Simbang gabi

17 49
Avatar for Jay997
Written by
2 years ago

Simula na ng simbang gabi naalala ko noong maliliit pa kami. Maaga pa kaming gumigising parang mga 3 am pupunta na kami ng simbahan buong pamilya kahit na sobrang lamig nag lalakad lang kame papunta sa simbahan doon sa aming baranggay.

Bago pa kami dumating sa simbahan maririnig mo na ang tunog ng kampana tapos marami ng tayo na naglalakad sa kalsada papunta ng simbahan bata man o matanda kalimitan buong pamilya.ay samasama na nanalangin.

Ang simbahan ay halos mapuno ng mga taong nag sisimba .kaya mas maganda na maaga pumunta para makaupo kasi kung late na tindig na lang doon sa likod.

Doon ko talaga naramdaman Yong huong pamilya kayo na nag sisimba napakasaya ng mga panahon na ayon.pagkatapos magsimba lakad ulit pauwi at dadaan muna doon sa nag tititinda ng bibingka at puto bongbong talagang nakakamis ang ganitong mga kaugalian.

This the way how to cook the bibingka

Minsan nga nakikiluto pa ako sa bibingka Yong lalagyan mo ng baga Yong ibabaw tapos guguntingin mo pa Yong dahon pagkahango ng bibingka sa lutuan at mamimili pa ng malaki hahahah tapos lalagyan ng star margarine sa ibabaw ayon na qng aming almusal.tapos mag kuluto na si inay ng kapeng barako habang si tatay naman ay nag sisiga ng apoy kasi nga sobrang lamig nasa palibot kami ng apoy.

Ang sarap alalalalahanin ng mga nakalipas walang ng sasaya noon ikumpara sa ngayon noon simpleng buhay masaya na.naalala ko pa ang aming tiya ay nag luluto ng bibingka pag walang pasok kame ay nangunguha ng bunot sa niyugan at ibenebenta sa kanya kung makailang sako ka ay kanyang babayaran.minsan bibingka na din Yong kanyang ibinabayad.

Pero noong mga dalaga at binata iba ang simbang gabi ay naging simbang date na sa iba kala mo eh nag sisimba yon pala ay nag liligawan na haha deretso na sa plaza at namamasyal na .nakakatuwa lang talagang balikan ang lumipas.

Naalaala ko noon Christmas eve 1994 nanalagin talaga ako ng taimtim kay Papa Jesus na kung sino man ang lalaki na ibibigay niya sa akin ay aking tatangapin,tapos ayon nga pag ka 1995 kalaghatian ng taon eh dumating ang naging asawa ko siya Yong answer prayer ko.ng simbang gabi ko siya hiniling.kasi ang sabi nila basta taimtim ang iyong panalangin ay kanyang ibibigay.

Kayo anong karanasan ninyo sa simbang gabi?e share nyo na kung anong karanasan nyo noong mga bata pa kayo hanggang sa lumaki na kayo ngayon ba ginagawa nyo pa din yon?ako hindi na kasi nag convert ako sa born again.kaya hanggang alalaala na lang ngayon.

Ano man ang ating religion basta nasa puso natin ang Panginoon ang diwa ng Pasko ay ating mararamdaman magbigayan at mag patawaran magmahalan ayan ang diwa ng Pasko.

All the images from Facebook

Advance Merry Christmas sa inyong lahat .at salamat sa aking mga sponsors at upvoters.

Thanks to you @TheRandomRewarder Rusty Advance Merry Christmas to you

#76

December 15 2021

9:08 pm

Kuwait

Love

Jay997

10
$ 0.96
$ 0.82 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Sweetiepie
$ 0.02 from @Khing14
+ 5
Sponsors of Jay997
empty
empty
empty
Avatar for Jay997
Written by
2 years ago

Comments

Ako solo lang lagi magsimba hehe nakikita ko nga yung mga kabataan nagliligawan ri naman nakikinig sa misa 🤦🏻‍♀️😂

$ 0.01
2 years ago

Kaya nga kunwari simba pero simbang date pala

$ 0.00
2 years ago

Ang bata ko pa nung na meet mo yung asawa mo sis, hehe, two years old pa ako...Yung simbang gabi naalala ko yung pagkain talaga yung hinintay ko, haha, bad ko no? Pagkatapos kasi ng misa May ibibigay na libreng pagkain, hehe

$ 0.01
2 years ago

Ay maliit pa lang kayo ng nag meet kayo ako 18. Oo nga meron pa kain minsan

$ 0.00
2 years ago

Hehe kaya nga sis, gising na gising yung diwa ko lalo na yung tiya ko bibili talaga yan ng pagkain pagkatapos magsimba

$ 0.00
2 years ago

Last time nakumpleto ko ang simbang gabi, ngayon mukhang hindi kasi may pupuntahan kami b4 pasko

$ 0.01
2 years ago

Ay sayang pero OK lang madami pang mga simbang kame na darating

$ 0.00
2 years ago

Opo, bawi ako nexttime kapag hindi kami magpapasko sa ibang lugar

$ 0.00
2 years ago

Nakakamiss po talagang gumala tapos magsimbang gabi tapos kakain ng suman hahaha. Iba na kasi ngayon eh nagsisimba nlng sila para makaporma tapos makagala kasama mga jowa nila.

$ 0.01
2 years ago

Totoo yan kalimitan ngayon eh simbang gala na lang simbang date hahah

$ 0.00
2 years ago

Nkakamiss tlga ang ganitong pamamaraan sis na simply lng ang lahat bsta msaya lng ang buong pamilya ay sapat na.

$ 0.01
2 years ago

Ay oo sis doon ko lang halos naranasan na magkakasamq kahit ang ama

$ 0.00
2 years ago

Nakakatawa..sumasama lang ako sa simbang gabi dati para pag uwi makakain ng mga tindang kakanin , etc..hahahaha

$ 0.01
2 years ago

Oo kasi andon lang sa may gil8d ng kalsada ang mga kakainin

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga sis..hehe

$ 0.00
2 years ago

Tara nat magsimba hehe

$ 0.01
2 years ago

Hindi na makasimba sis hanggang alaala na lqng talaga now

$ 0.00
2 years ago