hashtag walang forever

7 24

Uso yan sa mga hugot posts. Walang forever. Sinusundan pa nga yan minsan ng 'sana all'. Madalas din yan gawing biro lalo na kapag kunwaring pa-bitter ang kaibigan mo.

Kung ang definition g forever sa iyo is for the rest of your days, aba may forever. Kasi habang nabubuhay kayo eh. Possible naman yun na magmahalan pa din kayo habang nabubuhay kayo. MAdami naman magpapatunay jan. Pero kung ang ibig sabihin mo eh yung eternally yung hanggang sa dulo ng walang hanggang ika nga, mejo walang forever nga naman. ultimo ang stars, literally stars, kahit gaano pa sila katagal sa universe, eventually, they die. Ang mga gamit, kahit gaano mo alagaan, nasisira at naisira yan sa paglipas ng panahon.

Pero pasa sa nagmamahalan ng dalawang tao, kapag totoo yun, magmamahalan sila hanggang sa kamatayan nila. Kahit pa sa susunod na buhay nila yung dalawang souls na yun ang makikita ulit. kaya may forever.

Nakakalito na ha. so anu ba talaga? may forever ba o walang forever?

2
$ 0.00
Sponsors of Jdine
empty
empty
empty

Comments

Akoy taliwas sa iyo dito ng konti dahil kabaliktaran sakin. Para sakin dito sa buhay na eto walang forever per sa kabilang buhay merun. Alam naman natin na ang buhay natin dito sa ibabaw ng lupa ay pansamantala lamang. Walang panghabang buhay na buhay dito sa ibabaw.

Ang totoong kahulugan ng forever ay pag ma tapos ng iyong buhay. ang buhay pagkatapos ng buhay natin dito dun palang mag sisimula. Kaya nga ang sabi gumawa at mag tanim ng mabuting buto dito dahil iyong aanihin ito sa kabilang buhay.

The life hereafter is enternal. Ngayon mag sasama kayo ng habang buhay depende kung parihas kayo maoupunta sa hell fire or Heaven.

$ 0.00
3 years ago

ay grabe ang lalim haha. tama ka naman. pero sabi ko nga kung kahulugan mo sa forever eh yung pagsasama habang nabubuhay kayo, posible naman na may forever hehe..

$ 0.00
3 years ago

Huli man at magaling naihahabol din 🤣🤣🤣 late comment 2 wk napala eto. Nadaan e hahhha

$ 0.00
3 years ago

Haha..syempre may forever. Depende naman yan sa mag asawa if gusto nilang forever na pagsasama. Kai God syempre may forever.

$ 0.00
3 years ago

Amen! haha.. Ako din naniniwala ako sa forever. Sana si forever naniniwala din wahahaha...

$ 0.00
3 years ago

Basta para sa akin kay Lord lang may forever. Kasi kung aasa tayo ng forever sa tao masasaktan talaga tayo.

$ 0.00
3 years ago

ay ay ay gusto ko to. tama yan sis! yun ang tunay na forever.. walang hanggan...

$ 0.00
3 years ago