumunta ng SG non. Pinakinggan niya lahat mga kwento ko at sympre sinulit ko ang lahat kasi private hospital yun at malaki ang ibabayad ko diba. So eto sinabi ng doctor sa akin.
*Pinaka una ang pagkain, lalo na yang manok. Kain pa kayo sa jollibee.Kasi po injectable ang manok na ginagamit dyan pero kung native chicken mas ok yun.
*Wag kayong magbuhat ng mga bagay na di niyo talaga kaya.Kasi pag gumamit kayo ng sobrang lakas mapupunta sa vagina or breast niyo ang CYST.
*Pwede din sa inheritance
Kaya akoy napaisip talaga non kasi ang takaw ko sa barbecue lalo na yung isaw. May dalawa din akong pinsan na namatay dahil sa cancer sa breast at ovary. Kaya kala ko din namana ko yun pero ang pwede din nmn sa pagkain or sa pagbubuhat ng mabibigat nong nasa SG ako lalo na yung washing machine na dapat pala lima kami magbubuhat non pero dalawa lang kami. Nilagnat kaya ako kinagabihan at iba ang washing don kesa sa pinas na sobrang gaan talaga. Hightech kasi yun in 1 hour siya na nagsasabon, nagbabanlaw at nagdry.Ang daming gamit na niligpit ko don mula sa damit,libro,laruan,sapatos,pang kusina pa. Kakapagod yun na part sa pagiging DH ko ang lipat bahay.
Kaya nagdecide ako magpa opera na lang talaga kasi di nalulusaw ang CYST dahil sa gamot.Puno ako ng kaba kasi 1st time ko mgpa opera sa tanang buhay ko at baka ikamatay ko pa. At alam niyo puro lalaki ang nasa operating room pero bakla ang isa. Sabi ko sa sarili nakakahiya naman pero no choice na talaga kaya laban lang.Ang pinsan ko pinapasok ng doctor at nagpaalam pinsan ko kung ba daw siya mgpicture while doing the operation at nag oo naman ang doctor.Yun na nagstart na ang operation at ginamitan ako ng anesthesia pero umabot ng 7 hours talaga kaya after 3 hours sabi ko "doc parang masakit na at matagal pa ba yan" sabi ni doc "konti na lang".Pero nagawa ko pa din magjoke non dahil sa takot ko talaga.Umabot sa 3rd degree ang paghiwa sa balat ko. Ganun kalalim at nong natanggal na ni doc sinabihan kung check mo doc baka meron pa naiwan. Sabi niya wala na talaga at nag iisa lang siya.
At last natapos din ang operation pero gabi na kami nakalabas ng pinsan ko.Natanggal ang cyst ko at kasing laki sya ng marble yung pangalawa sa pinakamaliit. Laki kaya at para siyang taba ng baboy at pina biopsy yun. Pinadala lang ni doc sa akin ang result. Ang saya ko kasi di siya CANCEROUS kaya laking pasalamat ko sa dios na binigyan pa ako ng chance na mabuhay kaya lahat iniwasan ko na lalo na sa pagkain. Parang sinumpa ko na yang manok na yan at di na rin ako nagbubuhat ng mabigat talaga kasi sumasakit kaya yung operasyon ko. Para lang akong CEASARIAN din na pag kumukulog at may kasamang kidlat aba kumikirot sya kaya nkahanda lagi ang tagapagtanggol kung EFFICASCENT oil.
TIPS NI DOC SA AKIN:
*Pag naliligo or nakahiga ka na ugaliin mong e massage ang breast mo tpos e angat isang kamay at kapain kung may tumubo ba. May cyst ksi na non functional yung hindi kumikirot at yun ang delikado kasi pag umatake mas malala pa yan sa functional na cyst.
Salamat po sa lahat ng nagtiyagang magbasa sa storya kung eto.Sanay alagaan niyo palagi ang katawan niyo lalo na sa mga babae.. God bless you all and keep safe always.
Jeansapphire39
Salamat naman sa Diyos at okay ka na. Parang hereditary naman ata yn. Ganun talaga ang mga doctors/nurses walang pinipiling kasarian hehe.