Bantay boto
Mag hapon yata akong tumutok sa Facebook ngayon sa pag update ng nagaganap na botohan. Madami din akong nakita na mga post na di kaanyaanyaya. Ang iba talaga garapalan na pag babayad ng boto or nag papabayad ng boto. Ang iba naman ay talagang may pangalan pa ng candidato. May napanood ako na video nag hakot ng tao isa silang van di naman ipinakita ang mga mukha ng botante pero Yong nag babayad kita kaya lang naka mask so hindi makilala, noong binuksan ang sasakyan sabi noong tao labing apat daw yon , tapos sabi naman ng nag bibigay ng bayad oh kanino ibibigay ang pera may sumagot naman dito sa leader 7 k ibig sabihin tag 500 kada isa.
Di naka boto ang aking asawa sa kanyang presinto sapagkqt napakahaba ng pila alas sais na siya bumalik para masiguro na konti na lng ang tao pero sapagkat napakainit pag makikipag silsikan sa pila, pero pag balik niya ng alas sais ng gabi ay mahaba pa din at hanggang alas syete na lang ang cut off ng botohan kaya madami ang di naka abot sa pag boto doon sa lugar namin. Kasi maraming nasira na voter machine kaya pinag sama nila ang ilang presinto kaya humaba ang pila.
Meron naman na nag post siguro nakita nyo din sa fb Yong pinag kukumpara nila ang kanilang mga kandidato. Yong daw isa walang driver bomoto na siya lang daw ang nag drive ng sasakyan niya. Tapos yon naman daw isa ay may piloto pa at may name din sila na inilagay grabe silang mag siraan sa kanilang mga kandidato.
Isa ka din ba sa nag babantay ng bilangan ngayon nasa 75% na daw sabi ng report ng comelec ang nabilang na mga boto. At ang report pa ngayo ay mapayapa naman daw ang naging botohan kumpara sa mga nakaraan na halalan. At medyo malaki na ang lamang ng aking kandidato. Sana wala namang maganap na dayaan ngayong bilangan na ito.
Halina at tutukan natin ang mga pangyayari sa ating bansa bilang isang mamayang Pilipino meron tayong karapatan na mag bantay sa mga boto ng taong bayan.
Binabati ko na ng advance ang mga mananalo at sana gabayan sila ng Panginoon sa kanilang magandang hangarin sa ating bansa . At turuan sila ng tamang gagawin at hindi ang kanilang kaloob ang siyang mangyari kung Di ang kaloob ng may kapal.
Sana sa mga nag away away na mga botante ay sila mag kabati na madaming pamilya at mag kakaibigan na nag away dahil lamang sa kanilang mga pinili na sinusuportahan.
Bagong Pinuno , Simula ng pag babago nagawa ito ang simula ng pag unlad ng ating bansa.
#177
May 9 2022
6:07 pm
Kuwait
Kami ng asawa ko sis hindi rin naka buto..nawala kami sa listahn kaya umuwi nalang din kami agad...