TagLish questions randomly answered
February 11, 2022
Good day readers! For today's entry I just going to answer in my own way the random questions I've seen from other writers which they said it was taken from facebook.
So, makikisabay na naman ako sa type ng questions nila.
Let's start.
Nag-cheat na ba ang parents mo sa isa't isa?
Well, in my 24 years of existence ni minsan hindi ko pa nakita silang nag aaway dahil sa third party. Kaya feeling ko hindi pa.
Kind or handsome?
Both. Parang maswerte ako sa part na to kasi partner ko mabait naman at medyo gwapo naman din yun ang sabi niya sa akin. Lol
Nagustuhan ka na din ba ng crush mo?
I had a crush way back when I was in 2nd year high school. As in, tinitignan ko siya sa malayo kasi mga crush ko diba? Pero di niya alam na crush ko siya ni mga kaibigan ko hindi rin nila alam kasi sinisekreto ko lang sapagkat super close kami ng crush ko na yun. Magkaklase kami noon at we always sit beside each other kasi ewan ko palagi siya tumatabi sa akin noon siguro para mangopya, haha. One time, when I was writing his name on a paper, I was writing like my name and his name then enclosed it in a heart. Lingid sa aking kaalaman, may nakakita pala sa likod at yun ay ang cousin niya. Kaya nung nag college na ako, napag alaman ko ng same school kami ng crush ko noon at same street lang din kung saan kami nag boarding house. Kaya when he knew, he always went to my boarding house that time at ng tumagal he said wanted to court me. Well, na shock ako kasi yung crush feeling nawala na sa isip ko. Kaya di ko sure kong nagustuhan ba talaga ako ng crush ko noon or he just grab the opportunity kasi he knew na crush ko siya. Di ako sure.
What is your dream para sa parents mo?
There is one greatest dream that I had in mind for my parents at yun ay ang mabigyan ko sila ng pang matagalang negosyo at bahay. Kasi sa ngayon nasira bahay namin sa bagyo kaya't kung ako'y pagpalain na magkaroon na ng regular na work for sure ako unti-unti kong matupad ang pangarap ko for them.
If someone cheat you, what will you do?
Siguro, I'll sent them to death. Haha joke. Sa totoo, I still don't know kasi I'm not yet in the situation, siguro if ever it happened to me papaalisin ko nalang sa buhay ko yung nag cheat sa akin kasi I'm the type of person na once mg trust broke kahit anong gawin pa nung nag sira ng trust ko hindi na mawawala sa isip ko yun. So, para to have peace of mind papaalisin ko nalang or ako yung aalis.
Pinaasa or umaasa?
The question there is that, bakit ka pa umaasa sa taong alam mong pinapaasa ka lang? diba? Masakit kaya yung umaasa ka pero pinapaasa ka lang naman pala. Kaya both pinaasa o umaasa man ay dapat mo nang tigilan ang pag asang walang mapapala sa huli. Kung ako ito, hahanap nalang ako ng iba na masusuklian yung paghihirap kong umasa at hindi yung nagpapasa lang din.
Bakit yung ibang tao mas piniling mang iwan kaysa umintindi?
Para sa akin, this depends on the situation. Kasi bakit pa gugustuhing intindihan ang isang tao kung wala namang improvement at toxic pa rin naman ang pagsasama kahit ilang beses ng iniintindi. Diba? So, kung ako ang papipiliin e di, mang iiwan nalang ako kaysa piliing intindihin parin pero wala naman magbabago maging toxic pa rin. Pero, on the contrary kung sa pag intindi ay may magandan maidudulot sa relasyon at hindi naging mas toxic ang relasyon e di dun din ako sa iintindihin ko nalang.
Are you a broken family?
No. Kaya nga nung one time na may matindi kaming away ng partner ko to the point na umuwi ako sa amin dala ang anak namin napagtanto ko na dapat kami magkakaintindihan muli sapagkat ayaw kong maranasan ng anak namin ang isang broken family kasi kami pareho ng partner ko hindi kami produkto ng isang broken family. Kaya unfair naman kung maging selfish kami sa aming desisyon at hindi i-consider ang kapakanan ng anak namin.
What will you do, if na meet mo yung taong mahal mo sa maling pagkakataon?
Ipagpatuloy parin ang buhay. Pero kung ang ibig sabihin ng maling pagkakataon ay ikaw ang third party at may asawa pala yang taong mahal mo e di wag na lang ipagpatuloy kasi nakakasira ka na ng pamilya. Distansya nalang at hahanap ng mamahalin na walang sabit.
Mahal mo o mahal ka?
Mahal ako siguro, kasi paano kung mahal ko tas hindi ako mahal ang hirap nun. Kaya mabuti pang mahal na lang ako kasi madali lang din naman akong ma develop at for sure matutunan ko rin mahalin yan pabalik.
Idol mo sa volleyball?
Isa lang. Si Alyssa Valdez. Nung nakita ko siya sa TV na naglalaro doon ko naibigan ang volleybal at palagi ko na siyang sinusubaybayan even until now. I'm a fan already ni Alyssa, paano kasi ang galing maglaro at nakakamatay ang spike niya. haha Nakakamatay sa excitement.
Anong hate mo sa self mo?
Being impatient at mataas pride ko rin lalo na sa partner ko. Yang dalawang yan ang pinaka hate ko sa sarili ko kasi feeling superior ako at ayaw ko yun. Pero, na kokontrol ko naman siya kaya lang minsan hindi. Kaya hate ko self ko pag umatake sa aking yang dalawa na yan.
Yun lang po siguro kasi medyo marami na din yung tanong na nasasagot ko.
Sana ay naaliw ko kayo.
Have a great day!
"For my sponsors and those who upvoted my articles. I would like to say my deepest gratitude and happiness for you all since you always keep me inspired and motivated. Thank you so much. More blessings to all of us here. Love you all :) - @Janz
Bet ko yang I'll sent them to death hahaha walang joke joke hahha niloko ka na eh hahah charizz.