Kwentong ating kina-gigiliwan kung saan ay kapu-pulutan din ng Aral

16 47
Avatar for Janz
Written by
3 years ago

November 4, 2021

I'll start with a disclaimer...

Disclaimer: Again, as usual this article will be written in Tagalog aside from this disclaimer since this is my POV. For I'm not also used into Tagalog language for I'm not comfortable using it. So, once again. This article were from my dearest partner which had an opposite taste of me in terms of language preference in writing article.

Now, let's start this article of him.

Here it is.


Mahilig ba kayo sa mga kwentong kapupulutan ng aral noong kayo ay nasa elementerya pa lamang?

Halos lahat ng mga kwentong nasa libro noong tayo ay nasa elementerya ay mga gintong aral na tumatak sa isipan ng bawat batang mag aaral. Mahilig ako sa mga kwentong bayan at syempre sa mga kwento ng lolo ko noong siya ay binata pa. Palagi siyang nag kukwento sa amin kapag tapos na kaming kumain ng hapunan. Kaya na hawa ako sa kanya naging pala kwento na din. Sino ba rito ang palagi ring nakakarinig ng mga kwentong bayan sa mga nakakatanda sa atin?

Siguro naman noong kabataan natin ay hindi pa gaanong marami ang mga bahay na may kuryente. Na mulat ako na ang ilaw na ginagamit namin ay lampara at madalas namin laruin ay yung tinatapat namin ang aming mga kamay sa ilaw at gumagawa kami ng mga hugis gaya ng aso at ibon. (Sino ang nakakarelate nito? Kahit nga siguro ngayon ang ginagawa pa natin yung pagtatapat ng kamay para makabuo ng hugis lalo na ngayon na may anak ako na 1-year old na gustong-gusto rin niya na tinatapat ko ang aking kamay sa may ilaw.)

At ayun nga, dahil sa gawaing yan. Ang pagtatapay ng kamay sa ilaw upang makabuo o maka porma ng kahit anong hugis ay isang gabi habang malakas ang apoy sa lampara ay may maliit na paru-paru na lumapit sa apoy ng lampara namin at nasunog ang kanyang pakpak.

Sabi ng aking ama may kwento siya tungkol sa paru-paru, "may mag-amang paru-paro at sabi niya sa kanyang anak na huwag lalapit sa apoy na iyon sapagkat delikado. Ngunit napaka tigas ng utak ng anak at hindi niya sinunod ang kanyang ama kaya lumapit siya't nasunog ang kanyang pakpak at hindi na pwedeng lumipad pa. Bumagsak ito at natagpuan ng mga langgam at ang batang paru-paro ay naging pagkain ng mga langgam."

Napaka simple ng kwentong ito, pero may magandang nais ipabatid sa ating mambabasa at taga kinig ng nasabing kwento.

Nais lang naman nitong ipahiwatig sa atin na hindi nakakasama sa atin ang gusto ng ating mga magulang. Bagkus, gusto lang nila tayong protektahan dahil ayaw nilang may mangyari sa ating na kanilang mga anak na hindi maganda. Napaka simple ng bawat kwento ngunit may hatid itong leksyon para sa nakikinig nito at gayun din sa nagkukwento. Napaka swerte natin sa parte na may mga magulang tayo na umaalalay at gumagabay sa ating paglaki at siyang nagsasabi sa atin g kung ano ang tama at kung ano ang hindi dapat na gawin.

Bigla ko tuloy, naalala ang aking mga magulang. Sapagka't marami akong natutunan sa kanila. Kaming mga anak nila ay tinuruan ng pagiging magalang at mag pursigi sa buhay sapagka't ang pagpupursigi ay hindi para sa kanila kundi ay para sa amin lang na mga anak nila. Na kahit papaano ay maranasan namin ang masagana at marangyang buhay na taliwas sa hirap na kanilang dinanas.

