Wala lang, Naisip ko lang

15 38
Avatar for Janz
Written by
2 years ago

Habang ako ay nag iisip kung ano ang magiging pamagat ng aking gagawing artikulo, ay sumagi sa isipan ko ang kanta at kinuha ko ang aking telepono at nakinig ako ng mga makalumang musika. Dahil ako ay isa dun sa mga tinatawag na "old soul" sapagkat mahilig ako sa mga makalumang kanta at tugtugin.

"TOO MUCH HEAVEN" by Bee Gees

Source: Youtube

Yan po yung kanta na sumagi sa isipan habang nag iisip nag artikulong maisulat at kung ano ang pamagat ng aking gagawing artikulo dahil yung kabiyak ko nag message sa akin kung pwede ba raw ako gumawa ng article dahil tatlong araw na siyang hindi nakapag publish dito sa kadahilanang walang maisip na maisulat. Kaya ito ako nagsusulat sa kung ang nasa isip ko ngayon.

Maari niyong pakinggan ang nasabing kanta habang nagbabasa ng aking artikulo.

Nang naisip ko ang nasabing kanta ay pinakinggan ko ito hanggang matapos, para sa akin may kakaiba sa kanta at napaka ganda ng pagka sulat ng mga leriko ng kanta at nagbibigay ito ng saya sa akin sa tuwing pinakinggan ko ito. Isa sa dahilan kung bakit mahilig ako sa mga makalumang tugtugin any dahil sa mga magagandang mensahe ng mga leriko nito. "Tagos sa puso kumbaga."

Sa totoo lang, tuwing pinapakinggan ko ang kanta naiisip ko ang babaeng nag bigay sakin ng responsibilidad ng pagiging ama. Ang nag bigay sakin ng anak, ang babaeng aking papakasalan. Ang babaeng nag iba sa aking pananaw sa buhay. Ang babaeng nagpapasaya sa akin. Ang babaeng nagbago sa akin, este binago ko pala ang sarili ko para sa kanya at sa anak namin gaya ng pag iwan ko sa aking mga bisyo. Ang kanta ay naging espesyal sa akin at sa babaeng aking minamahal sapagkat itong kanta ang siyang naging sandalan namin noon at naging "theme song" pa nga namin kalaunan. Maganda kasi ang ipinahihiwatig sa kanta. Parang ang mga leriko ay akma sa aming pagmamahalan kaya siya nakaka-inspire pakinggan. Kaya naman, sa tuwing naririnig ko itong kanta mapapaisip agad ako sa babaeng aking sinisinta. Walang iba naman kundi ang may-ari nitong account, at ang asawa ko, ang malapit ko nang maging opisyal na asawa pala.

Balik tayo sa punto ng kanta at kung bakit ko gusto ang kantang iyon.

Mababasa natin sa liriko ng kanta ang mga katagang,

"Nobody gets too much heaven no more

It's much harder to come by

I'm waiting in line

Nobody gets too much love anymore

It's as high as a mountain

And harder to climb" ,

ito ang intro ng kanta.

"You and me girl got a highway to the sky.

We can turn away from the night and day

And the tears you had to cry"

"You're my life.

I can see a new tomorrow

Everything we are will never die

Loving such a beautiful thing.

When you are to me, the light above

Made for all to see our precious love"

ito naman ang pinaka gusto ko sa kantang ito. Ang mga liriko ay akma sa kung ano ang aking nararamdaman na saya sa tuwing kapiling ko ang aking sinisinta. Ang mga kataga ng liriko ang siyang gusto kong ipadama sa babaeng nagpapatibok ng aking puso. Kasi para sa akin yung pagmamahalan namin "is such a beautiful thing" ika nga sa kanta.

May inspirasyon ang nagsulat ng kantang ito inlove siya malamang dahil ang ganda ng isinulat niya at may isa pa,

"Love is such a beautiful thing

You make my world a summer day

Are you just a dream to fade away"

Tumpak ang liriko ito sa aking tunay na nararamdaman sa aking kabiyak. Kaya nga napakasarap sa pakiramdam sa tuwing napakinggan itong nasabing kanta.

Siguro, dahil mag isa ako ngayon sa bahay namin sapagkat yung asawa ko at anak namin ay nandun sa aking biyenan dahil may trabaho ang asawa ko malapit dun at itong bahay namin ay malayo sa pinag trabahohan niya. Kaya ngayon mag isa muna ako at sobrang namimiss ko na sila lalo na yung anak namin.

Minsan ang kanta ay nag bibigay sa atin ng masasayang ala-ala ng kahapon at minsan ay naibabalik rin nito ang mga masasaklap na nangyari sa atin. Minsan naman nagbibigay ito sa atin ng inspirasyon. Inspirasyon na hindi masaklap ang buhay at dapat lang ay magpatuloy sa pag sagwan para maabot ang dulo ng karagatan.

Wakas...

-Junix


Disclaimer: Another article written by my partner again. The ending, while reading this. Of course, "kilig hanggang bone marrow naman ako". It's actually the reason why I asked him to write article for me, to the "kilig factor" . Lol

Anyways, I hope you'd enjoy reading this article of my partner.

Blessed day to all!

Sponsors of Janz
empty
empty
empty

"For my sponsors and those who upvoted my articles. I would like to say my deepest gratitude and happiness for you all since you always keep me inspired and motivated. Thank you so much. More blessings to all of us here. Love you all :) 

Lead image were taken from Google.

9
$ 2.87
$ 2.72 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jher0122
$ 0.04 from @AlphaCron
+ 4
Sponsors of Janz
empty
empty
empty
Avatar for Janz
Written by
2 years ago

Comments

Ayieehh kilig.x si maam. 😅 Ang galing niyong dalawa maam magsulat. ❤ Couple goals.

$ 0.02
2 years ago

Hehehe salamat

$ 0.00
2 years ago

Sana all swet smigason man sd ta dinhe dapita mam hehehe

$ 0.02
2 years ago

hahahha mating pud ng amigason lhang

$ 0.00
2 years ago

Hahhaha lagi te waba mo gipamaak anha hehe

$ 0.00
2 years ago

waman pud hahahahaa

$ 0.00
2 years ago

Me kaya when? Charot. Hahaha.

$ 0.01
2 years ago

wapa lage daw natawo pen 😭🤣

$ 0.00
2 years ago

Ay ka sweet sa relasyon sis🥰

$ 0.01
2 years ago

Ewan ko dyan sa kanya sis hahahha

$ 0.00
2 years ago

Ate ang ka sweet sa imung partner kiligon man sad ta ate.🥰 Kanindot bitaw sad ning mamati ta ug music te nuh kay ma feel gayud nimu usahay tas maging emosyonal ka habang gipamatian ang music. Labi na kung favorite nimu ang music tas ang tono nindot kaayo.

$ 0.02
2 years ago

mao lage sel hahaba sweet kunuhay ni sya nag basa ko lage nakatawa ko hahaha

$ 0.00
2 years ago

Lagi ate. Kilig² gon man sad tah ate.🥰

$ 0.00
2 years ago

Hala ang sweet naman ng hubby mo sis, talagang yung sinulat ay yung nararamdaman nya para sayo na tugma sa kanta.

$ 0.02
2 years ago

oo nga sis ehhh expressive talaga siya kahit dito thru written at personal

$ 0.00
2 years ago