Kumusta mga kapamilya read.cash mga kapuwa ko manunulat at mangbabasa ?
Iba nga naman kung may digital wallet Tayo.
Sisimulan ko ang aking kwento , kahapon ng hapon bago kame umalis papunta sa galaan ng aking mga amo may na receive aKong isang chat galing sa aking pinsan.kme nga po palang mag pipinsan ay may isang group chat na Ang pangalan ay Apo ni edad. Ibig sabihin ay kame yong mga apo ng aming Lola edad.
Di ko po ito ginawan ng article para lamang ako ay makapang yabang, Ang totoo po nito ay ayaw ko sabihin sa aking mga pinsan o kapatid pero nalaman din nilà . Kaya akin na din lamang ibabahagi sa inyo.
Nag chat nga po yong aking pinsan kahapon sa akin at ang sabi niya ay may tiyuhin kame na nahingi ng tulong .at narecieve ko yon habang ako ay namamalansa kahapon ng aming isusuot na damit, sabi ko naman agad sa isip ko mabuti na laang at nakapag convert ako kahapon ng Umaga noong mataas ang bch.
Sagot ko sa pinsan ko bakit napaano si tiyo? Ayon nga daw masama nga daw Ang pakiramdam ? Hihingi nga daw ng tulong sa kanyang nga pamangkin.ang aming tiyo na ayong ay kahit na pasaway ay aming mahal na mag pipinsan .Ang sagot ko naman sige salamt ate sa iyong PAg chat e chat ko na lamang Ang kanyang anak, nag chat agad naman akon anak ng tiyuhin ko ,at tinanong ko kung kumusta ang kanyang ama.
Ayon nga daw at Hindi nga daw napagkakatulog mga ilang Linggo na at masama nga daw Ang pakiramdam,sabi ko ay ibigay Ang kumpleto niya na name at address at siya papadalahan ko kahit kaunti, ay ang sagot sa akin ay malayo Nan daw siya ngayon sa kanyàng mga magulang at Doon na sila nakatira sa pamilya ng Asawa niya.ay Ang sabi ko baka may gcash ka na diyan meron daw , mabuti na laang at meron ,kanyà na lamang daw ipapasa doon sa kàpit bahày nila na pd makapag abot sa kanyang mga magulang.
Agad naman akong gumawa ng transaction.at ipinasa sa kanyà .at ayon nga po nalaman na sa gc namin na Ang aming tiyo ay gusto nga daw makausap Ang kanyang mga pamangkin at may apo na din Doon sa gc namin na ayon , na anak na ng kanyang mga pamangkin.pero dahil nga sa busy kamiñg lahat halos di na nagana ang gc na ayon,yong namang pinsan ko na nag chat sa gc ay di ko Naman alam na nag sabi siya na may isa na daw kamang anak na nag paabot ng tulong,
Hanggang nalaman na nga din ng aking ina yong nangyayaring ayon sa kanyang kapatid. Nag kwento sa akin ang aking kapatid na isa na nasa Saudi akoy tinawagan na ganon nga daw Ang aming tiyo at si inay ay nag aalala ,tanong ng aking kapatid kung sino kaya sa ting mga pinsan Ang nag bigay na ng tulong Kay tiyo Kasi nabasa nga daw sa gc.ang sagot ko Naman ay di ko alam.ayaw ko man nga sana ipaalam Kasi ako ay masaya na makatulong sa aking tiyo.
Mamaya Maya ay tumunog Ang aking cellphone sa messenger may video call PAg sagot ko ay Lima na tao, at andon Ang aking tiyo.mga nasa 7 yrs. Ko na di nakikita Ang tiyo ko na ayon. Ayon nga nag kumustahan na kame .Ang sabi ng tiyo ko ay Aireen salamat ari na hawak ko na Ang iyong bigay ang bilis mo maghatid ng tulong sa akin. Sa sobrang saya ay napapaluha. Kahit ako ay medyo napaluha din Kasi napasaya ko ang aking tiyo.ang sabi ng aking kapatid ay ikaw pala ayon ate tinatanong kita kanina kung sino ? Ang sabi mo ay di mo alam,Kasi nga po ayaw ko po ipaalam basta nagbigay ako ng tulong ayaw ko ng aking ipinagbibida. Kungdangan na nga lamang at nalaman naman na nila kaya isinulat ko na lamang Dito.
At blessing naman po Kasi Ang lahat ko na mga pinsan at pamangkin sa pinsan ay mag aabot ng tulong,kahit na pakauntikaunti ay lalaki din .ayon ang sarap PAg Ang mga mag kakamag anak ay nag tutulungan.ang sabi nga ng aking tiyo gumaan naman daw ang kanyang nararamdaman Kasi ramdam niya ang PAg mamahal ng mga pamangkin niya.
At ako po ay naging masàya din sapagkat ramdam ko ang saya ng tiyuhin ko.tapos parang nagbalik sigla ulit ang gc naming mag pipinsan .
Greatings
Maraming salamàt sa aking mga sponsors mga taga komento at syempre Kay @TheRandomRewarderAka Rusty sa walang sawang PAg bibigay ng biyaya sa akin.marami pong salamat sa iyo.
October 16 2021
8:27pm kuwait
Love
Jay997
Malaking tulong ngapo talaga mga digital wallet ngayon ikaw na mismo nagpapadala using phone laking ginhawa ito para sa lhat .