Unwind

13 28
Avatar for Jay997
Written by
2 years ago

Magandang bati sa inyong lahat aking mga kaibigan.kumusta po kayo?ako naman po ay okey lang ngayong weekend na ito pag Friday kasi ay weekend na dito sa middle east. Kaya pag weekend ay wala akong gaano na work kasi wala din pasok ang aking mga employers at mga alaga. Kaya kahit wala man akong day off ay kahit paano nakakapag pahinga at nakakapasyal din naman kasama nila.

Kanina maaga pa kaming umalis mga 1 pm pa lang ay umalis na kami.di kagaya ng mga nagsilipas na weekend na hapon na kami naalis.ngayon medyo maaga kasi madami kaming pupuntahan.unang destination bumili ng blanket ng aking alagang binata kasi nga tag lamig na gusto niya ay bagong blanket ang kanyang gagamitin.kaya nag punta kami ng Kuwait city doon sa mubarakia madami doon bilihin at mura kaysa sa mall doon puede tumawad pa baratan .kaya sila lang ang bumaba at naiwan kami sa sasakyan ng aking mga kambal na alaga.kinuhaan ko lang ng photo habang kami ay nasa loob ng sasakyan.

Blanket shop

Matapos na sila bumili doon naman kami pumunta sa mall sa center point. Namili din sila ng admit pang winter ng aking mga alaga .ang gaganda ng mga admit kaya labg sobrang mamahal naman kaya habang nag hahanap silq ng mabibili ay busy din naman ako sa pa tingin tingin ng mga admit at jacket balak ko na din sana bumili ng Jacket kaya lang sibrang mahal naman halos abutin din ng 30$ tapos ang papangit pa kaya Di ako pumili.sabi ko marami pa naman akong mga lumang jacket puede na yon mag hanapna lang ako ng mga t-shirt. At naka kita ako ng polo shirt kaya sabi ko ito na along siguro ang sa akin dating 3kd tapos nag sale ng 1.900kd dating tang 10$ naging 6$ na lang siya kumuha ako ng dalawa tapos sabi ng amo ko dagdagan ko pa daw ng isa at siya na ang bahalqng mag bayad . Aba nga e Di ba ka swerte at siya ang mag babayad ang plan ko talaga ako Yong mag bayad at may pera naman ako .kaya ayong nalibre at nag pasalamat naman ako.

I take photo from the shop

At nang makatapos na kaming mamili ay pumunta naman kami sa restaurant para mananghalian.doon kami kumain sa IRAQI CUISINE RESTAURANT ang sarap ng kanilang food sari sari at maganda din qng place doon kame sa labas umupo para ma feel mo Yong ganda ng panahon kasi malamig na weather. Maganda din Yong serbisyo nila ma enjoy mo talaga Yong pagkain at lugar pati mga bata ay enjoy kasi nakapag laro din sila kahit paano.

The food
The iraqi restaurant
Me with the palm tree

At pag katapos namin kumain ay nag aya pa ang amo ko na mag ikot ikot daw muna kame kasi nga malamig ang panahon habang sakay lang kame sa sasakyan oumunta sa ibang lugar ,nag survey kung saqn namqn may mga bagong lugar na puede na mapuntahan .kasi this week pauwi ang aking alagang dalaga na nag aarql sa Malaysia ng college mag babakasyon siya dito sa Kuwait kaya nag hanap ng place ang amo ko na puede naming galaan sa susunod.at dahil nga busog na busog tqpis malamig ang panahon relax na relax ka sa pag kakaupo sa sasakyan tapos may music pa halos lahat kami ay nakatulog sa biyahe nang pauwi na kame .ang amo ko lamang na lalaki ang gising at sapagkat siya ang driver.

Maraming salamat po sa inyo pag babasa at sa aking mga sponsors hanggang dito na lang po muna.

#55

10:02 pm Kuwait

November 19 2021

Love

Jay997

7
$ 2.14
$ 1.89 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @Ling01
+ 5
Sponsors of Jay997
empty
empty
empty
Avatar for Jay997
Written by
2 years ago

Comments

Mabuti nalng Sis may photos, feel na feel ko din yung gala ninyo hahha Na curious tuloy ako sa itsura ng mga alaga mo, but I know di pwede ma share dito haha

$ 0.01
2 years ago

Kaya nga sis mabuti na lang may mga kuha kahit saan ako mag punta,may photo ako minsan na na upload kasama sila

$ 0.00
2 years ago

I want some new clothes too! You're all in motion and enjoying life, stay always so positive))

$ 0.01
2 years ago

The picture of food that I can smell hahaha.

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago

Mukhang simple lang amo sis itong amo ko feeling sosyal masyado, never talaga bumibili sa mubarakiya kailangan talaga yung mga branded, no wonder walang husband nagatatagal sa sobrang ka artehan. Hindi naman sa nangingialam ako pero sobrang kaartihan talaga.

$ 0.01
2 years ago

Naku sobra naman yan siya mapera kasi pero mukhang Di naman siya enjoy kasi mukhang Di din niya alam kung anong gusto niya

$ 0.00
2 years ago

Gala time na nmn sis hehehe. Gnayan din mga amo ko non at ako napapagod then napupuyat pa ako ksi manonood pa ng sine. Pero nakakamis din mgtrbho ng malayo at kahit mahirap at least may salary diba.

$ 0.01
2 years ago

Kaya nga sis akin na lang ini enjoy,oo Yong sahod lang tala ang pinaka importante

$ 0.00
2 years ago

Dapat enjoy mo n lng para di mo maramdaman ang homesick din at mabilis ang araw diba. See december na soon.

$ 0.00
2 years ago

Kung hndi lang masyadong nakakapagod ang trabaho jan sa Kuwait gusto ko ulit bumalik jan kaso ang hirap jan eh, ang lalaki pa ng bahay

$ 0.01
2 years ago

Kung makatapat ka talaga sa Kuwaiti sure na yan na maraming work at malalaki ang bahay

$ 0.00
2 years ago

Abot tenga naman ang ngiti sis eh..ayiee

$ 0.01
2 years ago

Ayboo sis as in happy

$ 0.00
2 years ago