Balik tanaw

15 49
Avatar for Jay997
Written by
3 years ago

Minsan masarap balikan ang nakalipas maganda man ito o masama , pero marami kang makukuhang aral .

Ang kwentong ito ay noong kabataan ko galing ako sa isang mahirap na pamilya marami kamiñg mag kapatid (hindi yata nausuhan ng family planning ang mga magulang ko) palibhasa nasa bukid kame.

Bilang ng Pamilya

Pito kamiñg magkakapatid pang 3 ako mula sa panganay (meron pa po dyan na namatay na 2 Bali siyam po kamiñg lahat) ang dami di ba, di ko na lng isinali yong wala na.

Mag sasaka Ang aking ama at aking ina nakikisaka lang wala kameng sariling bukid,bukid pa doon kobrador din ang aking ama ,yong pong nag papataya sa weteng , di ko po yan ikinakahiya kase diyan kame halos binuhay ng aking ama .

At naranasan ko din na mag pataya siguro mga grade 4 ako noon . Sabi ko sa tatay ko Tay ako Ang mag papataya baka makakapag patama . Minsan meron minsan wala patama. Gusto ko naman noon ay may kumisyon ako kahit piso para may pang bili na ako ng candy na tira tira o kaya ay sangkaka.(mababaw ang kaligayahan ng bata)

Ramdam Ang hirap ng buhay

Uuwi ang aking ama kung hindi galing sa pangungubra o sa bukid may dala ng lulutuin para sa isang kainan sa sobrang dami namin kulang yata ang kalahating salop na bigas.mabuti na lamang minsan may gulay na tanim si tatay na pd namin lutuin.

Andyan na maghuhukay kame ng kamote PAg may laman na pang tawid din ng gutom minsan ay siya naming almusal.naransan din napumasok sa school ng walang baon . Bàsta kumain lng nag almusal sa umaga kalimitan kape pa yong ulam.

PAg may mga activity sa school di makasali kase minsan kailangan bumili ng custom.kaya hanggang tingin na lamang kung minsan pag walang nahiraman na gagamitin.

Siguro di nyo naranasan na umuwi minsan na walang pang ulam pero may asin at kalamansi or mantika at Toyo ulam na sa amin yon.di naman palagi pero dinanas namin yon . Naranasan nyo din ba na mangutang ng isasaing sa inyong kamag anak na minsan ay di ka din pautangin ? Maliit pa lng Ako noong bukas na Ang aking mata sa kahirapan ng buhay.

Ang mga kalaro namin ay may laruan na magaganda pero kame ay lata at dahon lamang.pero masaya lalo na at may mga alikabok ka pa na inilalagay sa bao na naglulutulutuan may bahày bahày.yongniba may manika ikaw wala.

Nakikipanood din kame ng tv sa kapitbahay kase wala kamiñg tv.na minsang pinag sasarahan ka ng pinto o bintana kaya uuwi ka nalamang sa inyo.

Taga alaga ng kapatid

Habang si inay ay naglalaba sa ilog or nasa tubigan ako Ang taga alaga ng bunso ko na kapatid mga sampung taon ako siguro noon ,syempre ako gusto ko din mag laro di ko napansin Ang kapatid ko nadag anan ng bangko .naku galit na galit sa akin ang aking ina makukurit ka talaga sa singit.

Halos sa baywang ko lumaki ang kapatid ko na ayon sa pangalawa sa aming bunso.na ka unting umpog ay nahihimatay.

Bata pa marunong na kumita

PAg labas namin galing school naglilikay pa kame ng niyog para may baon pagkakinabukasan.tapis dala na din ang mga palapa ng niyog iniipon in para PAg weekend ay mag kakayas kame may maipag bibili na kame tapos may pang baon na sa school.nagunguha din kame ng pang bulanti mga dahon ng saging dahon ng sili sa mga pangpang ng tubig .

Kung anong pd na maibenta na ibubulanti ni inay sa bayan kada sabado kase noon may pautang na card sa mga nanay pang puhunan at ayon ang naisipan nya na gawing negosyo.

Nadagdagan pa ng kapatid

Noong mag highschool na ako nadagdagan pa kame ng isa pang kapatid menopausal baby na cesarian pa ang aking ina . Halos di na makapag tinda at nalugi na din kita ko ang hirap ng buhay.ang panganay ko naman na kapatid ay nagkubrador din lamang Ang sumunod naman ay di sa amin nakatira sa aming Lola sapol bata.

