Sa tuwing ako'y nag-iisa't nalulumbay

6 17
Avatar for Janz
Written by
2 years ago
Topics: Feelings, Reflection

Sa tuwing ako ay nag iisa at nalulumbay, palagi kung na iisip ang mga bagay na wala sa akin tulad ng trabaho, bahay, sariling lupa, at kung ano ano pa.

Tinatanong ko ang aking sarili kung papaano ko ito makukuha at kailan ko ito makukuha. At kung may pag asa ba ako sa mga bagay na ito.

Sa ngayun hindi ko pa maaninag ang daan patungo sa pangarap ko sapagkat ako'y nag-aaral pa lamang at lubusang na hihirapan sa sitwasyon ngayon.

Isa pang katanungan na sumasagi sa aking isipan kung papaano ko tatapusin ang aking pag-aaral, ni isa wala akong natatapos at naipapasa sa aking guro. Gusto ko nang simulan ang mga gawain bilang studyante, at maipasa ito at ng mabigyan na ng marka.

Ngunit paano ko sisimulan? Ni wala akong alam kung paano umpisahan. Na ikokompara ko ang aking sarili ngayun at noong wala pa ang pandemyang ating nararanasan ngayon.

Nagagawa ko ang aking mga gawain at napapasa sa araw ng deadline. Malaking kaibahan sa ngayon ni isa ay wala, maliban sa mga gusto at paborito ko na guro at paboritong subject. Makakamit ko pa kaya ang pangarap na palagiang nasa aking isipan?

Gayunpaman, ako'y lubusang nagpapasalamat sa mga taong nagpapalakas ng loob ko at patuloy akong hinahatak pataas. Patuloy na sumusuporta at patuloy pang susuporta sa pangarap ko.

Isa na run yung kabiyak ko. Kahit man iba ang aming paniniwala sa relihiyon, magka iba man ang aming paniniwala ay nariyan siya palagi para sa akin at sa amin ng aming anak.

Bilang ganti sa kanyang kabutihan pinilit ko na baguhin at patuloy na babaguhin ang nakagisnan ko noong hindi ko pa siya nakilala. Hindi ko ito ma ipapangako sa kanya dahil ako'y tao lamang na bukas at maaring magkamali, ngunit pagsisikapang hindi ko na babalikan ang mga bagay na ayaw niya. At mamahalin ko siya hanggang sa aking huling hininga.

Sa ngayon, patuloy parin akong naniniwala na balang araw ay makakamit ko din ang pangarap ko, kung di ko man matapos ang pag aaral, wala akong paki. Ipapakita ko na hindi lahat ng successful na tao ay naka pagtapos ng pag aaral.

Yun kung hindi ko matapos pag aaral ko, at kung itoy ipagkaloob ng dakilang tagapag likha sa akin ay lubusan itong ikakasaya ng damdamin ko.

Na-aalala mo ba ang paunang sinabi ko? Na-iisip ko lang naman ang mga bagay na ito dahil?...

ako'y nag-iisa at nalulumbay sapagkat ang kabiyak ko ay nandun sa magulang niya ngayon dahil malapit doon ang trabaho niya at kasama niya anak namin. At ako ngayon ay sobrang nangungulila na sa kanila. Alam ko naman na uuwi sila rito kada Sabado't linggo kaya lang ang limang araw na hindi ko sila kasama rito sa bahay ay parang limang taon na para sa akin sa lubos ko pagka miss sa kanila.

Alam ko darating din yung araw na ako'y hindi na malulumbay sa pangungulila sa kanila.

Balang araw, mawawakasan din itong paglulumbay ko.

Darating din ang araw na lahat ng mga nasa isipan ko ay magkatotoo sa tamang panahon at syempre kung ipapahintulot ng Poong Maykapal.

Yan lang po muna sa ngayon. Magandang buhay sa lahat!

Wakas

~Junix


Owner's POV:

So, that was it everyone. My partner's article again. Then, I found out that his totally missing us with our son.

Last two weeks, I left him our son but this week I brought with me our son because I can't also endure the feeling of missing my son. That's why I brought our son with me here in my parent's place and my partner was left there in our house together with his brother. So, I also understand how badly he misses us especially his son because I also felt the same when I wasn't with them.

Hope you'd still enjoy this article.

Have a great day!

Sponsors of Janz
empty
empty
empty

"For my sponsors and those who upvoted my articles. I would like to say my deepest gratitude and happiness for you all since you always keep me inspired and motivated. Thank you so much. More blessings to all of us here. Love you all :) - @Janz   

Lead image source

6
$ 4.10
$ 4.05 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
Sponsors of Janz
empty
empty
empty
Avatar for Janz
Written by
2 years ago
Topics: Feelings, Reflection

Comments

That's great that there's someone to comfort you. Having different religious/cultural faith makes a huge difference in relation. You are cared for and loved, don't be sad. Take care.

$ 0.00
2 years ago

Galing ng gawa niya ate Janz. Iba talaga ang feeling pag hindi kasama ang pamilya.

$ 0.00
2 years ago

Wow sana marunong din ako gumawa ng ganayan ma'am ka madter sa imo partner ma'am

$ 0.00
2 years ago

hahaha mao lge lihiro pa makata makata

$ 0.00
2 years ago

Galing nmn ng partner mo sis..

$ 0.00
2 years ago

oo nga ehhh, di ko nga rin alam na magaling pala siya sis haha

$ 0.00
2 years ago