Ano ba ang aboard na tinatawag?maraming gusto mag aboard maraming nangangarap mag aboard, may sinuwerte mag aboard meron din namang hindi pinalad na maka alis papuntang aboard,
Masarap pakinggan ang salitang aboard, lalo pa noong maliit pa ako nasa isip ko na palagi noon ang mag aboard, kasi sa nga nakikita ko sa ibang mga pamilya pag may aboard ang mga anak nila ay naibibigay ang mga gusto, kaya sabi ko at pangarap ko noong maliit pa ako pag laki ko mag aboard ako.
At natupad naman ang aking pangarap na makapag aboard pero di pala ganon kadali bago ka makaalis ng pinas,marami kang pag dadaanan na hirap bago ka makapag aboard mula sa pag aaplay hanggang sa pag kuha ng mga requirements ay napakahirap .pero noong na complete mo na ang lahat na mga kailangan, Yong excited at saya ay Di mo na maipaliwanag kasi malapit kanang maka alis at matutupad muna mag aboard, pero Yong lungkot na iiwan mo Yong pamilya mo minsan ayan ay nagiging sagabal din kasi ang akala mo kaya mo silang iwanan.pero Di mo pala kaya,kaya merong umuurong kahit completo nabuong mga paper.
Pero pag nasa Airport kana magkahalong kaba at saya,una makakasakay kna sa airplane pangalawa kinakabahan ka sa iyong pupuntahan sapagkat Di mo alam kung ano ang iyong dadatnan doon.pag tapak mo pa lang sa Lugar ng mga banyaga doon muna mararamdaman Yong totoong kaba na di mo maipaliwanag.lalo na pag narinig mo na Yong kanilang mga banyagang wika.na Di mo halos maintindihan.
Basta kung ikaw ay mag aaboard dapat buo ang loob mo huwag kang mag dadalawang isip kasi kung andon kana Di kana kaagad agad makakabalik . At kung kung Di buo ang loob mo huwag tutulog sapagkat Di ka din mag kakaigi sa kakaisip palagi kang ma hohomesik meron na talagang halos di makayanan ang home sick nasisiraan ng loob nawawala sa sarili. Maraming mga ganyan na kaso umalis ng di buo ang loob pag dating dito nagkagulo gulo ang buhay.
Pero masarap mag aboard kasi dito sa aboard maibibigay mo ang pangangailangan ng iyong mga mahal sa buhay . Medyo aangat kayo sa kahirapan ,di mo din masasahod ang sinasahod mo dito ,kumpara sa sahod mo sa pinas,kaya dapat kung minsan wais din tayo mag ipon kasi Di habang panahon na nasa aboard ka ,at didin habang panahon na bata ka na kaya mo pang mag trabaho.
Pa swertihan din ang pag aaboard pag napatapat tayo sa mga amo na mabait masweti kana pero hindi lahat ganon meron talagang sibrang salbahe na amo ,madamot sa lahat ng bagay may ayaw ka pakain ayaw pasahurin.ang gusto trabaho lang ng trabaho. Ang sabi nga ang nag aboard daw ay may dalawang bagay , mag papadala ka ng kahon o uuwi ka ng naka kahon.
Kaya kung meron tayong pamilya na nasa aboard pahalagahan natin sila kasi Di ganon ka dali ang kanilang pag sasakripisyo.
Maraming salamat sa pag basa.
November 20 2021
11:46 pm Kuwait
Love
Jay997
Hindi sayang ang sakripisyo kung yung pinaglaanan alam nila pahalagahan kaso meron pa din talaga yung tao na akala nagpupulot ng pera yung mga nasa abroad hihi