What he did and felt?
January 7, 2021
Disclaimer: This article is again in Tagalog language for this was written and composed by my partner whose comfortable with the said language.
This article of him is his experienced and thoughts about the typhoon that hits our province before 2021 ends.
So, let's find out what he feels and what he did during that time.
Lezzzz goooo....
JUNIX POV:
12/16/2021
Gumising ako ng alas-7 ng umaga, lumabas sa silid at tumingala. Tinitingnan ko ang langit ng mga oras na iyon habang nag iisip kung maayos lang kaya ang pamilya ko na nasa malayo.
Sinimulan ko ang pag iimbak ng tubig at nag saing ng marami, gayon din ang pagluluto ng anim na pirasong itlog. Niligpit ko ang higaan, ang mga damit ay ipinasok sa bag, lahat ng pweding mabasa ay binalot ko ng plastik. Ilan lang ito sa mga paghahandang aking ginawa para sa paparating na bagyo.
Alas-11 na ng tanghali at tapos na ako sa mga paghahanda, tiningnan ko ang paligid at nagmamasid. Nag iisip ng kung ano-ano kung ganito o ganyan ang mangyayari...
Ako ay handa na sa paparating na bagyo pero iniisip ko ang kalagayan ng mag ina ko sapagkat sila ay naroon sa lugar ng aking mga biyenan dahil may trabaho pa malapit doon ang aking asawa.
Wala na akong natatanggap na mensahe galing sa kanila, nais kong malaman kung ayos lang ba sila at gusto kong malaman nila na silay walang dapat ipag-alala sapagkat ako ay nasa maayos lang at sila lamang ang aking pinoproblema.
Makaraan ang ilang oras ng paghihintay sa sinasabing bagyo ay sumapit na ang alas 4 at ito na ang pinaka hihintay ko. Oo pinaka hinihintay ko at nang matapos na ito agad.
Iyon nga ay malakas na bagyo na iisip ko ang nagdaang bagyong Yolanda sa mga oras na iyon. Wala akong ibang ginawa kundi magmasid sa paligid at tingnan ang tubig kung ito ba ay tataas...
Para lang ng chess o larong chess, may mga pagpaplano akong ginawa kung sakaling tumaas ang tubig at kung hindi man, isa lang ang kalaban ko at yun ay ang malakas na hangin.
Sumapit ang gabi at ginagawa kong signal ang aking flash light. Sinusubukan kong malaman kung may mga tao pa kaya sa paligid, at kung wala man ay lakas loob kaming lalabas. Sa awa ng panginoon ay may nag on din naman ng flash light sa bandang aking inilawan. Nalaman ko na may kasama pa pala kami dito ngunit di parin ako mapakali, naiisip ko parin ang mag ina ko. Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko sa pamamagitan ng pag iisip ng mga positibong bagay at epektibo din naman ito.
Nagpatuloy ang pag lakas ng hangin at nawalan na ng signal para sa komunikasyon at hindi ko na mai-momonitor ang lakas ng bagyo. Iyon nga ay lumipas ang oras at nag alas 8 na ng gabi sa wakas ay mapayapa na sa labas, tapos na ang bagyo ngunit ano kaya ang pinsalang nagawa nito.
Lumabas kami ng kapatid ko at nagtungo sa bahay ng lola namin upang malaman ang kanilang sitwasyon at sa awa ng panginoon ay maayos lang sila doon at natutulog.
Bumalik kami ng bahay upang matulog, ngunit ayaw kami dalawin ng antok. Binawi ng kwentohan ang mga pangamba na nasa aming puso at isip sa gabing iyon mag aalas 2 na ng kami ay makatulog. At pag gising ko naman ay mag aalas 5 na ng umaga. Agad agad naming nilinis ang paligid na punong puno ng kahit anong dahon.
Kumusta na kaya ang mag ina ko? Patanong ko sa aking sarili at hindi ako mapakali dahil alam ko na mas malakas ang hangin na kanilang naranasan.
Nang pinuntahan ko sila ay halong saya at lungkot ang aking nadama, masaya sapagkat nakita ko sila... Malungkot sapagkat wala na ang bahay nila... Ang bahay ng aking biyenan.
Hindi malilimutang pangyayari, Yolanda at Odette...nagbigay ng kalungkutan at hapdi sa buhay gayon din sa puso ng mga taong nasalanta nito.
Ipinagdarasal ko na sana lahat ng naging biktima sa nakaraang bagyong Odette ay unti-unting makabangon at mabuong muli ang kani-kanilang mga tahanan na nawasak sa mapaminsalang bagyo.
Yan lang po muna at marami g salamat sa pagtangkilik nitong aking artikulo.
"For my sponsors and those who upvoted my articles. I would like to say my deepest gratitude and happiness for you all since you always keep me inspired and motivated. Thank you so much. More blessings to all of us here. Love you all :) - @Janz
Wa juy datu ug pobre basta maapektuhag bagyo. I hope makarecover nang mabilis ang mga taong naapektuhan ng bagyong Odette. Hoping and praying for the best!