Hanging Coffins, Sagada

0 535
Avatar for Jdine
Written by
4 years ago

Ang Hanging Coffins, Sagada ay matatagpuan sa Echo Valley sa Sagada,Mountain Province. Ito ay isang tradisyunal na paglilibing ng mga katutubo dahil naniniwala sila na mas malapit na ang mga yumao nilang mahal sa buhay sa langit. Pero hindi lahat ay nabibigyan ng ganyang prebelihiyo. Ang isang namatay umano ay dapat may asawa, anak at apo. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagsabit ng kabaong sa cliff (sorry di ko alam sa tagalog ang cliff, bangin yata) or sa loob ng kweba. Basta mas mataas ang pagkakasabit, mas malaki ang tiyansa na mapalapit sa langit, yun daw ang paniniwala nila.

Bago ka akarating sa hanging coffins, kailangan mo ng lakas para sa paakyat sa bundok. Mga mayayaman o kialalang mga katutubo ang pinapahintulutan lamang sa Echo Valley na pinaka nakikita or yung sa mga commercialized viewing. Hindi pwedeng hawakan o maglakad sa ilalim ng mga coffins. Kailangan mo ng binoculars o kaya phone na maganda ang camera para maizoom mo ang mga ito. Mas mainam din na may tour guide ka para mas malaman mo ang history nito at kung anu ano pa ang magagandang gawin dito sa part na ito ng Sagada. Hindi din pwedeng mag ingay dito para sa respeto para sa mga yumao na. Mula sa paghike mo pataas kailangan mo ulit bumaba para mas makita mo ang hanging coffins ng mas malapitan. Kasama mo ang tour guide mo.

Paalala lang po na ito ay sementeryo at ito ay tradisyunal na paglilibing ng mga katutubo. Respeto po ay kailangan para po sa mga yumao na mga katutubo at mainam na may tourguide para po mas mapadali ang pagpasyal niyo sa lugar na ito at para po mapaalalahanan kayo ng mga pwede at hindi pwedeng gawin dito. Asahan po na mahihirapan sa pag akyat at pagbaba para mas mapalapit sa mga coffins. At asahan po na makakakita ng mga coffins na nasa loob ng kweba at maaari din po kayo makakita ng mga skeleton. Pero harmless naman po sila basta kailangan lang po nila ang respeto ng bawat isa. :)

1
$ 0.00
Sponsors of Jdine
empty
empty
empty

Comments

Ngayon ko lang nalaman na may ganyan pa lang sementeryo ng mga katutubo at may parang tradisyon rin pala sila nang pag lilibing. Masarap siguro pumunta dyan parang hiking na rin kasi mataas or matarik yung aakyatin diba hehe kailangan ng lakas eh.

$ 0.00
4 years ago

oo hiking siya besh. mahirap siya akyatin lalo na pag katulad kong chubby haha. pero wirth it naman siya :)

$ 0.00
4 years ago