Bihira yata ako mag post ng tagalog article pero today nag decide ao na tagalog ang ipopost ko. Madami siguro magtataka at may mga magtatranslate pa nitong post ko or baka feeling ko lang naman na madaming interesado sa post ko hahaha. Anyways, napag isip ko na magkwento lang ngayon ng tungkol sa araw ko yesterday.
Active ako sa pagbabasa ng articles ng iba dito. Minsan nababasa ko pero di na ako nakakapag comment. Busy din kasi ako talaga kahapon, nagreview ako para sa training namin. May bago kasi kaming campaign sa pinagtatrabahuhan ko. Nagtrain kami for VA sa real estate na campaign. Ang dami ko natutunan sa training na yun tungkol sa real estate. Masaya naman siya. Natapos kami almost 6am na. Sanay naman ako sa puyat dahil sa trabaho ko kaya hindi naman ako masyadong nahirapan.
Kahapon, madami akong nabasang articles na tungkol sa wallet at funds dito sa Readcash. Naging trending talaga siya. Gumawa ako ng article tungkol dun bago ako matulog. Sana may mga natulungan ako mas maintindihan yung funds dito.
Oo nga pala, may kailangan pa akong isulat na karugtong nung fiction story na sinulat ko. Masaya ako kasi kahit bago pa lang ako sa pagsusulat, may naka appreciate na ng kwento ko. Nung una inisip ko, hindi kaya magulo yung pag kwento ko... Baka maguluhan sila. Baka hindi ko maportray yung mga characters ng maganda. Pero feeling ko naman maganda yung kinalabasan. Kaya go ako sa second part. Bale dalawa yun eh. Iniisip ko alin ang uunahin ko. Nag iisip din ako ng magandang ending eh ahhaha...
Dahil may nagkagusto sa story telling ko sa English inisip ko gumawa naman ng kwento din na tagalog. Naisip ko na dati pero inisip ko kasi baka mas madaming mag engage kapag English kasi universal yung language. Kapag tagalog kasi syempre limited yung audience ko. Hindi naman sa minamaliit ko ang sarili kong wika. Hindi yun ang ibig kong sabihin. Ang iniisip ko kasi syempre may audience din dito from other countries and alam naman natin na kapag hindi alam ng reader ang language, syempre hindi siya makakarelate. At hindi niya babasahin syempre di naman niya maiintindihan. Not unless itranslate niya dba. Pero naisip ko din na para sa mga supporters ko na pinoy, gagawa din ako ng story na pwedeng mas mag enjoy sila. Yung bang mas mafefeel nila yung emotions sa story kasi intinding intindi nila. Gets na gets nila kumbaga.
So ayun lang, medyo mahaba na ata. Masaya ako na may mga supporters ako dito. May mga subscribers ako na naniniwala sa kakayahan ko at mga interesado sa mga sinusulat ako. Minsan nga feeling ko interesado din yung iba kung sino ba ako sa totoong buhay. I mean kung ano bang klaseng tao ako. Kung gusto niyo malaman, mag comment kayo sa baba. Susubukan ko ipakilala ang sarili ko sa abot ng kaya ko sa isang tagalog na article. :) kung gusto niyo lang naman haha. Feelingera nanaman ang lola niyo. Anyways, yun lang. Thanks sa mga supporters ko, sa mga sponsors ko at sa lahat ng naniniwala sa akin.
Much love (pano ba ito tagalugin haha)
Jdine
Wala ako maisip na title. Tulungan niyo naman ako oh para maedit ko title nito hahaha
👍👍