Hello beautiful people how are you today?I hope all of you are fine .
Diet its so hard to diet,pero kailangan kasi kung hahayaan natin na tumaas ang ating timbang at tayo ay tumaba ng tumaba ito ay isang malaking suliranin sa susunod na mga panahon,magiging malapit tayo sa sakit.
Dito sa bahay ang aking employers halos lahat ay malalaking tao ,di na ako mag tataka kung bakit ganon sila kalalaki. Una sa lahat nasa lahi na nila ,pangalawa sobra talaga silang kumain at pangatlo kulang sa exercise. at ang pagkain talaga ang unang nag papataba sa atin ,noong dumating ako dito ay napaka payat ko sa ilang taon ko na pamamalagi dito ay halos lumobo ang aking katawan.
Sa ngayon nag sisimula na ulit kame mag diet. Mahirap man simulan pero kakayanin.ang pinaka mahirap turuan ay ang aking kambal na alaga kasi habit na talaga nilang 2 ang kumain .isa pa ang amo kung lalaki mahilig mag dala ng mga pagkain dito sa bahay kaya halos hindi sila na mayat maya ay kumakain,pero sa edad nila na pitong taong gulang ay nasa 38Kilos sila kaya natatakot ang aking among babae na baka magaya siya sa aking among lalaki na sobrang taba.
Kahapon nag simula kaming mag walking ng aking mga alaga sa labas para kahit paano ay mabawasan ang fats sa aming katawan pero ayaw ng mga bata kasi mag gusto nila ang mag laro ng gadgets. mga isang oras kami sa labas na nag lakad lakad at pag uwi namin ay nahingi na agad ng makakain .pero di ko binigyan kaya lang makaraan ang ilang oras ay talagang di na yata kaya ang gutom kaya binigyan ko ng prutas.
At kanina nilutuan ko lang sila ng kanin na may lentil at nilagang itlog para ayon ang kanilang kainin pag kayaking nila sa school. Ang lalaki lang ang kumain saoqgkat siya ay gutom na kahit ayaw niya ng food ay kanya pa ding kinain .pero ang alaga kung babae ay aayaw niya .kaya tumawag siya sa kanyang ina para sabihing hindi niya Yong kakainin.naawa man ako oero wala akong magagawa kung Di sumunod sa pinag uutos ng ina nila.kasi kung pakainin ko naman sila ng ibang food ay mag susumbong naman sila sa ina na kung ano ang kanilang kinain.
At nag gawa lang ako ng salad para sa aking mga amo at may soup na din na naka ready na good for 4 days .
Ingredients for salad
Lettuce
Tomato
Cucumber
Pomegranate
Corn
grapes
Beetroot
chickpeas
Red kidney beans
Dressing
Olive oil
Salt
Lemon
At ngayong niyaya ko silang mag walking ulit kami pero sa halip na mag walking eh nag laro na lang ang bata napakahirap pa nila turuan sa tinatawag na diet.ewan ko ba naman dito sa amo ko kung bakit gusto ng papa dietin ang mga bata kung sila na lang siguro ang nag didiet mas mabuti pa kasi ang mga bata di pa ka adapt sa ganoong systema ng buhay.gusto pa lang nila ay mag karo kumain bakit ba ayaw hayaan muna maging bata darating din naman Yong panahon na matutunan din nila yon huwag lang madaliin.
Ang sabi nga dati sa akin ng amo ko bakit daw ang lalaki ng mga bata pinapakain ko ba daw palagi sabi ko naman eh nahingi syempre bibigyan ko lalo pa at favorite nila ang chocolates at chips.minsan nga sinabihan ko na ang amo ko na nasa kanila namang lahi kung bakit malalaki ang mga bata .
Kayo ba mga nanay Di ba tayo ay natutywa pag ang mga anak natin ay matataba ?Di ba masaya tayo pag ganon.basta di lang sobra sobra.
Ito lang po muna para sa araw na ito salamat sa pag basa ,at sa aking mga sponsors at syempre kay @TheRandomRewarder (aka) Rusty maraming salamat .
10:00 pm Kuwait
Love
Jay997
Buti pa jan sissy malawak ang pinaglalakaran nio kaya di gaano bored ang mga bata, d2 samin kulong lng sila kung walang lakad