Ang aking buong araw

18 25
Avatar for Jay997
Written by
2 years ago

March 20 2022

7pm Kuwait

Busy din ba kayo kagaya ko?halos lahat tayo ay busy sa ating mga kanya kanyang trabaho,pero sa kabila noon e nagagawa ko pa ding sumilip sa aking mga pinag kukuhaan ng barya baryang income,sapagkat ang barya o maliit pag ito ay na ipon ay dumadami.

Pinuntahan ko din ang aking isang sideline nag linis ako ng dalawang oras sa tatay ng ako ko at pag katapos ko mag linis ay kumita din ako ng 5 dinar malaking tulong na din yon sa akin lalo pa at medyo magastos ang aking student maraming kailangan na bayaran kaya kailangan na mag dagdag din ako ng income.at kahit na meron na tayong buwanang sahod kailangan pa din natin ng extra income para tayo ay makaipon.

==

Ito ang aking buong mag hapon sa ngayon habang ito ay aking tina type ay andito ako sa Park naka upo nakaka relax kasi maganda ang hangin.pero di ako nandito para mag relax lang or mamasyal naka bakasyon ang aking kambal na alaga kaya andito kaming tatlo at sila ay nag lalaro at habang sila ay nag lalaro ay aking binabantayan. Madami kasing ibang nga bata baka mamaya e mapaaway na naman .malapit lang ito sa aming building na tinitirahan .pinayagan kame pumunta dito ng kanilang ina para siya ay makatulog ng maayos na walang ingay sa bahay.di mo kasi sila masaway masyado silang maingay, kahit utas kna sa kakasaway ay di pa din nakikinig.

Ito ang Park at ayong White building diyan naman kame nakatira.

Pero syempre bago ako umalis sa bahay ay tapos ko ng naihanda ang aming pag kain,at naka gawa na din ako ng pagkain ng aking mga amo,kasi on diet na naman sila sa nayon,kailangan na nila mag diet kasi malapit na ang Ramadan,kaya light food na ang kanilang mga kakainin sa ngayon.kaya nag handa lamang ako ng vegetables salad or salata at boneless chicken na nilagyan ko lang ng asin paminta at lemon,tapos niluto ko lang siya sa toaster.

Salata
Chicken grill in toaster

====

At kanina nga kausap ko ang aking anak na dalaga at nag sabi nga siya sa akin na mag physical exam na sila this week bago sila mag duty.kailangan pa pala ng ganon,may swab test,drug test, xray,may pregnancy test at kung ano ano pa,at kapag ganyan eh kailangan naman na mag bayad.kaya salamat na lang at may naipon naman ako sa aking mga barya baryang kitaan kaya madali lang mag padala at instant transaction agad.ganito kalaki ang tulong ng ibat ibat extra income ko ,mula kay read.cash at noise.cash at iba pa .salamat sa mga extra income na ito napakalaking tulong sa kagaya kung ina na may pinag aaral.

Mga additional na babayaran

At syempre kausap ko din ang aking mahal na asawa kanina para sila namang mag ama ko sa bahay ang kumustahin nag second dose ang aking bunso kahapon at salamat sa Diyos na okey naman.at noon nga na magkausap kame ng aking asawa kanina ay andon siya sa ginagawang guest house ng kaniyang kapatid at ipinakita niya sa akin ang second floor maganda na at malapit ng matapos.susubukan nga daw tapusin bago mag mahal na araw sapagkat maraming mga tourists ngayong mag simana santa at sa ngayon pa lang ay marami na silang booking doon sa dalawang kwarto sa baba.ang amin pong lugar ay dinadayo mula sa ibat ibang lugar sa Negros sapagkat malapit lang kame sa dagat. At mura lang ang kada kwarto dito.ang asawa ko ang namamahala ng kanilang guess house sapagkat silang lahat ay nasa Canada.at kung maganda naman ang panahon ang akng asawa ay nangingisda pero sa ngayon aydi siya nakakalaot sapagkat maalon ang dagat.

Ayan po ang aking buong maghapon dinatatapos ng di ko nakakausap ang aking nag aama.maraming salamat sa pag basa ,pasensiya na kung boring gusto ko lang talagang magsulat kaya kahit tagalog ay ako nagawa.

Ang lahat ng karawan ay akin.

Love

Jay997

8
$ 0.95
$ 0.85 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @GarrethGrey07
$ 0.03 from @UsagiGallardo215
+ 2
Sponsors of Jay997
empty
empty
empty
Avatar for Jay997
Written by
2 years ago

Comments

Na miss ko tuloy ang salata sah middle east, yung paminta at asin at konting olive oil lang ang ilagay, pero kahit ganun lang ang ilagay masarap talaga cxa, by the way nice to meet you sis.

$ 0.01
2 years ago

Thanks sa pag read ,masarap nga siya kahit ganon lang ang dresing niya ,sa middle east ka ba dati?

$ 0.00
2 years ago

Oo sis, sah Kuwait ko dati, hindi nah ako bumalik, kasi gusto nila maging muslim ako,

$ 0.00
2 years ago

Ay ganon sis saan ka dito sa kuwait

$ 0.00
2 years ago

Ung barya pag naipon sis nagkakaron ng malaking halaga kaya okay lang yang barya barya.

$ 0.01
2 years ago

Tama ka sis lumalaki kaya tiyaga lang

$ 0.00
2 years ago

Ako po nag simula lang sa barya barya sis tas hanggang naka ipon napo ako tas tinuloy tuloy kopo kasi napakalaking tulong po ehh

$ 0.01
2 years ago

Korek walang buo kung walang barya kaya ipon ipon lang

$ 0.00
2 years ago

Maganda talaga na May mga extra pagkakakitaan sis no? Para pagdating ng panahon na May kakailanganing gastusin, May makukuha agad. Di na maproblema kung saan kukuha

$ 0.01
2 years ago

Sinabi mo pa sis malaking tulong talaga siya ,di na tayo matalang talang kung saan kukuha

$ 0.00
2 years ago

Tama ka diyan sis. Kahit pakunti-kunti yung naipon natin araw-araw pero pag naipon yun, lumalaki din

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga sis ,ang barya naging buo

$ 0.00
2 years ago

Totoo yan sis kaya iponĀ² tayo ng barya araw-araw para balang araw May makukuha na naman tayo ulit pag kinakailangan

$ 0.00
2 years ago

Nakakagaan kc sa pakiramdam kapag nkakausap natin yong ating pamilya kahit n pagod eh nawWala. Ingat ka jan sis.

$ 0.01
2 years ago

Oo nga sis, thanks ikaw din ingat diyan

$ 0.00
2 years ago

Barya man yan sis pero naging thousands din, kaya ipon lang tayo at saba tumaas ang value niya kahit mag 75k man lang.

$ 0.00
2 years ago

Mahalaga talaga iiponin kahit mga barya-barya lang sis nuh kasi patagal na patagal lalaki din yun. It's a blessing na din sis. Malaking tulong nayun sis kaya mahalaga talaga sis. Thanks God okay lang anak mo sis. Di nakaano ng reaction sa vaccine. Yan pa naman kinakatakutan ko.

$ 0.01
2 years ago

Oo sis kahit pa barya barya pag naipon dmadami din ,salamat ko nga sa Diyos na okey na vaccine niya ,parang wala na yata booster sa bata sana last na yon .Di ka pa ba nag pa vaccine?

$ 0.00
2 years ago