Ako ang taga labas sa ilog , parang ganon na lng palagi di na din ako halos makapasok sa school kase walang pamasahe . Sabinko Kay inay akoy titigil na mag aral at mag tatrabaho na lng ako ayaw naman nila pero wala ng magawa halos late na ako sa mga klase napag iwanan na ako.kaya huminto na ako .

At pumasok ako bilang isang tindera may sahid ako noon na waling daang piso nakatulong ako sa aking mga magulang.mula noon sa edad ko na 14 madami din aKong napasukan na trabaho.

Natanggap sa company

Sa eda ko na 17 nag lakas loob aKong mag aplay sa isang electronic at ako ay natanggap.medyo umalwan ang buhay namin ng kaunti may pang bigas na kada kensenas katapusan sigurado na di na magugutom.nakabili na din ng gamit sa bahày.kaya noong akoy nagka boyfriend nakilala ko ang naging Asawa ko ayaw ni inay kase bisaya daw .at noong akoy nag asawa sa edad na 21 . Ang sabi ng aking mga magulang ay para daw sila nawalan ng isang kamay.pero sa kabila noon sa abot ng aking makakaya natulungan ko pa din sila.

Mga aral na aking natutunan

Di ko ipaparanas sa akin mga anak ano mang hirap na dinanas ko noong bata pa ako.at hindi ako mag dadami ng anak.

At di lahat ng walang natapos sa PAg aaral ay walang PAg asa basta pursigido ka sa buhay ,at salig Sa Diyos may PAg asa ka.

Kaunting mensahe

Sana po ay nagustuhan nyo Ang pang apat ko na article, ang lahat pi ng aking mga isinulat ay totoong buhay ko.

Salamat sa rea.cash sa PAg notice sa mga article ko at sa mga nag unvoted at sponsor marami pong salamat

Jay997

❤️

6
$ 0.82
$ 0.71 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jher0122
$ 0.02 from @Zcharina22
+ 2
Sponsors of Jay997
empty
empty
empty
Avatar for Jay997
Written by
3 years ago

Comments

Masusubok kung gaano tayo katatag sa mga pagsubok na ating kinakaharap o haharapin pa sa buhay. Alam kong malayo ang iyong mararating ,alam ko hindi hihinto hanggat di mo nkuha ang gusto mong marating

$ 0.00
3 years ago

Salamat po

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga po eh ,pakatatag lng talaga at tiwala sa Diyos

$ 0.00
3 years ago

Habang binabasa ko po ito naiiyak po ako naalala ko noong bata pa ako ganun din po kami ate hirap din sa buhay pero patuloy po kaming umaasa na someday makakaalwan din kami sa buhay..

$ 0.01
3 years ago

Tama huwag mawalan ng PAg asa

$ 0.00
3 years ago

Ang mga naranasan nating hirap sa buhay ay malaking gabay sa pagtahak natin sa daan na ating nilalakbayan. Atleast sis itinaguyod parin kyo ng iyong ama para makasurvived. Saludo ako sa kanila.

$ 0.01
3 years ago

Oo sis kahit mahirap nagawa nila . At ayon ang nagbigay ng inspirasyon para maging matatag sa buhay

$ 0.00
3 years ago

Salamat sis ha, ikaw ang kauna unahan kong sponsor dito..appreciate it so much.☺️

$ 0.00
3 years ago

Your welcome , masaya ako para sa iyo pareho lng din tayo bago Dito pa 4 days ako ngayon

$ 0.02
3 years ago

Aja! Kaya natin to☺️

$ 0.00
3 years ago

Ang hirap ng buhay sissy pero mas masaya ang buhay noon na sama sama, masarap mamuhay ng marami at ngtutulungan. Mahirap din kami noon sissy pero sa poblacion kami nakatira at ngtitinda ng prutas ang aking ama at ina

$ 0.01
3 years ago

Kung maaalala ko nga sis minsan nakakaiyak din na masaya,mabuti kàhit paano may prutasan kayo

$ 0.00
3 years ago

Buy and sell sissy, kinokompra ng tatay ko sa taga bukid tapos ibebenta na namn nila

$ 0.00
3 years ago

Tama sis ayaw nating maranasan yung hirap natin noon sa ating mga anak , hindi din natin masisisi ang ating mga magulang na marami ang naging anak wala pa kasing mga contraceptive dati kaya ayun anak anak hihi.

$ 0.01
3 years ago

Oo nga sis eh pero masaya naman na madami kaya nga lamang Ang mahirap di kayang PAg aralin

$ 0.00
3 years ago