Nakakalungkot lang, sapagka't silang dalawa din ay magkasunod na kinuha. Kaya't maswerte yung meron pang mga magulang sapagka't mayroon pa silang maririnig na mga kwentong nagbibigay ng magandang aral.

Hanggang dito na lang muna...

Maraming salamat!

~Junix


Now, let's have my POV.

That's his piece for today everyone. I'm always grateful actually for he also helped me in this matter which able me to published daily. Hopefully this month I can able to published daily because last month I wasn't able to do so due to some circumstances that hinders me to achieved such goal.

That was it for now.

More blessings to all of us.

Sponsors of Janz
empty
empty
empty

"For my sponsors and those who upvoted my articles. I would like to say my deepest gratitude and happiness for you all since you always keep me inspired and motivated. Thank you so much. More blessings to all of us here. Love you all :) - @Janz

Lead image source

10
$ 5.83
$ 5.68 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @mommykim
$ 0.05 from @Bloghound
+ 2
Sponsors of Janz
empty
empty
empty
Avatar for Janz
Written by
3 years ago

Comments

galing naman ni hubby mo at good thing tumutulong siya para ma maintain mo ang pag publish daily mamsh... may makukuha ka talagan aral sa mga ganito kasi dapat hindi natin binabalewala ang sinasabi nang magulang natin dahil para sa kapakanan din naman natin iyon

$ 0.03
3 years ago

tama mamsh, kasi for our own lang din naman yung pangaral nila

$ 0.00
3 years ago

Nalungkot ako bigla matapos ko basahin tung blog entry niyo po maam.😢 Hindi natin maitatanggi na ating mga magulang ang nagsilbing gabay natin upang hundi tayo mapariwara sa buhay. Nararapat lang nating sundin ang ating mga magulang. 💙

$ 0.03
3 years ago

tumpak, pero pwera lang din dun sa mga iresponsableng magulang

$ 0.00
3 years ago

Dakong sajop jod naho mamsh nga wako naminaw sa ahong nanay last year. Dapat jod maminaw tas atong mga ginikanan 😌

$ 0.03
3 years ago

That's layf mamshh, there were really times that we decide on ourselves knowing it's the right thing for us but what matters is that we learned from it.

$ 0.00
3 years ago

Yes jud Ate Janz! Wlay tambag sa ginikanan na makadaot sa anak. Walay ginikanan na gusto madaot ang anak. Pagpangga jud na ilahang gi huna-huna. Our own good, but sometimes sa kagahi natog ulo, tuara disgrasya.

$ 0.03
3 years ago

Tinood gajud na. Usahay lage we won't follow them kay feel nato kay higpit ra sila kaayo not knowing it's because of our own good.

$ 0.00
3 years ago

Kahinumdom ko ig brown out sauna mag pa shadow mi ug bird haha. or mag guitar ahu sis. Good old days. Our parent's will never go wrong jod no matter what the situation is, there advice would really be for our own good.

$ 0.03
3 years ago

Truth memshh, they won't advice us on the other way, it's always for our own good. If they were those responsible parents kay naa man sad irresponsible gud.

$ 0.00
3 years ago

Kapupulutan talaga to ng aral sis. Galing ng partner nyo :) Our parents just want us to be safe always.

$ 0.03
3 years ago

Salamat sis.

$ 0.00
3 years ago

Napakaganda ate Janz. Simpleng kwento subalit malaking aral ang dulot nito sa mga mambabasa. Pakisabi sa iyong Sinta ate na napakagaling niya. 😊

$ 0.03
3 years ago

Sure. 😊 Salamat. Magaling siya magaulat ng tagalog. Ako, ewan ko haha

$ 0.00
3 years ago

Yes ate tama. Dapat mamati gayud tah sa atong mga parents kay walay lain sila gusto kundi protektahan ta. Para ato lang sad na. Dili gayud maging pasaway kay magbasol gayud sa ulihi.

Labi na ng magtuman unya gahi ulo. Nasa uwahi gayud ang kabasulan...

$ 0.03
3 years ago

Truthfulness jud sel

$ 0.00
3 years ago