Lingunin ang nakalipas para bumalik ang alaala,di ko inaasahan na sa loob ng labing tatlong taon ay masusundan pa ulit ang aking anak, mula pag kaanak ko sa aking panganay ay gumamit na agad kame ng contraceptives para di masundan agad ang aming anak, at talaga naman ang hirap ko mag buntis at talagang mahirap manganak kaya sa sobrang takot na masundan agad.
Pero noong lumalaki na Yong aming anak ay nag decision na kaming Sundan na kasi nga nakakaawa naman at walang makalaro,pero lumipas ang mga taon talaga parang wala ng pag asa .
Pero isang umaga sobrang sakit ng aking ulo mga naranasan na sakit .hanggang sa naalala ko na delay na yata ako .at para makasigurado eh nag pregnancy test ako .at talagang di kami halos makapaniwala ng aking asawa sa loob ng 13yrs. Eh masusundan pa ulit .
Nag pa check up na ako at sabi ng doctor ay masilan ang aking oag bubuntis sapagkat matagal bago nasundan grabing mga pampakapit na gamot ang aking ininom halos ilang buwan din , bumalik ako sa uno kung gaano kahirap sa una ay mas mahirap ang pag lilies ko sa pangalawa,namaga din mga paa ko noon lalo ja ng malapit na ako umanak,
Ang mas mahirap pa ay suhi daw ang bata noong nag pitong buwan.kaya ipinahilot ko para umayos ng pwesto Yong bata,tapos nag pa ultrasound ako ulit bago mag 9 months para malaman kung okey na ang kanya na pwesto ,pero ang nakita eh kulang na sa tubig konti na lang ang natira eh di ko pa kabubuwanan 2 weeks pa bago siya dapat lumabas,
Ang aking due date eh daoat November 3 pero October 15 pa lang sabi ng doctor kailangan daw ako e refer sa District hospital sa cesarean kasi nga daw baka Di ko kayanin.pag kahapon ng araw na ayon eh agad kami nag gayak ng mga gamit papunta ng Bacolod City para doon ako umanak sa District hospital, oero walq naman akong nararamdaman na kahit ma anong sakit.
Kaya pumunta muna kame ng clinic para mag pa ultra sound kasi ayaw ko pa talaga ilabas ang baby ko kasi nga kulang pa sa araw tapos ipinabasa ko talaga sa doctor Yong result kasi nga ang kanyang head ay di pa talaga totally matigas yon ang sabi noong unang doctor,pero sabi naman noong isa na doctor okey lang daw yon puede na daw .
Tapos noong chenek up ay talagang malapit na daw kasi nga open na ang sipitsipitan. Kaya nag punta na kame sa District hospital pumasok ako ng hospital ng October 16 ng tanghali noong gabi ay tinurukan na ako ng pampahilab ,pero sasakit titigil lang naman siya ,tapos bumaba pa ang heart breath kailangan na naman akong kabitan ng oxygen para maging normal ang heart breath ng baby, taas din ang aking BP dahil sa takot.ipinasok ako ng emergency room ng 6 am ,grabe talaga Yong pag pray ko na maging normal lang ang aking panganganak .at kinausqp ko ang aking baby na lumabas na siya .
Nakakatuwa lang kasi Yong doctor na nag papaanak ay medyo kumedyante .at tuwang tuwa din siya ng nalaman niya na after 13 yrs. Ay nailabas ko ng normal ang aking anak.at talagang akoy kanyang binati pati ng mga nurse.
At ayon tuwang tuwa ang lahat ng aming pamilya kasi muling nagkabata sa aming tahanan,at malaki ang pag papasamalat namin kay Lord at muli kaming biniyayaan ng anak,napakalaking blessings ang magkaroon ng anak.at ngayon siya ay 9 na taong gulang na parang kailan lang at ngayon siya ay malaki na
Grade 3 na siya ngayon at loving na makulit ang aming bunso .
Ito po Yong aking challenge accepted @Momentswithmatti tinagalog ko na lang po para mas feel di nga lang sa unang pregnancy maraming salamat
Kayo po anong experience nyo mga mommy or daddy halina at ibahagi nyo na.
DECEMBER 6 2021
12:27 AM KUWAIT
LOVE
JAY997
hi mommy..sorry natagalan ang akng comment but ang saya naman after 13 years noh? grabe.. sabi nga nla dapat daw if plan namin na sundan eh sundan na agad kasi mahirap daw nga pag natagalan pero sabi nga ninyu mahirap din na masundan agad.. kaya ganyan din ginagawa namin ni hubby, nagcontraceptives muna... ang saya lang siguro nung nalaman nyu na nabuntis ulit..yey..salamat sa pag join mommy!