10th of October 2021
Disclaimer: This is again my partner's article.
Ito na sisimulan ko na. Ang artikulong ito ay ang pangalawang naging experience ko sa pagsabak sa kompetisyong Chess.
Ang aking karanasan sa larangan ng Chess.
December taong 2017, muli kaming sasalang sa larangan ng ajedrez o mas kilala sa tawag na Chess. At ito ay gaganapin sa VSU- Baybay City Leyte, napaka saya ko noong taon na iyon sapagkat sa wakas ay makaka harap ko na rin ang mga iilang manlalaro sa PALARONG PAMBANSA sa larangan ng ajedrez. Noong dumating na ang takdang araw ng aming laro ay nakita ko ang ibat-ibang kulay ng mga uniporme ng ibat-ibang unibersidad na nakilahok sa paligsahang iyon, kung saan napagtanto ko na napaka imposibleng maka sali ako sa top 10 sa sobrang dami ng mga man lalarong maaari kong makaharap.
Bandang alas 8 nang umaga ay nag simula na ang unang round at ako ay nasa board 16, narinig ko na nag uusap ang makakatunggali(yellow) ko sa round na iyon ang ang kanyang katabi(red). "Kumusta na bay?" Sabi ng katabi niya. "Okey lang naman, ikaw?" Sabi naman ng aking katunggali sa katabi niya. "Okay lang din. SLSU man diay imu kuntra, sure puntos na" ito ang sabi ng katabi ng aking katunggali. Naka smile sila at nakita nila akong nakatingin sa kanila at dinig na dinig ko sila. Medyo nainis ako sa sinabi ng taong iyon tungkol sa Unibersidad kung saan ako nag aaral. Ibig sabihin minamaliit niya ang mga manlalaro ng ajedrez na nag aaral sa SLSU dahil puntos lang daw kami para sa kanila. "Puntos diay inyo tan-aw namo, tan-awon nalang nato sa sunod round"(puntos pala, tingnan nalang natin sa susunod na round) ito naman ang na isip ko, hindi ko ito sinabi sa kanila bilang pagrespeto sa kapwa manlalaro. Na uwi sa tabla ang aming laro at mukang nagulat ang dalawang iyon sa naging resulta nakipag kamay ako sa kanila bilang respeto at gayon din naman sila. "Kumusta imu duwa?" Sabi nang coach namin. "Tabla" sabi ko.."kinsa imu kaduwa?" Tinuro ko naman kung sino nakalaro ko "kana, (sabay turo ko sa nakalaban ko) maayo kay naka tabla ka ana nga palarong pambansa player na"(mabuti at naka tabla ka sa kanya, naka paglaro na yan sa palarong pambansa). At nagulat ako sa sinabi ng coach ko pero hindi ko inisip ang kakayahan ko, ang iniisip ko sa mga oras na iyon ay tinulungan ako ng Panginoon na malampasan ko ang round na iyon. Hanggang naging 1.5 ang standing ko pagtapos ng ika lawang round at nakita ko na nakatingin sa akin si red yung nagsabing puntos lang daw kami.
Kinabukasan nagpatuloy ang pangatlong round at yes! Panalo ulit at naka tingin na naman si red sa akin at parang hindi siya maka paniwala.
At paglipas nang ilang round, dumating na ang kinakatakutan ko. Ang pagkatalo ko sa ika pitong round ang nag bigay ng kalungkutan sa akin dahilan ng pagkatalo ko ulit sa panghuling round. Sayang... Leading pa naman ako sa team namin, hindi na kinaya ng nerve namin ang bigat ng tira ng mga nakakalaban dahil malalakas na player na ang nakaka harap namin kadalasan wala pang talo. Sa kasamaang palad ang team namin ay hindi naka kuha ng medalya nasa pang apat na rank ang team namin at sa individual ay pang 12 ako. Hindi man ako nagtagumpay na maka sali sa palarong pambansa, sulit naman ang bagong salta sa liga na kagaya ko. Napa bilib ko naman ang ibang player na nakalaro ko at nakilala nila ang apilyedo ko. Hindi na masama ang rank 12 sa bagong salta kagaya ko. At si red, binaliwala ko na ang mga sinabi niya tungkol sa team namin. Bago kami umuwi ay nakilala ko ng husto si red ganon din si yellow. Mabubuti naman pa silang tao.
Yan po ang mga naging experience ko bilang isa sa mga representante ng aming paaralan upang maglaro ng chess. Gustuhin ko mang manalo sa mga panahong yun dahil pangarap ko ring makasali sa palarong pambansa pero sadyang hindi umaayon sa akin ang tadhana. Pero sulit lang din naman sapagkat napakitaan ko rin yung ibang manlalaro na dapat ay hindi nila minamaliit ang aming team at kung saang Unibersidad kami galing.
Sana ay nagustuhan niyo ang aking mga artikulo at pagpasensyahan niyo na at ito'y tagalog sapagka't dito lang ako komportable.
~wakas
"For my sponsors and those who upvoted my articles. I would like to say my deepest gratitude and happiness for you all since you always keep me inspired and motivated. Thank you so much. More blessings to all of us here. Love you all :) - @Janz
Hi I'm newbie here ate, sana all po sweet, and hilig moduwa ug chess hehheheh