Pakikipag usap sa aking mga Amo
Naka bangit ako sa isa sa aking artikolo na malapit na akong umuwi.ngayong katapusan ng mayo pero ayon ay naka depende pa sa araw ng graduation ng aking anak ,at ang plano nila ay hintayin ako sa aking bakasyon at saka kami uuwi sa Egypt.
Isang hapon nag usap kame ng aking among babae.nag sabi sa akin ang anak ko na July 28 ang Graduation pero tentative pa yon puede pa ma bago.
Me: Madam the graduation of my daughter maybe July 28 pero di pa din sigurado puedeng mapaaga pa or ma late.
Madam: Mag advance Celebration na lang kayo isuot na ang mga damit nyo at mag pictures pictures sa school.
Nag init ang aking tainga pag kasabi niya ng ganon.
Me : Ha mag picture pictures di na puede yang ganyan , alam mo naman na importante na araw tapos pa pag advance celebration mo kami .alam mo naman na ang tagal ko itong hinintay. At saka one week bago ako mag flight ay uuwi ako sa aking ina sa laguna.
Madam: Doon ka muna tumuloy sa iyong ina pag uwi mo huwag ka muna umuwi sa inyo or sa kalagitnaan ng iyong bakasyon eh umuwi ka sa laguna.
Me: Madam mahirap umuwi ng mag papa balik balik pa ako sa airport masyadong malayo at malaki ang pamasahe.kaya ako eh nauwi bago ako bumalik sa Kuwait para one way ticket na lng kailangan na gamitin. uuwi ako ng kalagitnaan ng June at babalik ako ng second week of August.
Madam: Naku hindi puede at maglilipat ng bahay ,wala akong makakatulong sa pag iimpaki ng mga gamit.
Nag papagawa kasi sila.ng bahay kaya gusto niya ako kasama umuwi.gusto nilang uwi ay August at babalik ng September tapos open na ng klase ng mga bata.
Me: e di umuwi tayo ng maaga sa inyo mga June Hanggang July tapos saka ako uuwi sa pinas.
Di siya pumayag kasi June July di pa daw tapos ang bahay mga August pa daw.
Kinabukasan tumawag ang anak ko,Ma July 30 ang date ng graduation nag labas na ng memo ang University nila.
Nag kausap din kame ng asawa ko at sinabi ko nga ang kanilang gusto na mangyayari.na mag advance celebrations nanlamqng at mag picture pictures. Nagalit ang asawa ko at nag sabi na huwag ako humingi ng 2 way na ticket sabihan mo sila nq isang ticket lang ang bilhin sayo mag sasabi kana lang kung kailan ka babalik.halos buong buhay mo andiyan ka ito lang bakasyon na ito di ka nila mapagbigyan.
Noong gabi na ayon tinawag ako ng mag asawa kung amo nag uusap pala sila about sa date ng graduation ng aking anak pero di pa nila alam na naging July 30.
Sir, Aireen uwi ka ng kalagitnaan ng bakasyon mo sa kqguna tapos bumalik ka sa inyo para maka attend ka ng graduation ng anak mo.at ng makabalik ka ng July 31 .
Me: naiba ang Araw ng graduation ginawang July 30 .
Madam: nag luluko ka Aireen
Me: hindi kita niloloko gusto mo ipakita ko sayo ang post ng kanilang teacher.
Sir. Kailan ka makakabalik(galit na)
Me: Second week of August ako babalik uuwi ako ng second week of July .
Di na kame magkaintindihan kanya kanya ng salita .nag sasalita din ako .sabi ng amo ko kesyo di na daw makaka punta ng Egypt pag ganon ang balik ko.
Sabi ko bakit baga kailangan nyo pa akong isama .ang ibili nyo ng ticket sa akin ibayad nyo na lang sa iba kumuha kayo doon ng kababayan nyo na tutulong sa inyo,ayaw nila kasi Di daw mapagkatiwalaan,sagot ko kababayan nyo na bakit Di mapagkatiwalaan.
Hanggang sa sinabi ko na nagagalit na nga ang asawa ko na halos buong buhay ko dito na ako sa inyo di makapag bakasyon ng mga mahahalagang okay on ito lang di nyo pa mapag bigyan.gusto niya isang ticket lang ang kuhain ko.doon pa lang sila tumigil na himasmasan.
Di na nila ako is isasama uuwi sila ng di ako kasama babalik ako kung kailan sila uuwi. Ayon ang aming close na usapan.
Maraming salamat sa pag basa hanggang sa muli.
Blog #167 April 14 2022
12:45 am Kuwait
Mabuti po at naging maayos po ang sitwasyon Sa bandang huli malungkot lang po cla at aalis kanapo. God bless po sis