Para sa mag partner
Kapagmay asawa kana huwag kalimutan ang mga advices na ito.
Marami kang gagawin at isa sakripisyo na di mo agad agad makikita ang pakinabang , marami yan pero darating ang araw na makikita mo.
Ang isa sa secreto ng mahabang pag sasama ay ang Alone time nyo para sa isat isa. Yong kayo lang exclusive lang sa inyo, kung wala kayo nito umpisahan na.
Irespeto ang asawa mo hindi lang sa salita, mas maganda sa gawa at hayaang makita ng lahat ng tao sa paligid mo, kahit sa mga kaibigan ipakita mo na may respect ka sa asawa mo.
Huwag hayaang mawala ang communication ninyong dalawa napaka importate nito sa isang mag asawa. Kapag di siya maintindihan bigyan siya ng oras para ipaliwanag ang sarili niya.
Matutong makipag usap oo kailangan pag aralan mo ito. Unique ito sa bawat mag asawa, meron kayong communication na kayo lang ang nag kakaintindihan.
Dapat merong kayong mga bagay na gusto ninyo parehas, Yong enjoy kayong pareho at excited kung gagawin. Kahit pag kain o lugar na pupuntahan nyo. dapat may pareho kayong gusto.
Kung noong single ka pa mapag tanim ka ng sama ng loob at hindi madaling magpatawad, iba na kapag may asawa kana. Uulitin ko iba na ang sitwasyon, kung may asawa kana.
Alagaan ang bawat isa isipin ang kapakanan ng bawat isa palagi, tingnan palagi ang ika bubuti ng isn't isa.
Laging isipin na pag bigyan siya ng isa pa, pero maging malinaw kung hanggang saan, again, pagbigyan pero dapat may pupuntahan ang bawat gagawin.
Kung may pag tatalo laging makipagusap ng may respeto. Puedeng makipag away o makipag diskusyon o ilaban ang reason mo, ng walang bastusan.
Sa pag aaway tandaan nag uusap pa din kayo iba nga lang ang tono, ang mga away na ito ay adjustment na ikagaganda ng pag sasama, lahat naman ng mag asawa ay dumadaan dyan.
Huwag hayaang maging malaking issue ang pera, halos lahat na mag asawa dyan ang pinanggagalingan ng problema, maging sensitibo at malinaw pag pera ang pinag uusapan.
Tandaan ang asawa mo ay kakampi mo at all times, sa lahat ng oras sa lahat ng pag kakataon, sa lahat ng pag uusap kaya importate na nag kakaintindihan kayo.
Listening is the beginning of understanding, laging isaisip ang linyang ito dahil malaki , malaki ang maitutulong nito kapag na I aplay mo o nyo sa inyong pag sasama.
Kapag may napansing mali pag usapan agad at huwag mag ipon ng kasalanan niya na para bang gagawin mong Bala or granada na pag feeling mo siya ang tama.
At kapag may nag kamali matutong mag patawad walang perpek na relasyon,pero kung marunong mag patawaran tatagal ang pag sasama, langing ipa gitna ang Diyos sa inyong buhay. sigurado na walang pamilya na masisira.
#175
May 4 2022
10:00 pm
Kuwait
Tama ka dyn sis,tinamaan ako doon sa kung noong single pa ako mapagtanim ng sama ng loob pero ngayon hindi na hehehe,kahit mali ko o mali ng asawa ko baliwala nalang basta makapg usap at magkaayos lang agad