Sunday gala
February 27 2022
7:27 pm Kuwait
Maligayang araw ng Linggo sa inyo.dahil holiday pa din dito asahan na di talaga matatali sa bahay ang aking mga amo at alaga.
Pag kasabi ng aking amo na mag bihis kayo at tayo ay may pupuntahan,so nag palit agad kaming tatlo ng alaga ko ng damit pang lakad.
Napaka ganda ng panahon kasi Di na malamig at Di din mainiit kaya feel mo talaga gumala Di masakit sa ulo.at doon kame nakaabot sa Marina mall.para mamili ng gamit ng aking mga alaga at amo sa kanilang swimming lesson oo kasali din doon ang amo ko para mamayat sobra kasing taba kaya tatlo sila na aking binabantayan .ang sarap sana mamimili kaya lang ang mamahal ng presyo.pero sa kanila okey lang kasi marami naman silang pera.pero ako nanghihinayang gumastos.kaya hanggang window shopping na lang muna ako.at saka Di ko din naman kailangan ang mga ayan.
May nagustuhan sana ako na watch water proof siya kaya lang may kamahalan tapos Di ko din naman maisusuot palagi.naisip ko nga na ang isa ko pang relo ay nasa bag ko lang at Di naman naisusuot medyo nagandahan lang ako,kaya deadma ko na lang siya kasi tag 6kd sayang nasa 1k din yon.
Marami silang nabili mga goggles at support at swimsuit kasi nag palit na sila at nag rereklamo na ang alaga ko na maliit na daw sa kanila. Kaya binilhan na lang din sila ng tatay nila .
At habang nag iikot ikot kame sa shop kasi ,puro pang sport siya may mga pang exercise ang mga alaga ko ay nag sipag laro muna.ito sana Yong masarap gamitin para mag papayat pero grabe ka mahal.try ko nga gamitin Yong para ka lang nag lalakad.pero sa may mga pera lang yon,Yong kayang mag bayad pang gym kaya mag walking na lang ako dito sa amin wala pang bayad hehhe.pero ang sarap niya gamitin kasi may nakalagay kung ilang kilometro na ba Yong nalakad monat ilang calories Yong nawala sayo.basta ganyon yon heheh.at least naka try ako haha
Nag ikot ikot pa din kami sa mall hanggang nakakita ng tindahan ng popcorn pinilhan kame ng amo ko.masarap siya kasi Di siya kagaya ng popcorn na niluluto ko sa bahay.may flavor ibat iba ang aming pinili ay popcorn caramel with nuts.sarap niya sure na magugustuhan nyo din siya.tapos pauwi na sana kame sa aming bahay kaya lang dumaan pa sa Park pero katabi lang ito ng building na aming tinitirahan.
Nag laro pa ang dalawang bata syempre kasama ako taga bantay alam nyo nan ang papel ng yaya kahit malalaki na yang mga ayan ay binabantayan ko pa din kasi minsan makulit at napapaway or inaaway.kanina nga eh naawa ako doon sa batang babae maliit pa siya siguro mga 3 taon pa lang.noong nag slide siya nasundan naman ng alaga kung lalaki eh medyo mataba nadag anan ng aking alaga .grabe ang iyak ng bata kaya aking itinayo hawak hawak niya Yong braso niya sige siya iyak medyo aking iginalaw galaw Yong braso niya kasi para talagang nabalian tapos ibinigay ko doon sa nanay.walang tigil ng iyak Yong bata kaya sabi ko sa nanay mas mabuti na ipa xray niya pasa sigurado.naawa talaga ako Di ko naman masisi ang alaga ko kasi nag lalaro sila .pero pinag sabihan ko siya na mag dahan dahan pag may mga maliit na bata hanggang umuwi na Yong mag iina at punta daw sila ng hospital para patingnan ang bata.ang accidents talaga minsan Di mo inaasahan na darating.
====
May isa pa pala akong e share pag open ko sa aking opensea meron akong bagong Nft ewan kung saan galing nakita ko lang siya sa hide matagal nq akong di nakaka pag twitter or baka galing siguito sa cryptobasurero last week na nag bigay ako ng aking Wallet address. minsan mas okey pa nga sa page mag lapag ng wallet naka apat ja ako dito sa page.
Parang ang dami ko ng kwento pasensiya na po sa aking boring na article .Maraming salamat po sa pag basa.
All the photos are mine.
Love
Jay997
Ganyan din aq dati, kapag isama aq ng amo ko hanggang window shopping lang talaga kasi ang mamahal subra,ahehe.